Ooookaaaayyy... San ko sisimulan? A, sa manga. Nagsimula kong basahin nung 2009... Di ko sure kung first year o second year ako nung lumabas to, basa high school pa lang ako nung una ko tong binasa. In short, tagal na rin. Tapos last year, nagka-anime na siya. Di, pinanood ko. Kaso ongoing siya nung time na un, so nawala sa isip ko at hindi ko natapos. At nagkaron ng con, nagdecide akong bilhin to para matapos ko na nga talaga ung anime niya.
So ung anime niya.... MADE ME CRY SHITLOADS ;A; Kasi tragedy siya. Eto ung synopsis:
One day, a sorceress princess was stuffed into a barrel and banished.
One day, a single girl was suddenly murdered, and the culprit still runs free.
And one day, a battle spanning time and space over magic and revenge began!
Sanity and madness, sense and intelligence, self-confidence and convictions.
The tragic tale of this irrational world starts now.
The Kusaribe family is a family of sorcerers under the protection of the "Tree of Genesis". Their princess, Hakaze Kusaribe, was the greatest sorceress of their family. But Samon Kusaribe, a member of their family seeking to resurrect the "Tree of Exodus", a tree that opposes the "Tree of Genesis" and controls the power of destruction, stuffs her into a barrel, and banishes her to a deserted island. From the deserted island, she sends a message out to sea, which is picked up by Mahiro Fuwa, a young boy who's sworn vengeance upon the criminal who killed his little sister, Aika. Mahiro agrees to help Hakaze under the condition that she find Aika's killer with her magic. But once Mahiro's best friend and Aika's lover, Yoshino Takigawa is rescued from danger, he too gets dragged into this tale of revenge.
So bale, ayun nga. Psychological siya. Tungkol siya bale sa isang babaeng namatay, ung dalawang lalaking hindi makaget-over sa pagkamatay niya, at sa isang sorceress na na-trap sa isang island. Ang maganda pa rito sa Zetsuen no Tempest, meron siyang references sa mga works ni Shakespeare. Kasi, ung pagkastranded pa nga lang nung sorceress sa island, parang The Tempest na. Basta, ung mga characters, lalo si Mahiro at Aika, mahilig mag-quote sa mga works ni Shakespeare.
At eto ung main cast:
Fuwa Mahiro.
Isa siyang teenager na naging orphan dahil sa mysterious turn of events. Bale, orphan na siya bago pa magstart ung story.
Namamangha ako sa character niya. Kasi ang reckless niya. Okay, typical shounen protagonist. Pero ang iba kasi sa kanya, kahit gano siya ka-reckless, meron pa rin siyang ulo na nakapatong sa leeg at mga balikat niya. Hindi siya tanga, alam niya kung anung ginagawa niya. At sa second season, napatunayan kung gano talaga siya ka-katalino. So malakas appeal ng character niya sakin XD At hindi talaga siya typical male protagonist. Bonus, bishounen siya, haha~!
Para rin siyang tsundere... Okay, tsundere talaga siya. Kasi andami niyang ayaw aminin sa mundo dahil sa pride niya. Mahal niya si Aika pero ayaw niyang aminin kasi daw "magkapatid" sila XDDD Tapos meron rin siyang "Wala akong paki sa mundo basta kelangan ko lang malaman kung sinong pumatay sa kapatid ko, pag nalaman ko na, tsaka ko lang ililigtas ung mundo" na klase ng ugali XD
Takigawa Yoshino.
Siya ung matuturing na best -at only- friend ni Mahiro. Siya rin ung secret boyfriend ni Aika. At hindi nila pedeng sabihin un kay Mahiro dahil OVER-PROTECTIVE SI MAHIRO KAY AIKA.
Masasabi kong henyo siya. Siya ung tipong, may inosenteng mukha, mabait naman talaga, may pakialam sa mundo; pero at the same time, may side siyang nakakatakot. Hindi ung "yandere" type. Nakakatakot lang talaga kasi ang cunning niya. Kaya niyang magsinungaling with a straight face. So ayun, okay rin ako sa character niya. Kasi habang nagpoprogress ung story, makikita na tao rin naman pala siya, kaya niya ring umiyak ;A;
Kusaribe Hakaze.
Siya daw ung strongest mage in history. Pero apparently, sa simula ng story, na-trap siya sa isang island kung san di siya pedeng gumamit ng magic.
Nung una... Gusto ko ung character niya. Kasi nga, "Whoa, babae ung pinakamalakas sa story!" Matapang siya, hardheaded, tsaka bonus dahil siya ung nagdadala ng comedy lalo pag nag-aaway sila ni Mahiro. Kaso mula nung nakabalik na siya sa Japan via tulong ni Yoshino... Ayoko na sa kanya. Parang nawala ung unang Hakaze. Napalitan ng isang typical damsel-in-distress-na-na-in-love-sa-taong-tumulong-sa-kanya-shoujo-much. Naging sobrang clingy niya kay Yoshino, hindi na nakakatuwa. Naasar lang ako sa character niya e. Pero opinyon ko lang yan, kaya hurrdurr XD
Deceased girlfriend ni Yoshino at younger sis ni Mahiro. Pero actually, non-blood related sila, bale, bale step-siblings silang dalawa. Sa start pa lang ng story, patay na siya. At sa pagkamatay nga niya nagrerevolve ung buong plot. As in kung wala siya, walang silbi lahat. Kaya matatawag ko siyang main character kahit patay na siya. Tsaka walang episode na hindi siya lumabas e XD
Ang pinakapaborito kong character sa buong series. Contrasting sila ni Hakaze e. Kung baga, si Hakaze ung tinatawag na pinakamalakas na mage ( at least sa Kusaribe clan ) pero damsel in distress naman ang kinalabasan; si Aika ung aakalaing fragile character na mahal ng lahat, un pala siya ung may pinakamalas na loob sa kanilang lahat.
Ang complex ng character niya e. Dapat lang. Kasi nga kaya niyang i-date si Yoshino may complex na persona, plus itago ung relasyon kay Mahiro; at kaya niyang sabayan si Mahiro na isa pang mas may complex na ugali sa mga alitan. Tsaka nakakatuwa nga siya, kasi nga hindi siya typical female lead na parang laging na lang humihingi ng tulong. Siya ung nagdadala ng relasyon niya both kay Mahiro at Yoshino e.
Tapos epic ung trio nila Yoshino, Mahiro, at siya. Kasi tuwing nagpapakita ng flashbacks, lalo pag magkakasama silang tatlo, laging may comedy effect e. From beginning to end, natawa ko sa kanya.
Ayun. Di ko na ilalagay ung iba. Kaso the rest ng cast, lahat pantay-pantay ng importansya. E medyo marami sila, so mahirap ilagay lahat XDDD
Saludo uli ako kay Shirodaira Kyou sa pagsulat ng gantong klaseng epic~