Kasi
Ye... Nasan kaya ako jan, you shall never know XD De, from left to right, Andrea, ako, Sabrina, at Ayra. Kami ung mga taong camera-shy. OO. CAMERA-SHY AKO. HURRDURR. Nung time na yan, pinipilit kami nung iba na ngumiti para sa camera, yan na lang ginawa namin.
Ayan. Nagkaron kami nga pala ng 4 na oras na break dahil sa first subject namin, na first time namin ma-attend-an kanina, wala pa kaming materials na dala, so ye, free cut with teacher's permission. Ung tatlong yan, nagdecide magpaka vain dun sa may 400 sign na whatever malapit sa benches.
First pic, si Anne, ang aming class president / role model. Ayon sa kanya, di daw siya vain. Okaaay.
Second pic si Andrea, handa nang humarap sa cam.
Third pic ung dalawang Chelle, si Michelle at Marichelle. Si Michelle ung
Yan din pala ung main building ng UST, dun kami sa benches na katapat niyan tumambay hanggang sa magtime. Parang ang konti lang ng mga tao na tumatawid jan no? De, marami yan as in. Nagkataon lang na maganda ung timing nung kumuha ng pic.
Ung feeling na ung main building kinunan namin ng pic, pero ung Beato Angelico na building ng CFAD students di man lang namin pinansin. At ung feeling na ung unang swipe namin ng ID, jan din sa main building at hindi dun sa Beato.
OO MGA TAO, MAY ID NA KAMI. KANI-KANINA LANG. ANG GANDA NUNG ID NAMIN PRAMIS.
Pero dahil mahal ako ng camera ko, di ko pa mapopost ngayon. Siguro bukas. Or kung magdecide ung cam kong maging mabait sakin, baka mamaya. Sa hiwalay na post for the heck of it.
May na-realize pala ko. Mas dumadami ung pag-english ko a. Well shit. Eto ang epekto pag may mga kaklaseng koreano na hindi marunong magtagalog. ;A;
Side note:
Baka nga pala kasama nung ID post ko ung pagpost ko ng "MAS MAAYOS" kong sched. Para "MAS MAAYOS" tignan. Asa naman, Abutog. Basta un. Kelangan kong dagdagan tong post count ko para sa June kundi hindi talaga to aabot ng sampu.