Meron nga pala kong huge-ass project ngayon. Or at least, "project". Ang concept, scratch that, PLAY naming tropa ay Peter Pan. At sino namang nagpasimuno nun? Syempre ako. Ngayon, kelangan, para ma-endorse ang isang play, ng isang cover or poster or whatever, kung anu mang tawag dun. At sino namang nagbigay ng ganung idea? Ako na naman. At sino ung nagvolunteer gumawa ng poster na un? Ako. Ako na magaling na ako.
So eto ung ilang WIPs na nakuha ko sa ginagawa kong "project."
A, merong 13 characters sa isang canvas. At inaasahan ko nang mamamatay ang aking kanang kamay pag natapos -or- bago ko pa matapos tong isang to. At sana lang hindi ko siya sukuan. SANA. Dahil pag eto sinukuan ko, pede ko na ring sukuan ang buhay ko dahil papatayin ako ni Sab XD
Antagal ko na ring palang hindi nahahawakan ang SAI. At namiss ko siya ng sobra. Sana lang marunong pa rin akong magdrawing at magkulay ng matino OTL
---SIDE NOTE NA MAGALING---
Nagpagupit ako like ye kahit sinabi kong hindi na uli ako magpapagupit. XD E kasi may nirecommend si Ate Reagan e. Magaling daw maggupit. Tapos kung ayaw ko man daw ung naging hairstyle mo, pag siya daw naggupit, madali humaba ung buhok. LOL. Okay, so makikita ko kung totoo nga.
---ANOTHER NOTE---
Maulan. Why? I shall never know.