Friday, November 2, 2012

Theme I-dont-even-know-what-number-anymore: Halloween

Ye... Hindi ko na alam. Wala na kong track kung anung number na ko sa themes. Pero whattaheck. Kahit di ko bilangin, aabot din yan ng 100. So un. At oo, ang theme ay Halloween. Dalawang araw na kong late. Pero sino si Gianne Abutog pag hindi siya late? Uh-huh.
So ipopost ko na siya ngayong gabi at nang hindi na dumagdag pa ng isang araw ang magaling kong tardiness.
Tagal ko na ring hindi hinahawakan ung tablet ko. At shet, laking gulat ko nung sinalpak ko ung usb niya sa port, gumagana pa siya nang matino XD Pero... Ako ata hindi na. Nakikita kong nag-improve ang katamaran ko sa lineart at coloring. Yang pic na yan, actually, part pa ng mas malaki pa dapat na pic. Kaso... Hindi na ko makakahabol sa oras pag tinuloy ko pa ung tatlo pang characters. Nagmadali na lang ako. At... Kung tatanggalin ko ung pumpkin at broomstick, kahit nga iwan ko jan ung witch'hat... Hindi siya mukhang Halloween pic XD Meh.
Next year, aagahan ko sa pagdrawing ng Halloween pic. Favorite season ko kung baga, sa terms ng pagdrawing ng pic para sa said occasion. At itatry kong wag maging batugan XD