Kung di pa naman obvious, dedicated tong post na to sa pinakamamahal naming commandant.
Di ayun. Nung Linggo, gising ako. Tas anung bumungad sakin? Ung balitang pumanaw si sir dahil sa heart attack. Parang ayoko pang maniwala. Pero oo, umiyak ako nung nalaman ko yan. Whut, heart attack? E ang bata pa ni sir a. Ang lakas lakas pa nga e. Pero un na nga. Sino ba namang magbibiro tungkol dun? So sabi ko, bukas na bukas rin, punta ko sa burol.
Syempre nung una, iniisip ko, pano kaya kung joke time lang talaga. Umaasa nga akong ganun e haha. Kasama ko si Howie kanina. Si Dothy rin dapat kaso may sakit bigla. Anyway... Medyo konting adventure rin dahil di namin alam kung san ung eksaktong lugar nung burol. Basta narating rin namin. Nung nakita ko na siya dun sa kabaong, nakahiga, nakapikit, napaluha na naman ako.
Si sir, parang tatay ko na rin. Lalo nung fourth year. Hindi naman kami ganung close, pero nag-uusap pa rin. Pano, ako tagabigay ng pagkain niya pag break time sa CAT haha. Tapos ung foot long hotdog sandwich na un, hahatiin niya tas ipapamigay samin. Saya. Alala ko rin ung nag-iisang coke zero na talagang lagi naming hinihiwalay para lang sa kanya tuwing supply. Trademark niya kung baga.
Nung isang araw nga lang, pinag-uusapan namin siya. Tas dahil na-bring up nga ung topic na "Sir Gary", sabi ko nun, A, punta ko CAT next sem pag maluwag na sched ko para kamustahin si sir. Di na pala abot.
Ayun. Message ko kay sir:
Sir, kung nasan ka man ngayon, sana naging proud ka samin. Makukulit kami, pero okay lang un, lagi ka naman namin binibigyan ng pagkain nung CAT e hahaha. De, pero sir, kung may kelangan talaga kaming sabihin sayo, eto lang un: SIR, THANK YOU, SIR. Sa lahat lahat talaga ng naturo mo samin. Salamat po.
Adik, ang drama, badtrip hahaha. De, okay lang yan. Para naman kay sir e.
At ang kinaaasar ko lang talaga, wala akong pic na kami lang ni sir. Saklap. Kaya kinalkal ko na lang ung blog para makahanap ng mga disenteng pics na kasama namin siya. Pati nga ung facebook niya e hahahaha.
Sir, God Speed po.