A, ayun, natupad na ung hinihintay naming Exhibit. At... Okay naman kinalabasan niya. Marami-raming preparations, marami-raming sakit sa ulo, marami-raming singilan ng pera at paggastos ng pera, marami-raming cramming at pag panic like heck, pero worth-it naman ung end result XD Actually, mas masaya pa nga ung preparations kesa exhibit e XD Pano, ung preparations, inabot ng ilang oras, ung exhibit 20 minutes lang.
Ung mga actual preparations na ginawa. Pag-arrange nung mga tables, pagdrawing sa whiteboard para lang may laman un at hindi mukhang dull, pagset-up nung laptop at projector, pati ung christmas lights... Medyo kulang pa nga yan e. Kasi meron pa kaming last-minute preparation na pagdidikit ng mga kung anu-anong pede pang ipang-decorate sa pader para lang walang empty space. At nauso ang mustaches XDDD
Tapos yan. Wala kasi si Marichelle e, nasa Hongkong, may inaasikasong mga papeles. Pero okay lang. Cute pa rin talaga niya XDDD
Sina Anne, Andrea, at Elaine... Mga nilalang na nawili sa projector. Yan ang kinalabasan ng boredom XD
ANDUN! XD Ang pinakapaboritong pairing ng lahat XD Blurred pero whattaheck. A, at alam kong mapapatay talaga ko ni Anne at ni Dune pag nakita nila to XDDD May front shot si Eunice e XD
Si Hannah ung nakakuha ng pinakamataas ng grade samin, 95. Dahil dun, dun siya nakapwesto sa teacher's desk. At dahil din dun, naisip namin na mas maganda pag nakatayo ung kanya. Pero dahil dun, nagkaron ng sobrang laking empty space ung black cartolina. At dahil dun, pinadrawing namin kay Andrea ung chibi Hannah XD
Dahil mga maarte kaming mga nilalang kami, may extra pa kaming pakulo para kay Ma'am Cece. May cutting of the ribbon pa para sa "Grand Opening" ng 1IND-1 VC Exhibit XD
At sa huli, ang overall grade ng class ay 95.
At dahil nga medyo very late na kami napalabas dahil 11:30 dumating si ma'am at binigyan pa kami ng grade at nagtour pa ng isa pang prof, sa KFC España na lang rin kami kumain para malapit. Tas un. Dahil may camera akong dala at trip ko lang talaga kumuha ng pics ng mga tao, ayan, kinunan ko sila ng pics XD
Yes... Wala akong pinakitang mukha ko sa post na to para patunayan ang existence ko XD