"Set in Tokugawa Japan, this manga begins by following Shiina Yuya, a bounty hunter searching for her brother's murderer. However, Yuya quickly meets a medicine peddler named Mibu Kyoshiro, who turns out to be sharing a body with the feared samurai Demon Eyes Kyo. Over time, Mibu Kyoshiro and, to a lesser extent, Shiina Yuya recede from the story while Demon Eyes Kyo comes to the fore. Kyo's only stated wish is to regain his own body. Following this path leads Kyo, Yuya and a variety of fellow travelers into conflict with both the Tokugawa shogunate and the Mibu tribe, a race of violent superhumans who have run Japan from the shadows for millennia."
So medyo may kinaaadikan na naman akong manga. Completed na siya, kaso umabot ng 310 chapters. Pero ewan ko talaga kung anung meron sa manga na to, naadik ako. Usually pa man din malaki galit ko sa mga streamline Shounen manga.
Characters:
Shiina Yuya. Siya ung main female protagonist. Isa siyang bounty hunter na hinahabol ung 1 000 000 Ryo na nakapatong sa ulo ni Demon Eyes Kyo. High spirited siya, at ung typical na damsel in distress sa manga. Pero, ewan ko a, ayos lang ako sa ugali niya.
Onime no Kyo / Demon Eyes Kyo. Siya na ung titular character at ung main male protagonist ng series na to. Siya daw ung tinaguriang "Thousand Slayer" dahil pumatay siya ng over 1000 na samurai sa Battle of Seikigahara. Meron siyang iconic red eyes, at ung Tenrou sword niya na over 5 ft long. Ang misyon niya sa storya, hanapin ung totoo niyang katawan para mabalik ung dati niyang kapangyarihan at patayin si Mibu Kyoshiro, ung may-ari nung katawan na ginagamit niya ngayon.
Mibu Kyoshiro. OTL, wala ako makitang matinong manga pic. Anyway... Kilala siya bilang ung nag-iisang taong nakatalo kay Kyo. Gumamit siya ng sealing technique para ilagay ung spirit ni Kyo sa katawan niya. Siya rin ung nagtago ng katawan ni Kyo. Ngayon, sa current chapter na binabasa ko, mula ng nagising na ng tuluyan si Kyo sa katawan ni Kyoshiro, hindi pa nagpapakita uli si Kyoshiro.. Un.
Sanada Yukimura. Ung carefree general na natalo sa Battle of Seikigahara. Ang goal in life niya, mapatay si Tokugawa Ieyasu. Nakalimutan ko ung dahilan kung bakit.... Sumasama siya kay Kyo para matalo ung Mibu Clan pati si Oda Nobunaga. Siya ung type ng character na lumalakas behind the scenes like magic. >_>
Sarutobi Sasuke. Siya ung batang ninja ng Sanada Juyushi na loyal kay Sanada Yukimura. Pinanganak siya sa Forest of Aokigahara. Isa rin siya sa mga tinatawag na "Defects" ng Mibu Clan.
Benitora / Tokugawa Hidetada. Secretly, anak ni Tokugawa Ieyasu. Si Benitora ung typical idiot-and-bully-magnet ng grupo. Siguro siya rin ung nakikita kong pinakamahina sa grupo dahil sa konting techniques niya. Added na isa siya idiot. Pero may passion naman siya. Speaking of passion, may gusto siya kay Yuya.
Akira. Siya ung bulag na member na Shiseiten, ung grupong dating pinamunuan ni Kyo. Napulot lang siya ni Kyo nung bata pa siya, tapos tinrain siya para maging isang killing machine. Kilala siya bilang Twin Headed Dragon dahil
bipolar siya kelangan ng dalawang swords ung techniques niya at meron siyang two personalities: Docile / Gentle at ung pagiging Blood-thirsty killer niya.
Bontenmaru / Date Masamune. Siya naman ung egoistical member ng Shiseiten. Meron siyang illusion of grandeur na siya daw ung magiging ruler of the world. Imbes na totoong katana ang gamit niya, gumagamit siya ng bokken pag nakikipaglaban siya, at yeah, nakakapatay siya gamit un. Kaya niyang patigasin ng sobra ung muscles niya para di ma-pierce ng sharp edges ung balat niya.
Hotaru / Keikoku. Kung si Benitora ay isang bully-magnet-idiot, si Hotaru naman ay isang cool-type-idiot-to-the-core. Sobrang dense at blunt niya. Nung una, pinadala lang siya ng Mibu para mag-spy kay Kyo, kaya naging member ng Shiseiten si Hotaru. Sa huli, dahil natalo siya ni Kyo sa laban, nagi siyang si "Servant #3." Apoy ang kapangyarihan niya. Siguro dagdag un kaya paborito kong character tong isang to.
Akari / Ashura. Male transvestite ng Shiseiten. Pero maganda naman talaga siya e. LOL. Meron silang promise ni Kyo. Pag daw nagalusan o natamaan niya ung mukha ni Kyo, pakakasalan siya ni Kyo. Yeah... So far, to no avail ung efforts niya. Siya rin pala ung pinakamalakas na member ng Shiseiten. Pero kahit ganun, di siya ganung nakikipaglaban at mas pinapakita ung healing abilities niya.
Excerpts / Screen Shots nung mga nakakatawang parts sa manga:
Cute ni Bon-chan XD
Sibling bickerings nila Hotaru at ni Shinrei, ung older half brother niya.
E di un na nga, medyo kinaaadikan ko tong Samurai Deeper Kyo. Medyo nasa chapter 225 na ko. At balak ko talagang tapusin to. >D