Thursday, May 17, 2012

Handwriting Meme [ Gelo Version ]

Ito ay epic.

Di ba? Yan ang handwriting ng nag-iisa kong first-year-to-be na lalaking kapatid. Shet. Nagkaron ako ng konting confidence sa sarili kong sulat. A, at kung nakikita niyo rin pala sa question 14, ang kayabangan ni Gelo ay malala. XD

Handwriting Meme

Na kinelangan kong baklasin at putulin para lang hayaan ako ng blogger na ipost ung pic.

What is handwriting? Grabe, naasar talaga ko sa sulat ko, LMAO. Parang dinadaanan ng bagyo every stroke e. Nakakatakot. Haha! Nanakaw ko lang yan sa dA. At kelangan ko lang talagang sagutan dahil ne-feel kong masayang sagutan.

Paglalakbay sa Maynila

HI HOWIE. ALAM KONG MAHAL NA MAHAL MO KO. ALAM KONG ANG DAMI MONG NATUTUNAN SAKIN NGAYONG ARAW NA TO. ANG GALING KO KASI. YOU'RE WELCOME. XD

Walang pics kasi ang pogi ko.


Kasi kelangan kong pumunta sa UST kanina. At as usual, ang aking chaperone, si Howie. So daan nga kaming UST, yada yada. Ayun, naglakbay at naghirap kami sa Maynila. HAHAHAHAHA! Kasi ako lang naman ang pinakamagaling na nilalang sa mundo.
De, ganto kasi, sabi ni Howie, tambay na lang daw kami sa UST, or libutin namin un. E nalibot na namin. So nagyaya ako sa SM Manila or so. At... Di un na. Sakay kaming jeep na may plakang nakalagay na "SM C-Hall". Siguro, nagtraffic traffic na lahat lahat. At na-realize ko na ring nilagpasan na namin ung SM after ilang street lights at underpass na dinaanan namin. Pero para lang talaga sa sake na ma-experience naming mawala, pinaabot ko pa ng pagkatagal-tagal bago ko sinabi kay Howie na nawawala nga kami. HAHAHAHAHA! Umabot nga kami ng lagpas UP Manila e. LMAO. Tsaka nung una pa lang, nakita ko na na tinanggal na ni manong driver ng jeep ung plaka ng SM XD
Ako na magaling.
Di pa nagtatapos dun.
Nung nasa may Adamson's Uni na kami, sakay na uli kaming jeep pabalik ng España. Sabi ko kay Howie, mag-eSM pa rin kami. So dapat bumaba kami bago dumaan dun sa Mahiwagang Magandang Tulay. Eto, pinaglalaban ko talagang hindi ko na kasalanan. Kasi naman... Hindi pinara ni Howie ung jeep. Ayun. E di lumagpas na kami nung tulay, tas dun lang kami bumaba. So anung ibig sabihin nun? Syempre kelangan naming tawirin ung tulay by foot. So tinawid nga namin. Tapos, inalala ko kung san ba dapat kami pumunta para makarating ng SM. Naalala ko, dadaan kami ng underpass. At dahil magaling lang naman ako, ung pinaka-unang underpass na nakita ko ung pinuntahan namin. San kami dinala nun? Sa kabilang dulo, malayo sa SM. Sa huli, nagtanong na din si Howie dun sa mga nagpepedicab. Pinasakay kami, sakay naman kami. Bale, sa aming napakasayang adventure, nakagastos kami ng 41 php each. 
Sa huli, narating naman naming ung SM ng buhay. A, nasabi ko bang halos 2 oras nga pala ung adventure namin na un? Isang oras at kalahati nun, naglalakad kami. Tsaka sa SM, dahil sa kung anung milagro, nasalubong namin sila Abby at ung mommy niya. Ang galing nga e.
Mga "loving lines" saking ni Howie:
  • "E kung itulak kaya kita sa highway?"
  • "Itutulak kita jan sa tulay e, tignan natin kung mabubuhay ka pa."
  • "Wala! Wala kong kilalang magaling! Namatay na un!"
  • "Oo, no? Dapat ung mga poging kagaya mo, tinutulak para masagasaan ng jeep e."
  • "Ano natutunan ko ngayong araw na to? WAG PAGKATIWALAAN SI GIANNE ABUTOG SA DIRECTIONS."
  • "Ang sarap mong ihulog sa tulay!"
  • "Grabe, pinalakad mo ko ng ganto kalayo! Exercise? EXERCISE??"
O di ba?

Pero masaya a XD  Sayang nga di nakasama si Ate Ericka e.

Tuesday, May 15, 2012

Dere

Tsundere: Leo, Gemini
Yandere: Scorpio, Taurus
Kuudere: Virgo
Dandere: Capricorn
Deredere: Cancer, Pisces
Kamidere: Aries, Sagittarius
Himedere: Libra, Aquarius
Tsundere - we all know this one. Acting high and mighty, pretending not to like stuff, but actually a loving person.

Yandere - May appear all loving and kind at first, but can get very aggressive, obsessive and violent when it comes to her or his affections.

Dandere - Might appear very silent and even emotionless at first, until someone "pulls their trigger" and it comes out that they were just shy.

Kuudere - May appear cold, harsh and even emotionless at first, untill someone "pulls their trigger" etcetera etcetera.

Kamidere - It's in the name. Acting as if she or he is god, but with a ~dere side hidden away.

Deredere - Sweet and loving all the way.

Himedere - Same as with kamidere, but acting as princess.
Dahil wala akong mapost. At dahil trip ko lang magpost dito ng something about mga klase ng dere. Nakita ko lang yan somewhere sa net. At dahil natawa ko sa resulta kong napaka accurate, kelangan ko lang talagang ipost dito un. XD Ye, so in short, meron akong god complex.

Sunday, May 13, 2012

PAG-AMIN NI EDRICK STEIN

OMG.
After 843985 years, umamin na rin si Yaya na namimiss niya si Koji! Hahaha! Ako na masaya! Gahd. Seryoso, napatalon talaga ko sa upuan ko sa sobrang saya XD E kasi naman e kasi naman. Gusto ko na talagang sabihan si Trisha tungkol dito XD Shet. Anu kayang magiging reaction ni Koji? LMAO.


Disclaimer: Parehong straight ung si Yaya at Koji a. Talagang weird lang ang fantasies ko.

Sa chat nga pala namin, na-realize ko lang... Lahat ng tinype kong naka all caps... Lahat un habang nakahold ung shift key. Di man lang pumasok sa ulo ko na pede ko namang pindutin ung caps lock. XD

Saturday, May 12, 2012

Theme 20: Shawl

May binago ko ng konti sa style ko for improvement. Kaso malamang walang makakapansin nun kasi magaling ako mag-improve. At hinde, hindi improvement ung hindi paglagay ng shadings at background sa drawing. Katamaran ko lang un. Basta may nagbago ng konti - NG KONTI - sa lineart ko. At hindi rin un ung nilagyan ko ng outline. Basta. Whatever.
Nasabi ko bang tinamad akong maglagay ng shadings? E kasi naman. Wala lang, walang dahilan. Tinamad lang ako. Parang okay na kasi siya tignan na ganyan e. Nakakairita nga lang ung border, pero whattaheck.
De, bukas, malamang yan, lalagyan ko rin ng shadings. Sa ngayon... Tinatamad pa ko. Bukas na lang.

Tuesday, May 8, 2012

Rappelling

Ye. NAGRAPPELLING KAMI SA SAS KASAMA UNG MGA BATA AT IBA PANG MGA BATA NA ANDREAN. At napakasayang feeling ung bago kami magcollege, na expi naming magrappelling like ye.

Yan kaming mga tao kami, namamangha nung una sa batang nagrarappel. Kasi nga atat na kami nung time na yan, kaso sabi ni sir, patapusin daw muna namin ung mga bata. E di naghintay naman kami. De, actually, di ko sure yang scene na yan e. Yan nga ung either naghihintay kami, or pinapanood naming bumaba si Sir Gary. Pero alinman dun sa dalawa, namangha pa rin kami XD




Dapat sabay kami ni Dothy bumaba e, kaso nauna kong umakyat at nauna kong lagyan ng lubid. So nauna na rin akong bumaba, kasi atat ako, LMAO. Nung una, nung nilalagyan pa lang ako ng gear, nayayanig ako. Nung nasa taas na ko, dun lang nawala ung kaba. At nung bumababa na ko, natatawa na lang ako kasi iniisip ko mukha kong timang. Meron din pala kong manly legs sa first pic XD




Yan si sir, kasama ung anak niya. Dapat din sabay sila, sa huli, hindi siguro kinaya nung bata kaya umayaw. Epic nga ung pagbaba niya e, habang bumababa siya, ung mga nagtetraining, pinapunta nung mga trainers sa quadrangle nila tapos pinapapalakpakan siya.






Yan din ung iba pang mga maswerteng officers ng DCCS na nakababa kasi mga nakasapatos. Walang particular order yan kasi nakalimutan ko na kung sinu-sino ba nauna. Basta sila Howie, Paolo, Wil, Reji, Abby, at Dothy yan.

"Nakakabading ung pagbaba!" <~ Line nung dalawang lalaking nabading nga daw.

Dami rin naming pumunta kanina e, kasi nga alam naming magrarappelling. Ung unang batch na pumunta, mga 8 something ng umaga, ako, Howie, Yaya, Nick Paul, at Jose. Ung sumunod, mga 11 ata, sina Abby, Dothy, Wil, at Paolo. Sumunod si Keine, huling dumating si Reji. So batalyon kami ng officers ng DCCS kanina XD

Nasabi ko bang masaya magrappelling? XD

Friday, May 4, 2012

Color IQ Challenge

OMG men. Meron akong perfect color vision like ye. At hindi ko man lang alam un XD Saya nung test. Masakit nga lang sa mata, pero okay pa rin. LMAO, puro ko screen caps ngayong araw na to.

Angelo Carlo

Parang timang to si Gelo kanina e. Pano kasi, nung nasa kwarto kami, wala daw siyang magawa, so nagsound trip siya. Tapos bigla siyang sumigaw ng "Hala!". E di nagtaka naman ako. Tapos sabi niya, hindi na daw niya kayang abutin ung mga matataas na notes nung mga kanta. Sabi ko baka kasi nagbibinata na siya. Tapos di, naghanap ako ng mababang kanta. Naiyak lalo siya. Hindi daw niya kayang kumanta ng mataas at mababa. Useless daw ung boses niya XD
Kinuha ko phone ko. Pinatugtog ko to:
"Uh... That is a sexy voice," sabi niya. LMAO. Napanganga ko ng di oras e XD Win talaga kausap yan si Gelo e. Ayun, sa huli, narealize namin na kaya pala hindi niya makanta ng maayos ung mga kanta e kasi nakahiga siya. Tapos ung unan niya pa mataba, e di nakayuko siya XD

StepMania

Antagal ko nang hindi naglalaro nun e. Siguro 2 years na. E nagkataon, na-bore ako ng todo kahapon. So dinownload ko siya uli. SM version 5 na siya, huli kong gamit, version 3.9 pa lang e XD


Ilang mga screen caps nung laro. Grabe, hirap kumuha ng screen cap habang naglalaro, malamang XD Haha! Kasi naman kasi naman. Nung una, puro vocaloid lang ung kanta ko. Kaso nagsawa ako. E di dinownload ko uli ung mga anime mix, kinukulit rin kasi ako ni Gelo e.
Ang sarap lang ng feeling na nalaro ko uli to. Ang kaso nga lang, sumakit ung kamay ko kasi nonstop ung laro ko kagabi. LOL. Ako na adik.

Wednesday, May 2, 2012

Chibog

Galing kasi ng Hongkong si Ate Reagan. Three days siya dun, kauuwi niya lang kahapon. Tapos kanina, paggising ko, sabi ni mommy, sakin, may inuwi daw na nori sakin si ate. Sabi ko, sige lang. Tapos nakalimutan ko na un. Tapos nung magmemerienda kami, nilabas niya ung uwi ni ate. Hindi siya nori, may nori siya.
Hindi ko alam kung anung tawag jan e, malamang. Pero basta lasang apa na may pulburon sa loob, tapos syempre, medyo malansa ng konti kasi nga may nori na nakabalot sa kanya. Ang sarap talaga. Sana nga umabot hanggang May 8 e, para pag punta namin ng SAS, mapapatikim ko kay Howie XD

Theme 19: Textures

E kasi naman.. Oo, halos ng drawings ko puro textures, pero eto pa lang talaga ung inabuso ko ng todo-todo walang awang pag-abuso ng textures. Halos lahat ata ng layers ko, lalo na ung sa background at foreground, may textures. Kaya yan un theme ko. At dahil ayaw akong lubayan ng art block.
Gahd. Nagalit nga ung SAI sakin e. May mga oras na hindi niya ko pinayagang gumawa ng bagong layer kasi ang laki na daw nung file, kaya kelangang magbawas ng textures. Nakakaasar nga kasi hindi rin ako makapagbukas ng ibang pics sa SAI para reference kasi nga ganun. Grabe.

Maganda naman ung kinalabasan, kahit papano. Pero di talaga ko kuntento e. Mas gusto ko gumawa ng lineart kesa coloring, pero mas confident ako sa coloring ko kesa sa lineart ko. Kasi ang fail ko talaga. Eto rin pala ung sketch nung pic na yan, LOL.

Oh yessss. Ang layo sa outcome XD Ung matanda talaga e. Actually, kung hindi pa nga ako nagkamali ng stroke ng pen, hindi ko makukuha ung mukha, haha! Wala talaga kong sinunod sa sketch. Maliban na lang siguro ung rose na nandun sa bottom right XD

Tuesday, May 1, 2012

Old

OMG. Nagtry akong magdrawing ng matanda for the heck of it. Pero hindi mukhang okay kasi.. Magaling ako. Tsaka nung una, hindi ganyan ung sketch. De, as in wala kong sinunod sa sketch. Walang wala.
Layo di ba? Ginawa ko munang Noh Mask kasi hindi talaga ko marunong gumawa ng matanda. Actually, first time ko magdrawing nun e. At hindi siya madali. Lalo ung shape ng mukha niya OTL talaga. Pati ung mata, hindi ko makuha ung tamang posisyon. Ayun, ginawa kong nakapikit. LOL