E di ayun. Nagsimula lahat nung 2009, sa National Bookstore ng SM SouthMall. Ako tong si Gianne Abutog na walang magawa kaya on a whim, bumili ng isang young adult novel - The Demon King ni Cinda Williams Chima. Nagustuhan ko ung summary sa likod. Dalawang protagonists, si Han at Raisa, na hiwalay ang mundo. Tsaka kakaiba rin siya kasi hindi niya setting ung mundo natin. As in, high fantasy novel siya na may sariling realms. Seven Realms. Basta un. Naaliw ako kasi nga parang nun lang ako nakakita ng libro na ganun, tapos ang narration pa, hiwalay dun sa point of view nung dalawang bida.
Maganda ung The Demon King. Kakaiba kasi halos hindi nag interact ung dalawang main characters. Nagkita lang sila sa gitna nung libro, tapos naghiwalay at hindi na uli magkikita hanggang gitna ng next book. Tapos magkakahiwalay uli hanggang dulo, at magkikita uli sa may simula ng third book. Magkasama na hanggang last. Yes, spoilers. Pero yan lang, masyadong vague yan XD
Nung natapos ko ung first book. Naghanap ako ng second book dito sa Pinas. Sadly, wala ;A; Saklap di ba? Pero may net naman XD E di ayun. Actually, nakaligtaan ko nga siya e. Nalimutan ko inaantay ko pala ung second book. Naalala ko lang nung malapit na marelease ung third book. So walang ganung paghihintay. Meron, pero hindi ko napansin XD
PERO ETONG THE CRIMSON CROWN. Nag-antay ako ng ONE YEAR MAHIGIT PARA SAYO. AT NGAYONG NARELEASE KA NA, OMG SAYA KO. At dahil ngang tapos ko na siyang mabasa... Hindi ko na alam kung anung gagawin ko sa buhay ko XD
[ /end of drama ]
Review.
Ano ba masasabi ko sa series? Maganda. As in. Ang genres niya: Adventure, Fantasy, Action, Romance, Comedy, Drama. Ang characters niya, marami. May nakakaaliw courtesy of jokes at sandamakmak na pambabara, meron ring nakakairita lang talaga. Ang plot, puro twists. At sinasabi ko lang, pag nabasa mo ung first book, hahanapin mo kagad ung second dahil mabibitin ka like ye.
Hindi ko na ilalagay dito ung characters, kahit kating-kati na ung mga daliri ko para ilagay sila XD Mas masaya malaman pag binabasa e XD
Ayun. Marami ring namatay. Okay, major spoilers ba yang matuturing? Basta. Bawat book, may mga namatay. Iba, okay lang dahil wala kong paki sa kanila XD Pero ung iba, hindi ko inaasahan. Hindi ko talaga inasahan. Kaya maganda talaga siya XD
Personal Opinion.
BAKIT TINAPOS NA KAGAD??? ;A; Parang gusto ko pa uli makapagbasa ng fifth book. Maganda ung ending nung The Crimson Crown. Nakakatuwa, as in, at hindi ko inaasahan. Pero parang di pa ko ready na humiwalay sa Seven Realms XD GUSTO KO NG SEQUEL SA STORYA NILA HANS AT RAISA. KAHIT UNG HINDI NA SILA TEENAGERS. ;A; Pati ung gyera sa Arden, gusto ko ng conclusion!! ;A;