Saturday, February 23, 2013

Traditional VS Digital

Sunud-sunod na post for the heck of it.
Napag-isip isip ko lang kasi. Ano nga ba mas gusto ko, trad o digi drawing? Actually hindi ko rin masagot ng maayos kasi... Uh... Well parehong may pros at cons.

TRAD
-PROS-
  • Sakin lang to a, ADVANTAGE PARA SAKIN... Mas madali magdrawing pag trad. Mas marami akong nadodrawing, characters or details, sa papel kesa sa digi canvas.
  • Mas mabilis like heck.
  • May hard copy ako na di na kelangang iprint. At napapasaya ko nun XD
-CONS-
  • Pagdating ng coloring, hirap pantayin ng maayos ung kulay. Lalo pag watercolor. Pag natuyo, OMIGAHD HIRAP HABULIN.
  • Pag nagkamali sa lineart... Well shit.
  • WALANG HORIZONTAL FLIP MAIGASH. Sobrang life-saver kasi niyan. Basta ganun.

DIGI
-PROS-
  • May eraser tool, select tool, AT HORIZONTAL FLIP.
  • CTRL+Z, best friend ko.
  • Mas buo ung coloring kung ikukumpara sa traditional. At technically, lahat ng klase ng coloring magagawa.
-CONS-
  • Hindi ko maexplain... Basta kahit may smoothing ung pen, parang ang hirap magdrawing kasi kelangan iasa sa swertihan ung pagdidikit-dikit nung lines. Minsan 10 strokes na, pangit pa rin tignan.
  • MATAGAL KASI DAMING DISTRACTIONS >>> INTERNET. Nuff said.
  • Kung gusto mo ng hard copy, papaprint ka pa ;A;

At sabihin nating biased ako kasi binigyan ko lang sila ng tigatlong pros and cons XDDD Basta un na un. So nakabahala lang talaga sa mood ko kung gusto ko ba ng trad o digi. Or kung gusto ko bang magdrawing at all.           

Watercolor

Okay... So sa loob ng 2 months in the least, natuto po si yours truly na magkulay gamit ang.... *Drumroll kahit may spoiler sa title* Watercolors XD Sabi sakin ni Trisha nun, mas madali daw magkulay gamit yan. Sabi ko NO, kasi hindi ako marunong gumamit nun. Tsaka biased ako para sa colored pencils. Tas ngayon... Ganun pa rin opinyon ko. Mas madali pa rin talaga gumamit ng colored pencils. Pero. Mas nakakatuwa magwatercolor kasi saya mag mix ng kulay XDDD At ayun. Tinuruan ko nga ung sarili kong gumamit nun.
Results:

Ung una jan, commission para kay Mike. At ung Story of Evil na kinaaadikan ko hanggang ngayon, para lang sa sarili ko. At... Actually, yan na ung mga latest kong gawa. Ung pinaka-una, free request ni Mike uli. Ung pangalawa, pang Hearts Day pic na hindi ko ipopost dito kasi nagfail, Ung pangatlo, project para sa ARTHST XD So ayan. Medyo nag-aaral pa lang akong magkulay ng matino. Pero nag-eenjoy talaga ko so hurrdurr XD

Sorry

Madramang title para sa hindi madramang post. Hurrdurr.

Pano kasi. Parang sometime bago mag New Year, nagsabi ako na magiging productive ako sa pagboblog... Pero dumaan ung January na meron lang akong tatlong posts. Seryoso. Nakakaasar. Hindi naman ako ganung ka-busy kung tutuusin. Actually, andami ko nga rin sanang ipopost nung January e: Otaku Con, Birthday Celebration ni Yaya, Birthday ni Yaya, Birthday Message ko kay Yaya, Activities sa CFAD, mga kalokohang wagas sa CFAD, at marami pang iba.... Hindi ko napost dahil... EWAN OMG. Asar. Tas ngayon lapit na matapos Feb... Na wala pa kong napopost ng matino ;A;
Sorry naman.