Saturday, April 30, 2011

Kumpil

Ok, so nakumpilan na kami. Un lang. LMAO. Hindi, ganto, punta kami sa Five Wounds ng 8:30 AM. Kala ko nga late na ko e. Di pa pala. Pag dating namin sa simbahan, halos wala pa lahat. Sunod na dumating sakin si Binky e. Tapos un. Inantay namin sila Keng. Nung dumating na sila, si Ate malou naman inintay. Tas un na. Kumpil na. Picture kasama ung Bishop.... Ung pics... Maya na lang. Alis pa kami e. LOL.

Friday, April 29, 2011

Biking.. Uli.

Biking na naman. Kaso hapon naman ngayon. Kasama ko sila Ate Reagan, Dana, Hedrix, tsaka Joshua. Punta uli kami BF, as usual. Tapos, dun na rin kami bumili ng ulam sa Vibang's. Di un, nilibot namin ung BF at muntik na naman akong masagasaan. Ye. Bili rin kami sa MiniStop ng Chillz. At sunud-sunod ang brain-freeze. OTL. Sakit talaga sa ulo. May dala kong camera kanina e. Kaso di na ko kumuha ng pics kasi tinatamad ako. So... Un lang mapopost ko ngayon...
A... Bukas na pala ang kumpil. At naka-dress nga ako. OTL.

Thursday, April 28, 2011

Bible Study

Punta nga kami kay nila Ate Dona kasi may Bible Study dun. Ng mga Born Again. Ye right, so umaattend kami ng meetings ng Born Again, lol.
Teka, actually dapat naka-bike kami papunta dun e. Kaso late sila Kuya Rex, so hinatid na lang niyakami.
Di un na, habang nagp-prayer meeting kami, may makulit na pusang pasok ng pasok sa garahe.
Yan ung nag-iisang pic niya na hindi blurry. Ang likot kasi ng ulo niya e. Cute.
Si TJ, anak ni Ate Ina. Cute. Kamukha ni Darci nung baby pa siya, LMAO.
Yan, si Ate Ina tsaka si RC, anak ni Ate Carla.

Si PJ uli. Ung nasa likod niya, si Migo, kaso di na nakunan ng camera.
So yan na un. Pagkatapos namin kumain, uwi na kami. At... Magpipizza naman kami ngayon, na hindi ko na mapopost dahil ang camera ay patay na. At.... Tinatamad ako 8D

Haircut

Nagpagupit ako. Pero dahil magaling ako, hindi halatang nagpagupit ako XDDD Sabi ko kasi trim lang e. As in trim lang. Kaya hindi talaga halatang nagpagupit ako. At... may bangs uli ako. Na hindi ko uli ibababa for the heck of it.

Maya pala punta kami nila ate sa bahay nila Ate Dona kasi may bible study. So un. May free food! /gets shot.

Nota: Walang kong pics sa post na to dahil yokong picturan ang sarili ko. Kasi magaling ako.

Wednesday, April 27, 2011

GH + MOA

So nag Golden Haven na naman kami. Every week naman pumupunta kami dun e, so un...
Sila uli. Iba lang bulaklak.
At yan ung huling bulaklak na dinala namin kay mama. Last week pa yan. Ngayon, walang picture si mama dahil magaling ako at nalimutan kong picturan. OTL.
Ung sunset. Naka ilang kuha yan bago ko naasar kaya yan na lang pinagtiyagaan ko. Haha. Maganda ung pagka-orange nung sunset kanina e. Kaso dahil magaling ang camera, hindi halata dito.
Pope John Paul II. Na hindi halata dahil madilim na at hindi ako marunong mag-ayos ng settings ng camera.




Ung mga clouds na napicturan ko bago ma-dissolve kasi umulan. Mukha kasing mga hayop e. May isda, may manok, may tupa... May isda.... Tsaka ang cool kasi kaya sabi ko talaga malalagay tong mga to dito sa blog ko. LOL.


Nung natapos na kami sa GH, nagyaya sila ate sa MOA.  O at least sa Blue Wave man lang para magpalamig. Dun na rin kami nag dinner. At dahil bukas ang RaiRaiKen... At dahil gustong gusto ni Kuya Rex dun, dun kami kumain~ o(>v<)o

Yan ung loob ng RaiRai. Tsaka yan si kuyang-nagserve-samin.
Ramen ko.

Spicy Ramen ni Kuya Rex.
BENTO~ Sarap niyan. May tempura, dumplings, chicken lollipop, beef, tsaka gulay.





Di dapat uuwi na kami. Kaso nagtanong si kuya kung gusto ba naming mag-MOA. So oo lahat ng nasa kotse kaya tuloy nga kami. At nalaman kong first time nila mommy sa MOA. OTL. Basta un. Dahil may dala naman akong cam, nagkukuha ako ng pics. Marami pa e. Tinatamad lang akong mag-upload. LMAO.

Dami pics.

Tuesday, April 26, 2011

Confession

Aga ko nagising. OTL. Mga 6. Kasi nakalimutan ko palitan ung alarm.
Di nag-confess kami kanina..... Un lang. Q___Q. Wala na ko malagay, OTL. Kasi ang bilis nung confession e. Di ko nga sure kung umabot ng five minutes ung confession at pagdadasal na mismo. Nagpapasama si Keng kay nila Celine e. Di ako pinayagan. Sorry >___<
Nu ba yan. Yan lang talaga malalagay ko. Wala ring pics....

A.... Side note...
Alam mo ung feeling na kako-confess mo lang, nagkasala ka na? OTL. Kelangan ko uling magconfess........

Monday, April 25, 2011

Fifty Signs that Someone is a Shitty Artist

Meron ako nito sa FB, kaso gusto kong maglagay ng side comments na wala sa FB. So ipopost ko uli siya. At dahil wala akong maisip na decent post. At dahil wala akong magawa.

1. They never admit their lack of drawing skills. they insist that it's their drawing style
 So yeah. Ayokong i-admit. Kaya bukingan na. OTL.
2. They always make excuses for the shitty quality of their works. ''I'm still practicing'' or ''I'm working on it'' are the most common excuses.
Ang most common excuse ko ay "E, sketch lang yan." kahit sobrang obvious na lineart na un.
3. They draw shitty characters with mouse and tell people they don't have a tablet.
E wala naman talaga kong tablet NA MATINO e. Mouse talaga gamit ko. 
4. They always draw heads and faces.
No excuse. Totoo to.
5. Their characters always face the same way.
Dahil mas madali i-drawing ang three-fourths view na nakaharap sa kanan.
6. The proportion is awful.
/Wrists 
7. Every character looks the same.
Hindi naman >3>
8. They draw the same faces with different hairs.
SHADDAP.
9. Their characters' angle and direction are very odd.
Style ko un. OTL
10. They don't give a shit about the basic drawing.
Bakit mo pa kelangan matuto gamit ang stickmen figure o ang breafast procedure kung alam mo na naman ang anatomy? 
11. Others only care about the basic drawing.
Hindi ako 'others'.
12. They have no idea what a layer is.
Meron. Gumagamit ako ng SAI at galit sakin ang SAI dahil sobra ko mag-abuse ng layers.
13. They always draw one character (no more than two characters in a single canvas).
Hindi kaya. Mahilig ako magdrawing ng groups... Hindi ko nga lang magawang linearts. OTL.
14. They always draw characters in the same angle.
NO. 
15. All of their characters have the same facial expression.
Hindi. Maliban kay Ryu at Reinforce dahil sadya na parehas sila ng facial expressions. 
16. Static and passive poses. they can't draw characters in dynamic poses.
MARUNONG AT PINAG-AARALAN KO NA ANG DYNAMIC POSES.
 17. They never draw feet.
Ha! Noon un~ I draw shitty feet.
18. They can't draw figures from high or low angles.
Low angles pede pa. Pero marunong ako mula high angles.
 19. Some of them don't even know the definition of high and low angle drawings.
Hindi ako 'some'.
 20. A shitty figure drawing in dynamic pose can be turned into a 4th dimensional abstract.
......... So?.......... 
21. Same character looks totally different when it is drawn in different angle or direction.
.. Minsan? o_o
 22. They can't draw anything other than characters or draw everything but characters.
/Shots 
23. They always draw cute characters.
Actually, hindi na nga ata ako marunong magdrawing ng cute....
 24. They don't know how to draw old people.
PINAG-AARALAN.
25. They don't know how to draw hands.
Paborito kong magdrawing ng hands no.
 26. Their characters hands are always hidden behind (because they don't want to draw hands).
Hindi kaya.
 27. The idea sketch is professional but the actual quality is shitty.
Ung idea professional. Ung sketch shitty. Actual quality is non-existent.
 28. They try to cover up one of the eyes with hair so that they only have to draw one eye.
Noon un.
 29. Their works are always asymmetrical.
Sinong tao ang marunong magdrawing ng perfect symmetry???  

30. Lineart = finished piece
Haha. Noon.
 31. Rough sketch = finished piece
At ngayon.  

32. They have no knowledge of anatomy.
Meron OTL.
 33. They only draw eyes.
Gumagawa ako ng "Eye Charts", pero di ibig sabihin nun mata lang ginagawa ko no.
 34. The size of the characters eyes and/or boobs are ridiculously huge.
Hindi na ko gumagawa ng "Arinacchi-ness eyes" at hindi pa ko nakakapagdrawing -KAHIT KELAN- ng BIGASS BOOBS.
 35. They love boobs but they don't know how to draw them properly, so they just appreciate them.
Lam ko green-minded ako, pero wala akong fetish.
 36. Their works are free from all logic awkward anatomy and proportion.
YES. >___>
 37. They lose confidence when other people's works look great.
Hindi naman. Nagiging inspiration ko pa nga pag nakakita ako ng magandang gawa e.
 38. They think they are genius when they come up with satisfied quality.
OO. Haha!
 39. They collect other people's works as practice references but in reality they collect them as a collection.
/Bullseye.
 40. They are not patient enough to practice.
Asa.
 41. They think tablet is the magic wand of art that can make them draw like Bob Ross. 

 ಠ_ಠ
42. They regain confidence when other peoples works look shittier than theirs.
Hindi rin.
 43. They are more than willing to draw but lose the spirit so easily.
Yeah... TTvTT
 44. They completely lose the confidence when they see the works of true genius.
Hindi nga, kulit.
 45. They draw once a month or even once a year.
Nope.
 46. They get mad when their favorite artists are being lazy.
Anung karapatan kong magalit??? o__o
 47. When they draw hentai art they end up drawing grotesque horror pictures because their proportion is so fucking awful.
I don't f*cking draw hentai.
 48. They don't have faith in themselves.
Minsan.......
 49. The word 'slump' is their most common excuse for being lazy.
Ang most common excuse ko ay "Tinatamad ako." Pag tinanong kung bakit, ang lagi kong sagot, "Kasi magaling ako." So hindi.
 50. They realize their problems and know where to fix them but they never do.
Kasi tinatamad ako, dahil magaling ako.

So ako ay 54% na Shitty Artist.....

Being Messy Means More Productivity

An interesting article was published on Extreme Tech this week that argues that “messier” people are more productivity than extremely organized people. The article argues that “organized chaos” allows you to be more efficient and productive. Taking the time to stay organized everyday takes time and money, but letting your work stay where it ends up lets you get into a better workflow and switch between tasks seamlessly. I think the argument is interesting and counter intuitive to many things I’ve been taught. Give the article a read and please share your opinion in the comments. Are messy people really more productive than organized people?
“Most of us are messy, and most of us are messy at a level that works very, very well for us,” [...] “In most cases, if we got a lot neater and more organized, we would be less effective.”
Yan. Dahil gusto kong i-share for the heck of it. So ibig sabihin ayos lang ung pagiging makalat. Di tulad ng iba jan sa tabi tabi. May sense naman kasi e. Example. Ang nanay ko nun, nung isang araw, magpaplantsa daw siya. E ang kalat ng bahay dahil sa mga kapatid ko. So walis siya ng walis. EVERY FIVE MINUTES.  Literal. ಠ_ಠ Pagdating ng gabi, wala siyang naplantsa ni isang damit kakawalis. So may sense nga di ba? Kakaayos mo ng isang bagay, hindi mo natatapos ung dapat mo naman talaga dapat gawin. O siguro talagang OC lang nanay ko....

Article from: http://www.lifehack.org/articles/productivity/being-messy-means-more-productivy.html

Sunday, April 24, 2011

Born Again Service

Ginising ako ni ate ng mga 6 kasi aalis na naman kami. Inimbitahan kasi kami nung pastor na nagbigay ng last blessing ni mama. E hindi naman kami pedeng tumanggi kasi nakakahiya. So pumunta kami.
Nag-breakfast kami sa Andok's. Kami ni Dana, nag-dokito, so manok. Tapos nagkita kami nila Tita Dona sa SM Center. At un na.

Masaya ung Service, di siya tulad ng Mass ng Catholics na parang routine, kasi to, may concert at performances pa, tsaka homily lang ang dinidiscuss. Syempre, alangang magpa-convert kami dahil lang dun. E di useless ung Visita Iglesia, LOL. Pero masaya talaga. Pero walang conversion na mangyayari no XD


Yan, patapos na. Bale nagsimula at nagtapos ang Service ng concerts and performances.
Nung natapos na, punta kaming Perps para bisitahin si Ate Lexi, kasi kanganganak lang.



Si Sophia. Second Cousin namin. Cute. Pero alagain so OTL. Siya ung unang babaeng second cousin namin dahil lahat ng nauna sa kanya mga lalaki. SEXIIIIIIIIIIIST, D<


Pagtapos sa ospital, punta kaming bakery para kumain. At kinelangan kong picturan si PJ kasi ang cute niya at kamukha niya si Hedrix. Second cousin di namin yan, anak ni Ate Carla.

Saturday, April 23, 2011

Recollection + SM with Keng

Nag recollection kami kanina sa Five Wounds para dun sa kumpil. At ilang beses ako natawag para magrecite. Kasi bat ba kelangan dun kami sa harapan pumwesto? OTL.

Pagkatapos dun sa reco, nag SM kami ni Keng kasi NA-MISS NIYA KO. XD.

Di un, kain kami ng lunch. Sa Potato Corner. LMAO.
Ako. Dahil pinicturan ako ni Keng.
Yan ung Tutti Frutti~ Un pala spelling niya XD. Niyaya ko siya jan kasi gusto ko lang 8D
So un, pagkatapos sa Tutti Frutti, naggala-gala kami. Pumunta kaming National, St' Paul's, BookSale.... Tapos nun, napagod si Keng kaya naupo kami sa Food Court at kung anu-ano nang pinagkuwentuhan namin. Napag-usapan din namin si HINDI-KO-NA-SASABIHIN-KUNG-SINO-MAN-UNG-PINAG-USAPAN-NAMIN-NA-UN. Parang open forum na hindi naman open forum dahil hindi ko kinwento sa kanya ung dapat ko naman talagang ikukwento sa kanya kasi magaling ako.
Late edit:
I'M F@#$%&G BROKE.

Friday, April 22, 2011

Visita Iglesia

Ok, so nag Visita Iglesia kami kanina. Masaya kasi kung saan saan kami napadpad. At hindi namin sure kung anung gagawin. OTL. Pero ayos lang naman e. Ang cool nga kasi sa huli, umabot kami ng MOA.
So una kaming nagpunta sa Five Wounds. Di ko na pinicturan ung simbahan mismo kasi... Basta alam na naman siguro itsura nun. Nung nandun kami, mas natagalan kaming maghanap ng pagpaparking-an kesa magdasal >_>
Sunod kaming napadpad dun sa may Perps. Nung nandun naman kami, halos di namin matapos kasi tong Gelo na to ung prayer leader. E nabubulol lagi, kaya nag-laugh trip imbes na seryosohin ung dasal. Magaling.
Tapos nun sa Mary Immaculate na kami. At hindi ko napicturan dahil NAIWAN ko ung camera. Tsaka masikip din e. Daming tao. May misa pa.
Di Divine Mercy na, un ata pangalan nun. Mabilis lang kami jan e. Next na sa Christ the King, na hindi ko rin napicturan dahil magaling ako. May nakita kaming sign dun, "Painless and bloodless CIRCUMCISION." Wattapak!?
St. Joseph na sunod. Medyo nagtagal jan kasi nilakad namin papunta dahil wala na pagpaparking-an. Tsaka bago umalis jan, sabi namin gusto namin makita ung Bamboo Organ. So ako, dahil sa exit ako dumaan, nakita ko ung likod ng Bamboo Organ. Sabi ni ate, sa TAMANG entrance daw kami dumaan para makapasok. E parang pila sa isang ride sa EK ung pila sa entrance e. So di na nakita nung mga bata.
Last stop namin ung MOA Church. O kung anu mang pangalan nung church na un. Habang nagdadasal, nasalubong namin ung dating co-teacher ni ate. Di nagkakwentuhan sa labas. At nung pipicturan ko na sana ung mga santo sa prusisyon... Namatay ang magaling kong camera. OTL.

Di un, sarado MOA, so walang gala. Pero bukas ung ibang restaurant kaya dun na din kami kumain.
SHAKEY'S.
Ang sarap ng kain namin dun. Nadiskubre kong masarap ang fried chicken at gravy nila, LMAO. Sayang nga walang pics e. Bwisit kasi camera e. Un. Pagkatapos kumain, uwi na.
Syempre, sa sasakyan laugh trip dahil kay Gelo. Lagi naman e.