Saturday, June 30, 2012

QUENNETH

OMG, DI SIYA PIXELIZED XD Ako na masaya XD

Actually, ung point nung post kong to e ung "date" ko with Yaya at Keng. Kaso yan ung title kasi nga bigla nalang namin siyang nakasalubong nung naglalakad kami ni Keng papuntang SM. So un.

Di un, may date na naman kami ni Yaya at Keng. For the sake lang na maupdate kami sa buhay ng isa't isa. Marami akong ininvite e. Kaso lahat busy. Saklap. Ayun. Konting get-together lang. May isa pang pic dapat e. Kaso di pa online si Keng XD

[ EDIT ]
Eto na ung post talaga.

Nag-SM kami kasi miss na namin ung isa't isa. Tsaka sabik akong umalis ng bahay kasi... Kasi gusto. At syempre, kelangan may kakaladkarin ako para may kasama ko. Alangang loner ako di ba? So ung mga forever kong "SM Buddies", si Keng at Yaya. Ayun. Medyo late lang naman kami ni Keng nakarating sa SM. Part ng dahilan dun e un na nga, nakita namin si Quenneth.
SI QUENNETH NGA PALA SA A.M.A. NA, HINDI SA MAPUA KASI DAW GUSTO NIYA MALAPIT UNG LUGAR.
Spoiler e. LMAO.
Wala naman kaming masyadong ginawa dun sa SM e. Dapat picture-taking, kaso si Keng, nakalimutan ung memory ng cam niya. XD Isa lang ung pic namin tuloy.
Hi Keng, natupad ung pangarap mong matangkaran ako kahit sa pic lang XD Sa National Bookstore kinunan yan, dun sa second floor. Kasi tambay mode kami dun. E di ayan. Para magkaron ng silbi ung cam ni Keng~ LOL.
Sayang nga talaga tatlo lang kami. Andaming mga kasamang dapat wala. Kasi naman. Sino ba nagsabi na dapat may pasok sila pag Sabado? Saklap ng weekend nila.

Thursday, June 28, 2012

Lonesome George

Saklap. Ngayon ko lang nalaman. Lalo tuloy akong naiyak.

La lang. Gusto ko lang ipost dahil naiyak ako nung nalaman kong wala na si Lonesome George. Naalala ko tuloy nung pinag-usapan namin siya nung high school. Ang cute pa man din niya OTL Akalain mo ung naiyak ako dahil sa pagong... De basta, tong post na to, for the sake lang talaga na may mapost ako at para lang small tribute kay George. XD KASI NATATAWA KO UMIIYAK AKO PARA SA KANYA ;A;

Saturday, June 23, 2012

Drawing Assignment

Di ba nga may assignment kami sa Drawing 1. So kanina ginagawa ko siya. Eto ung "process". Beware, mukhang ewan ung drawing.











Makikitang hindi pantay ung lines. At hindi symmetrical ung damnable gate na ginawa ko kasi magaling ako ;A; At ang abi kasi samin, gawing as 2D as possible. Sensyahan na lang, yan ang pinaka-2D na kaya kong gawin. Ye, sinasabi ko yan pero kinakabahan ako sa ipapasa ko XD Kung hindi tanggapin yan ewan ko na lang. Sana naman mabait ung prof namin.
Grr. Daming empty spaces. Kasi naman, wala na kong pede idagdag. Pag nagdagdag pa ko, magmumukha talagang 3D yan, at pag nangyari un, wala talaga kong grade. Di ko rin sure kung ido-drawing ko pa ung nasa labas nung gate. Kaso nakakatamd e. Tsaka ang sabi lang naman samin, ung structural gate.

PERO DAPAT TALAGA UNG ARCH UNG GAGAWIN KO E ;A;

Friday, June 22, 2012

G-Fantasy

Nagdala kasi si Sab nung G-Fantasy, parang Shounen Jump un, compilation ng mga manga. Pina-overnight niya sakin, saya ko naman XD Panu kasi, may Pandora Hearts na, may Durarara!! pa. Tapos may Cerberus Jam at Kuroshitsuji pa.

















Authentic yan men. Galing daw talagang Japan. Ye, kaya nga puro furigana e XD Ang cute lang talaga. Mas makapal pa kasi siya dun sa Shounen Jump na nandito sa bahay. May isa pa palang pinahiram si Sab. Kuroshitsuji volume 8.



Blurred ung mga pics kasi magaling ako kumuha. Pero whattaheck. Ang kinunan ko talaga ung mga brutal na scenes e. La lang. Cute kasi e.

Thursday, June 21, 2012

Panda





A, say hi~ Yan si Michelle. Ung blockmate namin na umattend nung ToyCon last Sunday at naging panda dahil dun. Sa nakikita niyo, camera-shy siya depende kung kelan niya gusto mgaing camera-shy XD

Hindi na talaga ko magugulat pag naging totoong oso yan si Michelle e. Ung jacket, panda, ung backpack, bear, pati ung keychain niya bear. LMAO.


At ngayon, yan naman si Ayra. Nakipagpalit siya kay Michelle ng jacket hide nung time na yan. Di ayun, kinelangan ko lang talagang kunan ng pic XD

References

Kaming mga tao kami ng 1IND-1 ay nangangailangan ng references para makapagdrawing ng isang structural gate sa aming mga napakalaking sketchpad like heck para sa subject naming Drawing 1. At ngayon, ung napili naming - de, actually, nilang - gate, ung nag-iisang gate na nakasara sa España. Yan na siguro ung pinakamatinong kuha ko niyan so screw it.

Hello, Arch of the Century. Bakit ba ayaw mong magpakuha ng maayos sakin? Yan ung gusto ko talagang i-drawing. Kasi kahit anu namang sabihin niyo, sa kahit anung angulo ko tignan yan, structural gate siya. Maganda talaga siyang i-drawing e. Tapos nakita ko ung tatlong tao sa taas. Ye right.


Kuha rin nung pinakamalaking gate sa España, ung daanan nung mga sasakyan. Maganda rin sanang i-drawing yan. Kaso never naming nakita nakasara so nevermind.

A... Malaking problema... Kelangan naming i-lineart ung gawa namin nang walang gamit na ruler. Madali na ung walang ruler na part e. Ang problema ko, kelangan ung lineart, pencil ang gamit. Pano nga ba ko uli magsketch? Madumi lang naman. So good luck sakin. ;A;

Monday, June 18, 2012

ID

NYAHAHAHA. Sa huli, mabait ung camera ko sakin, so eto ung ID ko. Warning: Mukha akong asong ulol na ngumiti. A, tumaba nga rin pala ko so ye.

At oo, maganda ung ID. Nakakatuwa rin kasi bendable siya. TAPOS NAKAKAWILI MAGSWIPE PAG PAPASOK KAMI NG BUILDINGS. HAHAHAHA!

Nakuha namin yan kanina nga. Kasi dapat last week pa. Kaso medyo late namin nalaman, nung nag-uwian na ung iba. So kanina, naatat kaming kunin. Di sinugod namin ni Anne ung office, tapos un, binigay lang samin ung mga ID, at dinistribute na namin like ye. So sa huli, ang block naming 1IND-1 ay puno ng mga masasayang taong may ID na rin sa wakas.

A, ung sched ko nga pala... Next time na XD