E di Palm Sunday pala ngayon, so nagsimba kami. Yep.. Kasama ko dun. Kasama rin namin sila Ate Len, Ate Malou, Ate Reagan, si mi, Angeni, Gerraine, pati si Dana. Di na sumama ung mga lalaki e.
So un. Umalis kami ng mga 6:25. Wala pa kaming mga palaspas nun, sabi ni Ate Len, bumili na lang daw kami. Mas mura na daw.
Di pala.
Sampung piso pa rin ung sa una naming nadaanan. Di bumili na si Ate Reagan. Sabi ni mi maghahanap siya ng mas mura. So ung sunod niyang nadaanan...... Fifteen pesos na ang isa.