Dahil nga VDay ngayon, at dahil marami kaming mga forever alone, nagdecide kaming magdate. Saan? Sa SM, malamang. Un lang naman kaya ng budget namin e XD So ang mga ka-date ko kanina, sila Ate Ericka, Niki -- Kaming tatlo ung mga "pulubi" -- at syempre nanjan sila Nick Paul, Howie, at Jose, ung mga mayayayaman na hindi natapos ng usapin nilang pangmayaman. LOL.
Actually pumunta lang naman akong SM para bumili ng manga e. Kelangan ko lang talaga ng mga chaperone XD
Syempre kinelangan naming mag-McDo. So yun nga, kumain kami dun at nag-on kami ng tambay mode kahit mga sundae lang kinain namin. At yan ung mga taong WALANG KAALAM-ALAM NA KINUNAN KO SILA NG PICS. WALA TALAGANG KAALAM-ALAM.
Mga regalo ni Nick Paul. So dahil dun, thank you. Napakasarap nung brownies. Dapat ipapamahagi ko yan sa mga ka-date ko e. Kaso iniwan ko na lang sa bahay kasi nanghingi ung kapatid ko. Tapos yung nasa illustration board naman... Ung likod, or sa case neto, ung harap nun ung pinaglagyan ng mga pics nung mga CO. LOL.
What is handwriting? Dahil ako na siguro ang pinaka-productive na tao sa mundo, yan lang ang nagawa kong "illustration". Ako na rin siguro ung nag-iisang taong nakakagawa ng perfect heart shape, no? /Sarcasm.
O yan, Happy Valentine's Day mga tao ng mundo~!