Friday, November 30, 2012

Concert

Grabe ung araw kahapon. Punung-puno ng kamalasan. Punung-puno ng absolute tardiness, pero heck. Worth-it.
Nagsimula nung umaga. Dahil sa di ko malamang dahilan, nalate ako. Sumakay ako ng FX, dahil alam kong mas mabilis. Well, dun ako nagkamali. Thiry minutes na nakalipas, nasa tapat pa rin kami ng RFC. Bakit? Dahil nagpark siya dun at naghintay ng sasakay sa kanya ;A; E di un nga, late ako. Actually, di rin naman, kasi wala pa si ma'am, pero kahit na ba.
Tapos ayun, nung hapon, Tech 2. Maigash. Di ko alam kung pano ko nasurvive. Di ko alam kung anung gagawin dahil nga "nagcutting" kami last time, tapos dami ko pang burang ginawa sa papel. Di ayun nga. Dahil din dun sa Tech na un, nalate ako sa "appointment" namin ni Keng.
ETO PANG MASAKLAP. Sumakay ako sa jeep na may plakang "SM CITY HALL - TAFT". -TAPOS- binaba akong QUIAPO dahil sa Quiapo Ilalim daw daan niya. Well shit. E di ako tong si ayaw gumastos ng doble kaya nilakad ko ung magandang tulay at narealize kung gano talaga kahaba un. GABI PA NUN A. 6 O'CLOCK NG GABI. NILAKAD KO ANG TULAY NANG AKO LANG MAG-ISA.
Tapos sakay ng WLH Trans. PARA SURE NA HINDI AKO IBABABA KUNG SAN SAN LANG.
Mga 6:30, umabot na ko ng 7-Eleven ng Pedro Gil. Kumain kami ni Keng. Tapos 10 minutes bago mag-7, nakasakay kaming jeep. NA BINABA KAMING QUIRINO. Grabe talaga. Sunud-sunod ung kamalasan na un hindi ko malaman kung tama bang iyakan un o matawa na lang kasi mukha kaming mga tanga XD Di un na, nilakad namin mula Quirino hanggang La Salle Taft. O di ba, saya?

-AT-
Ang maganda naman pala sa kamalasang nangyari samin, pagkapunta namin sa DLSU, nasalubong namin sila Ms. Lhet na manonood din ng concert. Tsaka on-time kami. De, joke. Nagsastart na nung nakapunta kami. Pero at least may kasama kami XD At ayun. Nanood na kami.
Pagdating namin, nagpeperform na ung choir. Coro San Benildo ata un pangalan nung choir. ATA. Di ko sure. Pero dahil tapos na ang pang-aasar ng kamalasan, first song palang naman. Kaya nasimulan talaga namin XD Pagkatapos nila, nagkaron ng short break. Tapos ung Lasallian Youth na. Un na ung mismong Orchestra. Nandun si Peds. Isa siya sa mga napakaraming violinists. Kaya hindi talaga namin siya nakitang magperform XD
Guest Performer din ung Handbell Ringers. Wala kong vid kaya di ko ma-share ung nakita ko talaga pero basta un. Magaling. Meron silang bells na iba iba ung pitch kaya nakakawa sila ng melody. Talagang buong banda sila. Pag nawala isa, hindi makukumpleto ung kanta. Habang tumutugtog sila, para kaming nasa loob ng music box.
Sa huli, nagperform silang lahat ng sabay sabay - Choir, Orchestra, tsaka Handbell Ringers. Maganda talaga, as in.
A, at ayan kaming mga tao kami. Kasama ung conductor nung choir. KASI TITO LANG NAMAN SIYA NI MS. LHET. XD

Awkward nga pala. Pano kasi, isa kong Thomasian na nakauniform na pumasok sa loob ng La Salle Taft NA NAKAUNIFORM at may dala dalang T-Square. Kasi nga galing ako sa Tech 2 XD

Ayun, gaya nga ng sabi ko, worth-it naman ung pagtitiis sa mga kamalasang nangyari sakin kahapon. Kahit ten pesos na lang rin ung natira sa bulsa ko okay lang XD Hinatid kami ng parents ni Peds pauwi. At kahit traffic, enjoy biyahe kasi puro kwentuhan. Tapos nalibre pa kami sa Sinangag Express XD

TAPOS MAY MOMENT NA NAMAN KAMI NG BAG KO XD Dahil nakalimutan ko siya -at ung t-square- sa sasakyan nila Peds XDDD

KENG, SABI SAYO MAKAKALIMUTAN KO NA NAMAN E XDDD   

Friday, November 16, 2012

CFAD Week Day 5

Last day. Ugh. Siguro eto ung pinakaboring na araw. Hindi naman sa walang nangyari. Actually, nakapanood pa nga kami ng Insidious e. De, sila pala, kasi nagbabasa ko ng libro nung nanonood sila. Pero tinitignan ko pa rin ung parts na may cute na lumalabas XD O tas un. Nung natapos ung movie, labas kami, kain, tapos punta ng AVR. At nakinig sa Industrial Design Lecture. Maganda tsaka inspiring ung lecture kaso... Alam niyo un? Buong araw, wala kaming ibang ginawa kundi makinig nang makinig.
Haha! Blurred pics kasi magaling ako XD Basta ayan si Sir Patrick Quinay, kung tama ang pagkakaalala ko. Alumni siya ng Industrial Design ng UST. Siya rin ung speaker namin kanina. At ayun, dami kong nakitang renders na hindi ko na kinunan ng pic kasi nakakahiya naman dun sa taong naka-DSLR sa harap ko XD
Ayun, tapos niyan, diretso uwi ako. At bukas nga pala, uuwi kami sa Batangas dahil may Family Reunion para na rin sa birthday ni Lola Meding. Uh huh. So malamang sa malamang, hindi ako makakapag-online bukas ;A;

Thursday, November 15, 2012

CFAD Week Day 4

Tapos kanina naman... Tambay mode uli. Kasi wala talagang magawa. Pero buti na lang nagdecide kaming umakyat ng Beato. E di nakanood tuloy kami ng Three Idiots 
Grabe, hanep sa comedy. Sumakit tiyan ko katatawa sa mga trip nila. Pero kahit ganun, meron din siyang plot talaga. Kahit tungkol siya sa mga engineering students, nakarelate ako sa mga pressure na binibigay sa kanila. Tapos ang ganda ng moral at ending ng story XD Tsaka actually, hindi siya tungkol sa tatlong idiots. Henyo ung bida e XD
Kaso hindi ko natapos yan e ;A; Kasi ung mga Dean's Lister pinapunta sa Medicine Auditorium. Saklap.
O un nga, nagkaron ng awarding lalalala. Tapos kami ni Eunice, kasama sa mga DL ng Industrial Design. Ung feeling na kaming dalawa lang ung magkaklase sa stage, awkward.
Nagperform din ung Himig tsaka One SHADE. Mga intermission numbers lang naman. Tapos nun... Kaya kami tumagal dun sa auditorium, nagkaron ng XFactor ung mga professors. Ay grabe sigawan. Tapos sumakit tiyan ko ng sobra dahil kay Martin. Sigaw ng sigaw ng kung anu-ano. Tayo pa nang tayo. XD

Wednesday, November 14, 2012

CFAD Week Day 3

Okay okay. Akala ko boring uli tong araw na to. Pero hindi naman XD Nung umaga, nirequire ba naman kaming mag-aerobics sa harap ng Grandstand. Asa naman, e di tumakas kami. Kaso nahuli kami ni Sir Castro. Sabi niya hinahanap niya daw kami dun sa AVR Room, isa pang session na balak naming takasan. Buti na lang hindi namin tinakasan! Buti na lang nahuli kami ni sir! XD
Sina Mr. Jonathan at Ms. Jennett, mag-asawang entrepreneurs. Or artists-for-hire. Nagseminar sila about sa profession nila, at kung anung kinaganda ng pagiging artists. At kung hindi pa obvious, foreigners sila XD
Nagdemo si Ms. Jennett kanina. Gumawa siya ng examples nung mga requested wallpapers sa kanya. Ung iba dun... Anu nga ba un... "Faux" daw, kasi fake something. Kunwari, faux wood or faux marble. Basta un.
Ansaya makinig sa kanila kasi nakakatuwa ung accents nila. Pati ung pagsasabi nila ng tagalog words - "Maarte," "Maganda," "Baliw," "Nakakatawa," "Puso," "Basurahan," at kung anu-ano pa -  ang cute pakinggan XD Tapos un nga, ung demonstrations pa ng techniques ng painting. Astig. Buti talaga umattend kami. Ayun, nakakuha pa tuloy kami ng pics. Tapos ung iba, nagpa-autograph pa XD