Ano itong aking nadarama?
Ako nga ba'y umiibig na.
Mukha'y namumula,
Sa t'wing ika'y nakikita.
Di alam ang gagawin,
Sa t'wing wala ka sa'king piling
Tila ba ako'y nababaliw
Nangungulila sa iyo giliw.
Tama nga bang sabihing MAHAL NA KITA
'pagkat aking nadarama para sayo'y kakaiba.
Di maipaliwanag, puso't isip ko'y nayayanig na.
Ang makapiling ka'y nagdudulot ng labis na tuwa.
Simpleng bagay na iyong gawin para sakin,
Natataranta't di na alam ang gagawin.
Isang sulyap mula sayo aking giliw,
Ikahuhulog ko't ikababaliw.
Tama nga bang sabihing MAHAL NA KITA
'pagkat aking nadarama para sayo'y kakaiba.
Di maipaliwanag, puso't isip ko'y nayayanig na.
Ang makapiling ka'y nagdudulot ng labis na tuwa.
Masulyapan lamang iyong ngiti,
Pagod at lungkot ko'y napapawi.
oh giliw ko, iniibig na nga kita!
OO! MAHAL NA NGA KITA.
Tama nga bang sabihing MAHAL NA KITA
'pagkat aking nadarama para sayo'y kakaiba.
Di maipaliwanag, puso't isip ko'y nayayanig na.
Ang makapiling ka'y nagdudulot ng labis na tuwa.
Tama nga bang sabihing MAHAL NA KITA'pagkat aking nadarama para sayo'y kakaiba.Di maipaliwanag, puso't isip ko'y nayayanig na.Ang makapiling ka'y nagdudulot ng labis na tuwa.
Kasi may project ata kami sa Filipino. Kelangan namin gumagawa ng tula, tapos lalagyan namin ng tono. So si Joan gumawa ng tula, si Keng sa tono. At grabe, nakaka LSS talaga ung tono! XD
Extra note: Sumama ko sa World Youth Day kahapon sa Five Wounds. Magbblog post ako pag na upload na ni Keng ung pics. Kasi ako ung magaling na taong nakalimutang magdala ng camera, OTL.
Another note: LIPATAN NA NG UPUAN!!! WALA NA KO SA DULO. TT_TT