Thursday, August 4, 2011

Pics nung UP Tour

 Medyo late na ung pics. Kasi lagi ko nakakalimutan magblog e. OTL
Yan lang naman ung gilid ng Institute of Math. Kaya di ko nakunan ng pic ung harap mismo, kasi una, umuulan ng medyo malakas, at pangalawa, meron akong malalang case nga ng motion sickness at pagkababa ko ng sasakyan, dun umepekto ung hilong malala. OTL. Kaya gilid lang talaga nakunan ko ng pic.
Yan... A.... Katapat ng CR at classrooms ng Institute of Math. Kung anu man yan... Flower box?
A. Nagpunta kaming MegaMall para maglunch at gumala. At kahahanap ng PowerBooks, napadpad kami sa BioResearch, courtesy of PAUL MARTIN JEQUINTO, oo Paul, ikaw, kaya nakita namin tong albino rabbit na kamukhang kamukha ni Gasig Rest in Peace /sobs, except malaki na to. SOBRA. So medyo naalala ko si Masi Gasig at naging madrama na naman me. OTL
At eto si Paul at Keng na nasa labas ng elevator entrance katabi ng Up Button na may Braille. Bakit kami sumakay ng elevator sa mall? Kasalanan ni Paul.
Pagkatapos maglibot dun sa mall, uwi na kami. Ata. Aba malay ko. Tulog ako buong biyahe. Pagkagising ko nandun na kami sa street namin. Sabi ko pa man din kakabisaduhin ko ung daan para di na ko mawawala. OTL