#1: Sketch. Malamang sa malamang. Ayun. So alam naman ng lahat kung gano karumi ng mga sketch ko. Madalas abstract like ye. So masasabi kong yan na ung isa sa mga pinakamalinis, at pinakadetalyado, kong sketch sa buong buhay ko. At no, hindi ako nag-eexaggerate. Tru faxx.
Yan din pala ang NAPAKALINIS kong workspace, harrharr XD Basta ayun, sketch muna, diretso na sa watercolor paper dahil wala akong light table para mag-inarte XD
#2: Inking. Or at least syempre dapat after ng sketch, inking process na. Pero meron akong "wonderful" habit ng sketching again after inking. Kumbaga ang proseso ko -- Sketch, Ink, Sketch, Ink. At hindi un magandang gawin dahil well, madali magkamali pag ganun. At yan nga pala ung full view ng napakaganda kong drafting table XD
#3: Final Lineart. Kasama sa proseso na yan ung pagbubura sa lahat ng pencil marks na nakikita sa buong paligid. Yan rin ung pinakakinamumuhian kong step. Dahil. Dahil. Kung pede kong ipasa sa iba ung pagbubura ng pencil marks, ginagawa ko talaga XD So ayun, pag kuntento na ko sa lineart, kukulayan ko na.
#4: Background. So bago ko kulayan ung lahat, ung background muna inaatupag ko. Bale ang rule ko sa sarili ko: background muna, tas kung ano ung nasa unahan nun, tas kung ano ung nasa unahan uli nun, so on so forth, at huli ung foreground. Hindi ko rin alam kung bakit ganyan ung naging proseso ko, siguro dahil nasanay lang ako sa SAI. Ewan. Pero mas maganda talagang unahin ung background. Hindi ko maexplain kung bakit, basta ganun XD
At oo, may mali sa pagkulay ko sa background. Niremedyohan ko na lang XDDD
#5: Background pa rin. Pero sinimulan ko uli ung nasa likod papuntang nasa harap. Kasi mas madali at mas maayos pag ganun.
#6: Borders. Sa lagay neto, ung frames kasi niya, or kung anu mang tawag jan sa mukhang lalala na design na yan, nasa harap ng background pero nasa likod nung character, so un ung sinunod ko. Pag nagkukulay pala ko, laging ung nasa kaliwang banda ung una kong kinukulayan. Bale, left to right, baba, left to right uli. Un ay dahil right handed ako XDDD
#7: Wrappings, or kung anu mang tawag jan. Ye.... Medyo baliko na ung rule ko jan. Pero kasi, karamihan nung wrappings nasa likod nung tao, so para sakin, background pa rin siya. At ayokong ipaghiwalayin ung pagkulay sa kanila dahil walang point at nakakatamad. A basta yan na ung huli sa background.
#8: Skin. Na hindi ganung halata rito kasi magaling ang lighting ko pero whattahel. Pag maputi ung character, iniiwan ko na lang na walang kulay ung mismong balat niya. Oo, ganun ako katamad. Ang ginagawa ko na lang para magkakulay siya, ung shadings. Pero dahil magaling akong nilalang, wala akong light source kaya kung san san nanggagaling ung mga shadows niya XDDD
Nota: Hindi un magandang gawain. In fact, mali un XD
#9: Eyes. Inuuna ko ung sclera lagi, or ung white nung mga mata. Oo, kinukulayan rin un. Nakakatakot kaya pag walang kulay ung sclera XD Tapos ung mismong mata na. Pero hindi ko pa tinatapos dun. So ganyan lang itsura nung mga mata hanggang sa matapos ko na ung buong pic. Babalikan ko yan mamaya.
#10: Accessories. Mga burloloy sa katawan. Sila ung sinusunod ko dahil onti lang sila at hindi mahirap kulayan. Actually, mas magiging mahirap silang kulayan pag kinulayan ko na lahat bago sila. Basta may logic un, mahirap lang iexplain. Tiwala lang XD
#11: Damit. Mahaba-haba at medyo nakakairitang pamimili ng kung anu mang kulay ung magandang ilagay jan. Sa huli, naging desperado at yan ung kinalabasan OTL Oh well. E di ayun, inuna ko ung kung anu man nasa pinakailalim na damit. Pero actually, hindi dapat ganun. Or dapat ganun depende sa mga kulay. Pero oh well, ayan na e.
#12: At para lang i-foil ung sarili kong rule na "background first, forground later..." Kinulayan ko na ung mga stone tablet na lumilapad sa harap nung character. Pero may logic rin yan XD Inuna ko un kasi nasa harap un nung buhok. E black ung buhok. Ganto kasi, sa pagwatercolor, pinakamagandang unahing kulayan, lahat ng light colors. Kasi napapatungan. Pag dark colors ung inuna, madali ma-smear, tas hindi pa napapatungan, so mahirap remedyohan. In short, ung pagkulay ko, SOBRANG RANDOM / NAIMPLUWENSYAHAN LANG TALAGA NUNG PAGKULAY KO SA PAINT TOOL SAI HOHOHOHOHO /gets shot.
Okay, tama na. Basta proseso pa rin yan, nuff said.
#13: Buhok. Actually, yan ung pinaka ayokong gawin sa lahat. Kasi nakakatamad. Argh hindi ko maexplain. Basta ayokong gawin sa lahat. Pero at the same time, un ung pinakamotivation ko. Kasi pag tapos na ung buhok = parang tapos na rin lahat. At sa lahat ng ayokong kulayan na kulay ng buhok, black. Pero bakit black ung kulay nung buhok niyan? KASI MASOKISTA KO ;A; De, wala lang. Pinakanakakaagaw-atensyon ung black e. Tsaka para nasa character ung mismong focal point, hindi dun sa magulong background.
#14: Balik sa mata. BLURRED SHOT HOHOHO. So nilagyan ko na ng details ung mata niya. May highlight na rin, o ung little white dots na nakakairitang ilagay. Tapos, inink ko uli ung mata. Dahil natakpan ng watercolor ung ink XD Tsaka para mas stand out. Ye, un nga XD
#15: Lahat ng natirang pedeng lagyan ng highlights. So ayun, nagkaron ng little white lines and dots jan sa papel magically XD Pero actually, mas maganda kung mag-iiwan na lang talaga ng puti dun sa mga kelangan lagyan ng highlights e. Kasi ang pangit tignan nung white na dinagdag lang. Either un o hindi lang talaga ko marunong maglagay ng matino XDDD
At yan na ung process. Hindi siya tutorial, medyo. Hindi ako marunong magturo so.... Baka hindi ako gumawa ng tutorial kahit kelan. Tapos... Ung actual pic na nascan.... Baka sa ibang araw na dahil... Well, iba na nga bahay ko! Mahirap
at nakakatamad magdala ng sketchpad habang nangangapit-bahay XDDD
Side note... May utang pa ko kay Keng na Rise of the Guardians... Kelan ko magagawa un, I shall never kno ;A;