Tuesday, October 30, 2012

Pamaypay

Oh yes, tignan niyo yang baby na yan. Pamaypay yan. OO, PAMAYAPAY. At alam kong hindi kayo bulag para hindi makitang pamaypay yan. Ganda niya di ba? GANDA TALAGA. At dahil sa kanya.... UBOS ANG PERA NG WALLET KO HAHAHA. De, hindi naman. Nabawasan lang talaga ng todo. Kasi 200 php yan. Oo, 200 php. At aanhin ko naman yang magarbong pamaypay na yan? Gagamitin ko yan pang cosplay. PANG-COSPLAY.
Whattapak, si Abutog magko-cosplay?
E kasi. Sa CFAD Week namin sa UST, kelangan naming magdress up sa first and last day. At ang theme na napadpad sa block namin ay Ancient Chinese Dynasty. Nasan ung pamaypay dun? Ung props. Bawal daw kasing plain costume e. Leche. E di bili naman akong props. Ayun, iyak wallet ko XD Saya. Two time use only, kaya ano kayang magagawa ko jan sa pamaypay na yan pagkatapos?
Tanga kasi, bat ka bumili niyan? Two time use lang naman pala.
E kasi maganda tignan, kaya binili ko XD

Seven Realms Series



E di ayun. Nagsimula lahat nung 2009, sa National Bookstore ng SM SouthMall. Ako tong si Gianne Abutog na walang magawa kaya on a whim, bumili ng isang young adult novel - The Demon King ni Cinda Williams Chima. Nagustuhan ko ung summary sa likod. Dalawang protagonists, si Han at Raisa, na hiwalay ang mundo. Tsaka kakaiba rin siya kasi hindi niya setting ung mundo natin. As in, high fantasy novel siya na may sariling realms. Seven Realms. Basta un. Naaliw ako kasi nga parang nun lang ako nakakita ng libro na ganun, tapos ang narration pa, hiwalay dun sa point of view nung dalawang bida.
Maganda ung The Demon King. Kakaiba kasi halos hindi nag interact ung dalawang main characters. Nagkita lang sila sa gitna nung libro, tapos naghiwalay at hindi na uli magkikita hanggang gitna ng next book. Tapos magkakahiwalay uli hanggang dulo, at magkikita uli sa may simula ng third book. Magkasama na hanggang last. Yes, spoilers. Pero yan lang, masyadong vague yan XD
Nung natapos ko ung first book. Naghanap ako ng second book dito sa Pinas. Sadly, wala ;A; Saklap di ba? Pero may net naman XD E di ayun. Actually, nakaligtaan ko nga siya e. Nalimutan ko inaantay ko pala ung second book. Naalala ko lang nung malapit na marelease ung third book. So walang ganung paghihintay. Meron, pero hindi ko napansin XD
PERO ETONG THE CRIMSON CROWN. Nag-antay ako ng ONE YEAR MAHIGIT PARA SAYO. AT NGAYONG NARELEASE KA NA, OMG SAYA KO. At dahil ngang tapos ko na siyang mabasa... Hindi ko na alam kung anung gagawin ko sa buhay ko XD
[ /end of drama ]

Review.
Ano ba masasabi ko sa series? Maganda. As in. Ang genres niya: Adventure, Fantasy, Action, Romance, Comedy, Drama. Ang characters niya, marami. May nakakaaliw courtesy of jokes at sandamakmak na pambabara, meron ring nakakairita lang talaga. Ang plot, puro twists. At sinasabi ko lang, pag nabasa mo ung first book, hahanapin mo kagad ung second dahil mabibitin ka like ye.
Hindi ko na ilalagay dito ung characters, kahit kating-kati na ung mga daliri ko para ilagay sila XD Mas masaya malaman pag binabasa e XD
Ayun. Marami ring namatay. Okay, major spoilers ba yang matuturing? Basta. Bawat book, may mga namatay. Iba, okay lang dahil wala kong paki sa kanila XD Pero ung iba, hindi ko inaasahan. Hindi ko talaga inasahan. Kaya maganda talaga siya XD

Personal Opinion.
BAKIT TINAPOS NA KAGAD??? ;A; Parang gusto ko pa uli makapagbasa ng fifth book. Maganda ung ending nung The Crimson Crown. Nakakatuwa, as in, at hindi ko inaasahan. Pero parang di pa ko ready na humiwalay sa Seven Realms XD GUSTO KO NG SEQUEL SA STORYA NILA HANS AT RAISA. KAHIT UNG HINDI NA SILA TEENAGERS. ;A; Pati ung gyera sa Arden, gusto ko ng conclusion!! ;A;

Wednesday, October 24, 2012

Hi SM SouthMall

Pedeng malaman kung ano to? Nakakaintriga e XD

Pic (c) Trisha Bading

Sunday, October 21, 2012

ASHLEY VIRAY BASAHIN MO TO

MALIGAYANG KAARAWAN.
 SORRY HINDI AKO NAKAPUNTA.
NAKATULOG KASI AKO. /gets shot.
DI BALE. SA SABADO. BABAWI AKO.
TULOY SA SABADO A?
DI PEDENG HINDI.
AYUN.
MAGBLOW OUT KA A XD
SABAY TAYO PAALIS AT PAUWI XD
NGAYON, PAKASAYA KA SA BIRTHDAY MO,
ATE KENG.
LOLWHUT. Di bagay XD
GOD BLESS.
     

Saturday, October 20, 2012

1st SEM GRADES

ALL CAPS RAGE KASI MASAYA KO NYAHAHAHAHAHAHA!

Entry: 10/19/2012
Well... One day bago makita ang grades. Inaabangan na ng lahat. Kaya nung araw pa lang na yan, hindi na ma-access ang myUSTe. Pero kahit ganun, makukulit kaming mga Thomasians kami kaya pilit na ina-access ang ayaw ma-access na site. O di ba? De, actually, nung umaga, pede pang ma-access. At nakita na ung student deficiencies. Naiyak ako kasi nakita ko ung Tech 1. IRREG AKO SA TECH???? Actually expected ko un e XD Ako kasi tong magaling na studyanteng tamad gumamit ng ruler XDDDD
Pagdating ng zero hour.... Ayun. Sobrang hindi na talaga ma-access ung site. Or at least, hindi ko siya ma-access. Saklap. Ung iba kong kaklase, nakita na. So ako tong si nanggagalaiti sa inggit XD Pero wala. Nakakatamad magrefresh ng magrefresh. Kaya tinulugan ko ang grades.

Entry: 10/20/2012
AYAN NA. PERO WALA PA TALAGA KASI HINDI KO MA-ACCESS-ACCESS LIKE YE. WHY IS IT???? So inantay ko pa rin siya. Halos masira na F5 ko dahil sa kakarefresh. TO NO AVAIL. GRRRRRR. Saklap talaga. Tapos... Sinukuan ko. TAPOS CHINAT AKO NI SAB, SAB THANK YOU TALAGA!!!! At ayun, pinabuksan ko account ko, pinascreen cap, at nakita ko na grades ko. Well shit.
AKO NA SI NILALANG NA MASAYA LIKE YE. PASADO KO SA TECH. IMBA FILIPINO KO PERO WHATTAHEK. FLAT UNO KO SA DWG. AT NA-MAINTAIN KO ANG GRADE KO SA ENGLISH AT THEO. SUMABIT AKO SA 1.75. I CANNOT.
Naiiyak ako hindi ako irreg ;A;

SO HAPPY. /gets shot.

Friday, October 19, 2012

ANGELIQUE ARCE. HAPPY BIRTHDAY SAYO.

HAPPY BIRTHDAY TALAGA SAYO XD
IENJOY MO YANG BROWNIES.
GAMITIN MO UNG BAG.
MAHAL UN XD
Ayun. E di ang trip namin ni Dorothy? Shotgun na pagpunta sa SM. Tapos bili. Punta sa Sihanouk. Palabasin si Angelique sa bahay ng tatlong beses kasi ang fail namin. Iabot ung mga regalo namin. Tapos dapat alis kagad. Kaso sa hindi malamang dahilan, napasok namin ang bahay ng may birthday at nakikain. De, walang handa. Wala talaga. Pero kumain kami like heck. At ayun. Daldalang wagas. Saya. Umalis si Dothy ilang minutes after kumain. Ako? Tumambay hanggang 7. Anung ginawa ko dun? Nagpaamoy sa aso nila XD Pero ayun na nga....
ANGELIQUE. HAPPY 17TH BIRTHDAY.
Wala na kong masabi XD    

Thursday, October 18, 2012

Final Plate DWG

Para lang may mapost. Dahil gusto kong mapakita ung last plate namin sa Drawing-1. Ung pinakainaasahan kong idodrawing namin na ayoko sanang amining inasahan ko. Kasi naman kasi naman. Yoko naman talagang magdrawing nun e. Kaso... Well. Ayun, dinrawing ko rin.
FAIL. BAHAHAHA!
Ayan. Kotse. Actually, ayoko rin sanang kulay red ung kotseng reference ko. Dahil maliit na ung red kong colored pencil.... At dahil gusto kong mag-experiment sa ibang kulay. Pero ayun. Ako si magaling na studyante na hindi kumuha ng pic na reference until two night before deadline. O di ba? Saklap nga e. Maliit n ng sobra ung red ko ;A;
Ang pinakanahirapan akong gawin jan? Ung damo 8D Ung napakaraming damo. Pano, nakakasawa ung same strokes. Di ko naman pedeng tigilan dahil baka kung anung grade makuha ko XD

Tuesday, October 16, 2012

Deep Questions

1. What is more difficult for you, looking into someones eyes when you are telling someone how you feel, or looking into someones eyes when they are telling you how they feel?
Er... Both? De, hindi sa dahilan na "UI AWKWARD!" Ano lang talaga... Uh... NAAAWKWARD AKO PAG TUMITINGIN SA MATA NG KAHIT SINONG KAUSAP KO, KAHIT ANUNG TOPIC. So uh... Hindi talaga ko tumitingin sa mata ng kahit sinong kausap ko, laging sa bibig ang tingin ko XD 

 2. Think of the last time you were REALLY angry. WHY were you angry? Do you still feel the same way?
Nagalit ako kasi nasestress ako at napepressure ako. At un ung usual triggers para magsnap ang isang ugat sa utak ko. Pero gusto kong iwasan kasi... Kasi mali.

 3. You are on a flight from Honolulu to Chicago non-stop. There is a fire in the back of the plane. You have enough time to make ONE phone call. Who do you call? What do you tell them?
OMG ANG HIRAP NITO. Sabihin nating mabilis akong magcall... Pede ba un? Basta pede un, ako sumasagot ng tanong e XD Tatawagan ko si Keng, Yaya, at Trisha... At magjojoke for the last time ;A;

 4. You are at the doctor’s office and he has just informed you that you have approximately one month to live. Do you tell anyone/everyone you are going to die? What do you do with your remaining days? Would you be afraid?
Sasabihin ko sa closest friends ko, at sa kung sino mang magtatanong. Siguro ieenjoy ko to the max ung remaining days ko kasama mga kaibigan ko.... At syempre, oo, matatatakot ako. Pero tanggap. E kung mamamatay ka na, may magagawa ka pa ba?

 5. You can have one of the following two things. Which do you choose? Why? Love and Trust.
Love. Kasi nandun na rin naman ung trust e. Pero mas importante nga lang para sakin ung trust XDDD

 6. You are walking down the street on your way to work. There is a dog drowning in the canal on the side of the street. Your boss has told you if you are late even once more, you are fired. Do you take the time to save the dogs life? Why or Why not?
Ooookaaaay... Sabihin nating hindi ako takot sa aso. At kunwari hindi rin ako nandidiri sa canal... Then oo. Ililigtas ko ung aso. Walang dahilan kung bakit. Screw the boss XD

 7. Would you rather be hurt by the one you trust the most or the one you love the most?
Urgh... Vague question, cannot choose. Parang isa lang ung choice e.

 8. Your best friend confesses that he/she has feelings for you more than just friendship. He/she is falling in love with you. What do you (or did you) do/say?
o__o Di ko maimagine si Yaya.... De, sabihin nating ganto, kunwari nangyari nga yan. PERO IMPOSIBLENG MANGYARI YAN OKIE? Sasabihin ko sa kanyang mahal ko rin siya, alam naman niya e, pero hindi sa romantic sense. Mahal ko siya as kapatid, at alam niya rin un. At ayokong may magbago sa relasyon namin, kaya alam kong maiintindihan niya rin un XD

 9. Think of the last person who you know that died. You have the chance to give them 1 hour of life back, but you have to give up one year of yours. Do you do it? Why or Why not?
IBIBIGAY KO LAHAT NG NATITIRANG TAON KO PARA SA ILANG ORAS NA PEDE SIYANG BUMALIK ULI DITO. NO HESITATIONS. Why? Kasi deserve niya.

 10. Are you the kind of friend that you would want to have as a friend?
Oo naman! Sino pa bang taong kayang pumantay sa kagalingan kong wagas? Syempre magkakasundo kami ng isa pang Gianne Abutog XDDD

 11. Does love = sex?
No. More like lust = sex at love = WAIT TIL MARRIAGE, THEN HAVE SEX. /no bias intended.

 12.Your boss tells your coworker that they have to let them go because of work shortage, and they are the newest employee. You have been there much longer. Your coworker has a family to support and no other means of income. Do you go to your boss and offer to leave the company? Why or Why not?
Pede na rin. E kung para sa makakabuti naman ung gagawin ko, e di magreresign ako para dun sa isang employee. As long lang na worth-it i-give up ung position ko. E kung hindi naman pala siya nagtatrabaho ng maayos, nevermind.

 13.When was the last time you told someone HONESTLY how you felt regardless of how difficult it was for you to say? Who was it? What did you have to tell the person?
Sa retreat. Sinabi ko lahat lahat ng saloobin ko kay nila Yaya, Keng, at Paul. AT INIYAK KO UN.

 14. What would be (or what was) harder for you to tell a member of the opposite sex, you love them or that you do not love them back?
Parang mas madali sabihin na hindi ko sila mahal. Pero hindi rin ibig sabihin nun mahirap sabihin na mahal ko sila. I dunno...

 15. What do you think would be the hardest thing for you to give up? Why would it be hard to lose?
ANG AKING DAMNABLE PRIDE. Kahit anung mangyari, mawala na lahat wag lang yan. Pride ko na lang nagdadala sakin, pag nawala pa yan, ewan ko na lang.

 16. Excluding romantic love, when was the last time you told someone you loved them. Who were they to you?
HAHAHA! Lagi ko namang sinsabihan ung mga kaibigan ko e XD Di ko na maalala kung kelan ung huli~

 17. If there was one moment and one time in the last month what would you change and why?
Wala. Nangyari na ung nangyari, anung point ng pagbago sa kanya? Hindi pa rin mawawala ung katotohanang nangyari na siya.

 18.Imagine it is a dark night, you are alone, it is raining outside, you hear someone walking around outside your window. WHO do you wish was there with you?
SI BATMAN. Seryoso.

19. Would you give a homeless person CPR if they were dying? Why or Why not?

No. Kasi hindi ako marunong mag-CPR. At sa pagkakaalam ko, pag tinry kong mag-CPR nang hindi ko alam ung proper procedures, baka makapatay pa ko imbes na makatulong.

 21.You are holding onto your grandmother’s hand and the hand of a newborn that you do not know as they hang over the edge of a cliff. You have to let one go to save the other. Who do you let fall to their death? What was your rationale for making the decision?
Well shit. E di hindi ko bibitawan pareho hanggang sa may tulong na dumating. Un ang rational.

 22. Are you old fashioned?
o____o Baka, baka hindi.

23. When was the last time you were nice to someone and did NOT expect anything in return for it?

Lagi? /shots

 24.Which would you choose, true love with a guarantee of a broken heart, or never loved at all? Why?
Saklap ng never loved at all. Former na lang. At least may experience ka na madadala mo next time.

 25.If you could do anything or wish anything, what would it be?
Gusto kong bumaba ng dalawang ocatves uli ung boses ko ;A;

Whoa... Ang deep nga nung questions XD 

Final Plate VP

Kasi... Di ba nga sembreak na... So bago un, dumaan muna kami sa VISUAL PERCEPTION - ANG FAVORITE NAMING SUBJECT~! HOHOHOHO! E di last plate na. Eto ung kinalabasan:


Pardon the face XD Yan. Tig-iisang boxes kami jan. Akin ung gitnang baba. Ang concept, passageways, so ang theme namin, castle exterior. Ung color scheme namin, triad - secondary colors - na hindi halata jan kasi epic ung camera ko. Pero ayun. Maganda ung kinalabasan. Nag pay off ung dugo't pawis, bangayan, alitan, pagkataranta, pagkabangag, at sakit ng ulo namin. Maganda naman di ba? XD Halata ba un image na pinapakita niya? OMG.

;A;

AKO. AKO NA SI GIANNE ABUTOG NA DATING SOBRA KUNG MAG-UPDATE SA BLOG.... ANUNG NANGYAYARI SAKIN?????? BAKIT ANG INACTIVE KO NA??? SA SOBRANG INACTIVE KO, PATI SILA HOWIE AT ANGELIQUE, NALALAMANGAN NA KO SA POSTS!!!!
AYAN O! SILA PUMUPUNO NG FEED KO!!! ANO YAN??? BAKIT AT PANO KAYO NAKAKAPAGPOST NG GANYAN KARAMI???? NAKAKA INGGIT KAYO ;A; DAMI KONG GUSTONG IPOST PERO DI KO MAPOST!!!! GRRRRR
/end of rant

Peace tayo people XD