Wednesday, September 21, 2011

Bag

Hahaha. Medyo nagkapalit kami ng bag ni Keng kanina. Naiuwi niya ung bag ko. At muntik ko na ring mauwi ung kanya.
Panu kasi. Nung mag-uuwian na, napatingin ako sa bag ko. E tulig ako nun. Tinanong ko kung bag ko ba un. Sabi ba naman ni Keng "Ay nako, hindi! Akin yang bag na yan! Akin!" at kinuha niya ung bag. At kinuha ko naman ung bag niya. At lumabas na kami ng campus na magkapalit ng bag.
So nung liliko na si Keng dun sa street niya, medyo natigilan pa siya. Pero nag-bye na rin naman kami ni Ate Ericka sa kanya. So un na. Uwi na si Keng. Nung nasa may likuan na kami papuntang Villa Luningning, napatigil ako. Sabi ko "Teka. Bat ang bigat ng kanang balikat ko?" E ang dala ko ng bag, laging kaliwa kasi nasanay na ko nung COCC ako. So nilingon ko ung balikat ko, nagdadasal na sana bag ko nga un. Pagtingin ko kulay blue ung bag. Well shit.
So kinaladkad ko si Ate Ericka pabalik kay nila Keng. At kinuha ko ung bag ko, hinatid ko ung bag niya sa bahay niya. Magaling. At nasayang ang boses ko katatawa. Pati ung effort naming maglakad ng malayo. OTL.