Tuesday, March 19, 2013

This Day

...Na akala ko talaga puno ng kamalasan... Well, okay... Medyo puno rin ng kamalasan. Actually, mixed e. May kamalasan, mostly fail, katatawanan, kalokohan, WTF moments, "Hindi un tanong" moments, "Bakit hindi?" statements, katuwaan, stress, never-ending frustrations, at 1IND-1 "bonding." Ye... Sabihin nating ganun. Pero grabe lang talaga a. Etong last day na to, hindi ko malaman kung bakit, basta kakaiba lang talaga. To summarize, isa siyang weird day. As in. Tru faxx.
  • Nalate ako, medyo, kasi tamad akong bumangon ng kama. Pero kahit papano, nakarating akong UST bago mag 7:30.
  • Pagdating ko, wala si sir. So may panahon akong magreview para sa finals.
  • Dumating si sir three hours later. No joke. 10:00 na kami nakapagsimula mag-exam, at 10:30 nakapagsimulang ituloy ung project naming dining chair. Asar lang e.
  • E di manghihiram kami kay sir ng hand tools. E ang kelangan lang namin, ung saw at hacksaw. So sabi ko kay sir, "Sir, kuha lang akong saw a." E kasi nga, may storage room sa loob ng workshop / classroom namin di ba? So punta ko dun kasi kukuha akong materials. E hindi napansin ni sir na pumasok ako. Sumilip pa siya sa loob a. HINDI NIYA KO NAKITA. Na-lock ako sa loob XDDD HINDI KO KASALANAN UN.
  • Kinelangan naming mag-stay after class para "matapos" ung upuan dahil hindi raw pedeng isubmit nang hindi tapos.
  • Nakaladkad ko si Mark, si Cy, at si Boo Hee sa publishing house SA LACSON. SA LACSON, TRU FAXX. Kahit sabi ni Mark hindi siya sasama HAHAHAHA.
  • SIOPAO LANG LUNCH KO ALAM NIYO BA KUNG GANO KO NAGUTOM NUN????
  • Ang glue ni Sab na amoy mayonnaise.
  • ANG CUTE CUTE NI MARICHELLE XDDD
  • Nagkayayaan din sa EK, sa MoA, sa private resort, sa Trinoma, sa SM Southmall, at kung san san pang pedeng magkayayaan.
  • ANG MGA TAKSIL NA SINA CY AT AYRA XD
  • Sa huli, napakiusapan si sir. Kasi nga busy sched namin ni Sab, so imposibleng matapos namin ung chair.
  • ANG KLASE KO NGAYONG ARAW NA DAPAT HANGGANG 12 NN LANG, UMABOT NG 7 PM.
  • Pero worth the stress. Kahit muntimang ung gawa namin, tas di pa kumpleto, naka 85 pa kami. So ang bait talaga ni sir XD
  • NALIBRE KAMI NG PARENTS NI SAB SA KFC + NAHATID PA PAUWI. THANK YOU PO ULI~!
  • Eto malupit... AFTER ONE WEEK AND TWO DAYS OF DAMNABLE STRESS AT FRUSTRATIONS, BAKASYON NA. WALA NANG PLATES SA LOOB NG ILANG MONTHS AT HECK, MAKAKATULOG NA ULI AKO. O kama ko, namiss kita~ Makakasama mo na uli ako mamaya XD WALA NANG VC, TECH, AT DWG. PERO SA LAHAT, WALA NANG FILIPINO OMG TRUE HAPPINESS~!
     
So ayun. Kelangan ko nang mabawi tulog ko, yeah right XD, kasi nagkakaron na ko ng dapat-non-existent na eyebags. Magpapaksaya ko ngayong bakasyon~