Sunday, December 30, 2012

Ayala Dancing Lights

Or at least, yan ung alam kong tawag dun XD
O kasi ganto...  Punta kaming Makati. Dahil nga manonood kami nung dancing lights na un. Tapos... Ayun. Dahil Makati un, e di syempre nagligalig kami. At... Wala ako sa mood mag-explain kasi wala namang ganung dapat i-explain. Basta eto pics, nuff said.

May video pa sana kaso, meh... Anyway... Ang ginawa lang namin... Gala, nood, lights, gala, kain, gala, bili... Yada yada... Ayun. Grabe. Ako na tamad magblog XD

Friday, December 28, 2012

OzineFest 2012

FIRST TIME. Woot! Pero okay a. Gastos ng sobra sobra, bye bye napamaskuhan. I don't care. Saya kanina. Okay... Medyo maliit, kasi di daw nirent ung lahat ng megatrade halls, wala nga ring mga booths e. Pero okay lang talaga XD Dami nangyari kanina.

So nung una, kami lang ni Mike magkasama. Kasi SI CY HINDI NAGREREPLY DAHIL SMART DAW KAMI OTL Anyway... Haba nang pinila namin. Kasi medyo sobrang punctual kami. Tas nung nasa loob na nga kami, nagligalig kami at nakipagsiksikan sa mga tao. Naghanap-hanap din kami ng pedeng bilhin. Hanggang sa umabot kami sa mga nagpapa-commission. At dahil naisip kong wala kong regalo kay nila Rin at Len kahapon, nagsayang ako ng pera para i-commission sila. Harrharr!
Tapos nung nagdecide si Mike na kumain na, e di lalabas muna kaming Megatrade... Biglang...
"Ui!"
"Ui!!"
"Uii!!!!"
Nakita namin si Cy, kasama sina Boo Hee, papasok pa lang ng fest. Tapos nakasalubong rin namin sina Andrea. Kaya ayun. Chance meeting. At san na nauwi ung planong kumain? Well, medyo na-delay lang naman. Kasi naglibot pa sila Cy. E sabi ko sabayan na namin para masaya. Tas un. Sa huli, galing sa tuktok ng Megamall, punta kaming pinakababa para sa FoodCourt. Kain kami ng blend of Japanese and Korean Dishes XDDD
Ayan. Whew, sarap.

Pag-akyat namin, dami nang cosplayers na nakatambay sa labas ng fest. So dahil mga magagaling kaming nialalang na pinagsawaan ung nasa loob ng fest... Kinunan namin lahat ng mapagtripan naming cosplayers XD May Magic Knight Rayearth OMG XDDD Grabe nga e, kung sinu-sino kinalabit namin para lang magpakuha ng pic XD

At dahil rin pala lagi naming nakakasalubong sina Andrea kanina, nagpakuha kami ni Cy ng "souvenir pic" XD De, as in, seryoso. Ilang beses namin silang nakasalubong like ye XD

Ayan na ung souvenirs ko talaga. Na kay Mike pa ung mga drawings kasi... Kasi wala kong malaking bag kanina para mauwi un XD Tsaka hindi talaga mataba yang braso ko. Nagiging ganyan lang yan pag pinapatong ko XDDD
Credits nga pala sa respective artists na nagdrawing nung mga pina-commission namin XD

Side note: Hindi rin ako nakapink kanina. Ganun lang talaga ung piniling color scheme XD

Thursday, December 27, 2012

KAGAMINE RIN AND LEN

HAPPY BIRTHDAY~!
Nakalimutan ko kaya walang drawing. /gets shot.

Tuesday, December 25, 2012

Merry Christmas 2012!!!!

HOHOHOHOHOHOHOHO~!!
So, anyare sa Christmas ko? Masasabi kong di hamak na mas boring ung last year. Kasi naman home alone ako nun e XD Ngayon kasi... Okay, hindi rin kami umuwing Batangas dahil... Hindi ko rin alam kung bakit XD So namasko na lang kami kay nila Tita Donna. Ayun, sa kanya pa lang, tig-500 na kami. So masaya na ko. E kung sinu-sino pang kamag-anak napamaskuhan. Dahil dun, nabawi ko ung nagastos ko para sa mga rinegaluhan ko XD Epic.
Bukod pa dun....
Okay... Pardon the handwriting. At hindi niyo kelangang pansinin ung wallpaper. Maraming desktop wallpaper, nagkataon lang jan natapat.
ANYWAY.... Ang point ko ay ung game. After ilang taon ng paghahanap, OMG, nakahanap na rin ako sa wakas! Nakabili kami kani-kanina lang ng FFVII na game, ung 1997 game! Gumastos ako ng 90 php para sa kanya, pero who cares??? XDDD Ako na talaga masaya ngayong Pasko. Kaya ayun, sinimulan ko nang laruin. At isa lang masasabi ko... Natatanga ko dun sa laro XD Ung controls kasi imba e. Bukas ko na lang papalitan para masaya.

Eto pa pala... Kasi kanina nga, nandun kami kay nila Tita Donna. E di syempre, sino ba makakausap ko dun? Niyaya ni Migo, pinsan nila mommy na ka-edad ko lang, kaming dalawa ni Gelo para tumambay dun sa playground. Tas un, sunod din si Ivan, pinsan naman namin. At dahil nga puro lalaki... Nagkaron ng konting boys' talk. Ilang mga convo namin kanina:

Migo: Hanapan mo ko pedeng maging girlfriend, gusto ko maganda tsaka may curves.
Ako: ... Okaaayyyy... XD

Ivan: Gusto ko ung kaklase nung ate mo na pumunta nung birthday niya.
Migo: Oo, un! Tagal ko nang gusto un e.
Ako: Bat, maganda?
Migo: Oo grabe! Chicks! XD

Ako: Ikaw ba, Ivan, nagkagirlfriend ka na?
Ivan: Naman, ako pa.
Migo: Yan pa, sampung girlfriend yan kada araw e.
Ivan: Uy hindi naman.
Ako: Ha! Lima lang daw XD

Migo: Gusto ko magkagirlfriend XD Retohan mo ko. As in ngayon na. De, pag-uwi mong bahay, link mo sakin lahat ng pede. As in lahat a. Ung maganda XD
Ako: Ge lang XD

Ako: Ayan si Gelo nagkagirlfriend na o XD
Gelo: Tumigil ka nga.
Migo: Talo niya pa ko...

Whew.

Friday, December 21, 2012

End of the World Farce

Dahil natapos ang December 21, 2012 nang hindi nagugunaw ang mundo XD
CONGRATS SA MGA TAO SA MUNDO SA PAGSURVIVE SA DEADLY END OF THE WORLD PROPHECY THAT IS A FAUX XDDD

Paskuhan 2012

A gash. The best ung Paskuhan. Sobrang saya. Okay... Aaminin ko, siguro na-bore ako ng sobra dun sa concert. Kaso kasama ko mga kaklase ko e. E di sobrang daldalan at katatawanan ang nangyari. Tapos uso rin ung sigawan dahil hindi kami magkarinigan. Pano kasi, dun lang naman kami pumwesto sa harap ng Grandstand kung san nagko-concert ung mga banda XD Pero saya talaga.
Mga Christmas Party moments. Oo, may Christmas Party kami. Di porke college na ibig sabihin mawawala na un no XD Pero ayun nga lang, wala kaming food to share. Ung pagkain na nanjan, "donation" kung baga ng SC sa bawat block. At yan lang ung pagkain. Di nga ko nakakain niyan e XD At... Wala akong explanation sa last pic. Kami ay pawang ginawang pairing lang ng mga tao, so ako si Gianne Abutog kaya naki-ride ako at nagbigay ng konting fan service. Hahaha!

The epicness that is Anne Escarez XD President nga pala ng block namin XDDD

Ang obligatory AnDun Moments. De, ganto kasi yan. Di ba ung unang pic? E nagreklamo si Dune. Sabi niya, dapat mas maayos na kuha daw para maganda. Okay fine XD So after nung Christmas Party, bago umalis ang lahat, kinelangan niyang bayaran ung utang niya samin XD At nabuo ung dalawang pics. Actually, meron pa yan sa iba ibang cam. May akbay pa nga e. Kaso tinatamaad akong i-upload XDDD

A, kami naman ni Ysay - obligatory pics din. Kami ay dubbed as A1 at A2 dahil kami ay 1 and 2 sa class roster at dahil kami sina Abutog at Apolinar XD

Barkada shot ng group na G... ( G-Triple Dots ) LMAO. Temporary name, patawarin niyo ko XD Kulang yan. Wala si Michelle e.
Ayan. Bago mag-Paskuhan, dun muna kami sa Lovers' Lane tumambay dahil malamang sa malamang mainit sa field dahil tanghaling tapat.
ETO PA PALA HOHOHOHOHO!!! MERRY CHRISTMAS SA LAHAT NG FANS NG ANDUN SHIPPING XDDD
Mga 4 na ata kami naglipat sa field. Kasi nakita namin marami-rami na rin tao dun. E baka maagawan. Ayun. Kaya nga dun kami sa harap nakapwesto. Tapos... Maraming opening acts. Kunwari, ung... Er... Ung drummers na ang pangalan ay [ Insert name of color here ] Jackets. /gets shot. Pati na rin ung Thomasian Idols. Tapos ayun. Nagsimula na rin magperform ung mga banda. Ilan lang naalala ko e: Two Years Apart, Mayonnaise, Spongecola... Okayyyy... Tatlo lang naaalala ko XD Pano ba naman, wala naman akong ganung interes sa nagpeperform sa harap e XDDD Basta un. Pero eto ung WOW... Si Petra Mahalimuyak host namin! Omigahd. Naalala ko lang, kasi nung high school, madalas siya ung topic naming barkada kasi nga idol ni Alyannah XD
A basta nung nagstart na ung program, dun na nagsimula lahat ng kalokohan naming barkada. Saya.
SI SANDMAN XDDD

For dinner, ang kasama kong bumili: sina Dune, kuya niya, Martin, at Mark. Tapos... Habang naglalakad kaming papuntang carpark dahil sobrang bagal naming magdecide, narealize namin na sobrang bagal din naming maglakad. Kaya nagtaka na kami. Wala naman si Cy. Tapos si Mark, "Ayun si Cy o!" A, kaya pala XD
E di nakasalubong nga namin si Cy. Kaya ayun. Lalo kaming napatagal sa pagdecide. Sa huli, nag-order kami ng Shakey's dahil ganun kaming mga nilalang kami. At anung nangyari sa kahon nung pizza? Ayan. Navandalize ang likod at nalagyan ng "I heart Gianne"

Hohoho XD Ninakaw na pic kay Mike. E kasi, vinedeohan ko ung Paskuhan Pyromusical, E matagal mag-upload. Tsaka binalita naman un e XD A basta un. Isa lang masasabi ko: EPIC. Ang ganda tignan. Ang ganda pa ng view kasi nga nasa direktang ilalim kami nung fireworks. Sobrang ganda talaga nung view namin.

Ayun na nga. Sa kabuuan, masaya ng sobra sobra. Andaming nangyari sa isang araw. Daming nabuko at nagkaaminan XDDD At syempre, daming napaos kakasigaw para lang makausap ung katabi. Sa uulitin~