Okay okay. Akala ko boring uli tong araw na to. Pero hindi naman XD Nung umaga, nirequire ba naman kaming mag-aerobics sa harap ng Grandstand. Asa naman, e di tumakas kami. Kaso nahuli kami ni Sir Castro. Sabi niya hinahanap niya daw kami dun sa AVR Room, isa pang session na balak naming takasan. Buti na lang hindi namin tinakasan! Buti na lang nahuli kami ni sir! XD
Sina Mr. Jonathan at Ms. Jennett, mag-asawang entrepreneurs. Or artists-for-hire. Nagseminar sila about sa profession nila, at kung anung kinaganda ng pagiging artists. At kung hindi pa obvious, foreigners sila XD
Nagdemo si Ms. Jennett kanina. Gumawa siya ng examples nung mga requested wallpapers sa kanya. Ung iba dun... Anu nga ba un... "Faux" daw, kasi fake something. Kunwari, faux wood or faux marble. Basta un.
Ansaya makinig sa kanila kasi nakakatuwa ung accents nila. Pati ung pagsasabi nila ng tagalog words - "Maarte," "Maganda," "Baliw," "Nakakatawa," "Puso," "Basurahan," at kung anu-ano pa - ang cute pakinggan XD Tapos un nga, ung demonstrations pa ng techniques ng painting. Astig. Buti talaga umattend kami. Ayun, nakakuha pa tuloy kami ng pics. Tapos ung iba, nagpa-autograph pa XD