Monday, February 27, 2012

Best Friend

Isang gabi, nanaginip si Ate Ericka. Sa panaginip niya, nasa Ateneo kaming magbabarkada. Anung ginagawa namin dun? Binibisita ung "boyfriend" niya. Sino naman un? Eto:
Si Keifer Ravena ng Ateneo Blue Eagles. Okay.. So magtiwala muna tayo sa panaginip niya. So boyfriend niya nga daw to. At eto ko, walang kaalam-alam. Ako daw ung best friend nito. Pano niya nasabi sa panaginip niya?
  • Tinawag daw ako ni "Kief" na "Gi".
  • Alam ko daw ung password sa lock ng iPad niya, kung existing man un.
  • Sakin binigay ung said iPad para bantayan, ako naman tong si sige palaro muna.
Magmula nung napanaginipan niya un. Naging delusyonal na si Ate Ericka at tinotoo ung panaginip. In short, sa ngayon, "girlfriend" siya ni Keifer at ako ung best friend nung lalaki. Eto pa. Siguro last last last week ko lang naman nalaman kung anung itsura niya. At dahil pa un sa magazine na kinagiliwan ni Ate Ericka sa Book Sale. Ye.
So eto na talaga ung storya. Ako tong si nakiki-ride sa kwento ni Ate Ericka at pinanindigan ang pagiging best friend ni Keifer Ravena. Kaya Ate Ericka. Sagot to sa post mo: http://bonelessgrapes.blogspot.com/2012/02/woohoo-first-ever-post-ko-to-wala-akong.html

PINAIYAK MO SI BEST FRIEND. WHY???? ANUNG GINAWA NIYANG MASAMA SAYO NA NAGAWA MO TO SA KANYA???
Bumili pa man din siya ng puto-bungbong para lang sayo nung araw na pinagtaksilan mo siya. Saya niya kaya nun. Tapos..... Tss..

LOL, joke.
Lahat ng ito ay pawang pangdelusyonal lamang. Walang katotohanan sa mga panaginip ni Ate Ericka. XD
At.. Hindi akin ung pics. Nakuha ko lang sa tumblr niya.

Sunday, February 26, 2012

Last Prom II

Dahil kelangan lang talaga ng second post tungkol dito. Pero mostly pics lang naman to.
Eto si Yaya na nagdecide na maging troll sa picture na kasama ko siya. Kaasar e.

Si matangkad na Howie. At ako na tinanggap ang pagiging midget ko. Ako na talaga. Fine.





Mga random group pics. Merong group pic na epic ang pagkakakuha e. Parang professional photographer ung kumuha. At eto un:
Galing di ba? Pula kaming lahat bukod kay Jes na pinamukha ng photgrapher na maputi. At sino naman ang magaling na photographer na un? Sino pa ba? E di si Yaya. OTL.


Mga jump shots na ginawa namin dahil batas kami at hindi marunong umasta ng maayos pag nasa prom.






Ye. Napakapogi namin sa pics na yan. May Fisheye Effct kasi e. Saya nga e.
Yan. Group shot ng buong Therese kasama ung sisters at ug adviser namin. So hindi kami sa camera nakatingin kasi may isa pa kaming cam na tinitignan. LOL.

Saturday, February 25, 2012

Coloring Practice 7

What the hell is anatomy? I shall never know. GAHD. Anung itsura niyan? Ung paa. GAHD. UNG PAA! Defying laws of physics. Pano naman yan nagbebend ng ganyan? Pano? At walang kamay. Bakit walang kamay? Kasi nakalimutan kong ilagay sa tamang posisyon ung kamay. OTL.
Pero heck, coloring lang naman ung pinapraktis ko e. Medyo baliko coloring ko dito. Pero ayos lang rin. Gusto ko ung kinalabasan ng buhok niya.

Last Prom

Ang last prom ko ay sobrang fail. Bakit?
  • Sumabit lang naman ung buhok ko sa butones ng sleeve ni Jonson.
  • Dahil lang naman dun, nadistract ako at di ko naayos ung sayaw ko sa Special Dance.
  • Dahil naman dun sa special dance na un, kinelangan kong magpaa dahil sumakit ng todo ung paa ko sa heels.
  • Dami kong kinuhang pagkain na di ko naubos dahil sa umay.
  • At kahit umay na ko, gutom na gutom pa rin ako kasi naririnig ko ung tiyan kong nagrereklamo pa sa gutom.
Yan. Maraming dahilan kung bakit siya fail. Pero actually, masasabi kong mas masaya tong prom na to kesa last year. May mga dahilan din jan kung bakit.
  • Siguro kasi Seniors na kami?
  • Puro party songs. Dahil dun, sinayaw ko ung buong tropa.
  • PUMUNTA NA SI YAYA SA WAKAS!
  • At dahil pumunta na siya, inangkin ko ung coat niya dahil malamig.
  • Party hard. Imbes na maging mga pormal na mga dalaga't binata, sobrang gaslaw namin sa prom.
  • Ang first and last dances ko lang naman ay puro mga babae XD Namely, Howie, first dance, at Angelique, last dance.
  • Masarap magpaa kahit papano.
LOL. So gaya nga ng sabi ko sa last post, puro pics na tong post na to para makabawi. May mga sariling akin akong pics dito, at meron din naman akong nanakaw sa iba.


Yan nung practice ng umaga. Kelangan lang talaga naming magpakuha ng pic ni Paul. Sa may staircase yan.

Kasama ko si Jes, Abby, at Celine. Sa may table ata namin yan. Ewan, nakalimutan ko na e.

Ako tong si kung saan saan tumitingin kasi magaling ako.

Napakadilim na kuha ng barkada namin sa labas ng grand ballroom. [ L - R } Keng, Ate Ericka, Ako, Howie, Nicole, at Yaya.

Mga group pics. Kung napapansin niyo, suot ko na nga talaga jan ung coat ni Yaya. Kasi malamig. Pero actually, ang point ko lang talaga kung bakit ko sinuot ung coat e para lang mapagmalaki kong may coat ako. At grabe, nung gabing un, sumisigaw talaga ko na "MAY COAT AKO! MAY COAT AKO!"
 With CJ Mangilit.
 With Eiji Kastumata


 With Dothy. Oo, kasama ko lang naman si Ms. Senior XD Congrats Dothy!

With MJ Silva.

 With Angelique Arce. Masasaya kaming mga nilalang.

 With Ate Ericka.

With Celine.
Dun sa mga above shots, maliit ako. Kasi nga tinanggal ko heels ko. Tapos inasar-asar lang ako ni Howie kasi hanggang balikat niya lang ako. E di gumanti ako.

Ginamit ko ang atakeng "Flash" at super effective siya XD Kaya nagfaint ang pokemon na si Howie. LOL.

Party hard. Go Ate Ericka. Kaya mo yan.
WITH QUENNETH! OMG! PUMAYAG SIYANG MAGPAKUHA NG PIC KASAMA KAMI! SAYA NAMIN E XD



Ung mga pagkaing kinuha ko. Pero sa huli, di ko rin nakain ung strawberry parfait dahil sa umay. OTL. Masarap pa man din daw. Saklap talaga.

Yannah at Vhon Catalan. Kasi nagpapicture sila kay Keng. E hindi mahanap ni Keng ung cam ni Yannah, so pinahiram ko ung akin.
At eto. Sabi kasi ni Quenneth, pede ko daw siyang kunan ng solo pic basta tulog na siya. SO ginawa ko nga. Kaso pagkatapos ko siyang kunan nagising siya dahil sa flash XD

So masaya talaga tong prom na to. At siguro magkakaron pa ko ng next post tungkol dito. Pag may nanakawan uli ako ng pics. LOL.

Side Note:
Masaya nga ung prom, pero siguro hindi na uli ako aattend ng kahit anung related sa gowns and makeups dahil yokong magpamakeup sa bading. AYOKONG MAGPAMAKEUP SA BADING> OTL.

Thursday, February 23, 2012

SM with Howie

Kasi nagpasama siya sakin kanina. Para kunin ung contacts niya sa EO. So ako naman tong si OKAY SIGE! kaya sumama ko.
At anu namang ginawa namin sa SM? Una syempre pumasok kami sa SM malamang. Tapos may nagbibigay dun ng handouts. Ako naman tong si kuha ng hindi tinitignan kung anung kinuha. At ano ung nakuha ko? HAH! COUPONS SA MCDO. OMG. Ako na siguro ung pinakamasayang tao sa mundo ngayon. Kasi may coupons ako sa mcdo XDDDD. Dahil dun, nagdecide kami ni Howie na kumain nga sa Mcdo. Pero bago un, punta muna kaming EO. After kumain, dahil sobrang aga pa nga talaga, nagliwaliw kami sa SM. Paikot-ikot lang kami. Hanggang sa napadaan kami sa Candy Corner. At bumili ako ng AirHeads.
So continue lang kami sa pagliligalig. Kung san san na kami umabot. E nung time na un, inuubos pa ni Howie ung McFloat niya. Nung naubos na niya, naghanap kami sa SM ng basaruhan. To no avail. Kaya balik Mcdo kami para lang magtapon ng basura. After nun, tinuloy lang namin ung paggala. At dinaanan uli namin ung Candy Corner. So bili uli akong AirHeads. Tapos libot libot uli hanggang sa napadpad kaming National Bookstore at nagtagal dun for 30 minutes. Tapos uwi.

Side Note:
Miss ko nang maglagay ng pics sa mga posts ko. Tingin ko kasi ang boring basahin pag walang pics e. Kaasar.

Another Note:
Bukas prom na. So malamang yan may pics na uli akong malalagay sa next post or so. Sana.

Extra Note:
Di ko feel na prom na kasi tinadtad kami ng exams. OTL.

Tuesday, February 21, 2012

DaHeck

Da heck is this I don't even..... Hindi.. Hindi ko matatanggap to. I REFUSE TO ACCEPT. Therefore, mamaya rin mismo, mag-aaral akong lumipad. WALANG AANGAL. Hindi kaya ng mataas kong pride na maging same species kasama ung isang penguin jan sa tabi-tabi. HINDI KO KAYA MAIGAHD. Mag-aaral talaga ko lumipad!

Side note:
Kamusta ang 1st day of exams kanina? BLOODY. At ye.. Babagsak ako sa math. Unang-una, hindi ko talaga maintindihan ung mga problems kanina. Pangalawa, over 40 lang siya. So siguro ang makukuha kong score... Shit. Parang pag sinabi kong 10+, parang sobrang confident na ko. Feeling ko mas mababa pa dun. LOL.

Monday, February 20, 2012

LongTest Bukas

Grabe. laki ng problema naming lahat kanina. Kasi nung una, sabi ni Ms. Cris, bawal daw gumamit ng index card sa test. So sabi ko talaga, Fine, sisirain ko ung record ko ng hindi pag-aaral day before the test para lang may masagot sa math kahit papano. Ang dami kasing formulas. MADAMI. AS IN. So ako tong si hindi alam kung panu gagawin kasi four years nang hindi nag-aaral ng matino.
Tapos pumasok ng classroom si Quenneth at sinabing... "Pede na daw gumamit ng index card bukas."
OMAIGAHD. HEAVEN.
Siguro nung time na sinabi niya un, tumigil ung mundo ko at narinig kong nagdidiwang ung mga anghel sa langit XDDD Tsaka ang ibig sabihin nun... HINDI KO KELANGANG MAG-ARAL PARA SA MATH!!!! MWAHAHAHAHAHAHA!!!!! Ako na masaya.
Oh, yes~ Hindi talaga ko nag-aral. Ang mga tests bukas, Math, alam na, Filipino, gaya nga ng sinasabi ko lagi, Ang Filipino, tinutulugan yan!, at ang madugong CLE na binabagsak yan. Uh-huh. Pag magaling ka, ganyan buhay mo.
OKAY! Bukas na long test.
READY TO FAIL.
 

Saturday, February 18, 2012

Sakit

Eto, may episode na naman ako, kaya naman hindi ako nakapasok sa CAT kanina. OTL. Saklap talaga. Ewan ko talaga kung bakit ako nagkakasakit randomly. Kanina, nagsusuka ko. Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos. Kumakain ako ng maayos. Siguro un ung dahilan? Kasi maayos naung pagkain ko, at hindi na ung katulad ng dati na sobrang takaw ko? So kelangan maging matakaw uli ako? Omaigahd. Weird talaga ng katawan ko.

Friday, February 17, 2012

Happy Birthday Kaito!

What is handwriting? What is anatomy? I shall never know. Urgh. Rushed. Kasi ngayon ko lang nalaman na birthday niya. So un. Sobrang rushed. Yan na rin siguro ung magsisilbing revision nung unang Kaito pic na pinost ko. Ye ye.
Happy birthday uli sa kuya ng mga Vocaloids! 6th anniversary na niya~