Friday, April 22, 2011

Visita Iglesia

Ok, so nag Visita Iglesia kami kanina. Masaya kasi kung saan saan kami napadpad. At hindi namin sure kung anung gagawin. OTL. Pero ayos lang naman e. Ang cool nga kasi sa huli, umabot kami ng MOA.
So una kaming nagpunta sa Five Wounds. Di ko na pinicturan ung simbahan mismo kasi... Basta alam na naman siguro itsura nun. Nung nandun kami, mas natagalan kaming maghanap ng pagpaparking-an kesa magdasal >_>
Sunod kaming napadpad dun sa may Perps. Nung nandun naman kami, halos di namin matapos kasi tong Gelo na to ung prayer leader. E nabubulol lagi, kaya nag-laugh trip imbes na seryosohin ung dasal. Magaling.
Tapos nun sa Mary Immaculate na kami. At hindi ko napicturan dahil NAIWAN ko ung camera. Tsaka masikip din e. Daming tao. May misa pa.
Di Divine Mercy na, un ata pangalan nun. Mabilis lang kami jan e. Next na sa Christ the King, na hindi ko rin napicturan dahil magaling ako. May nakita kaming sign dun, "Painless and bloodless CIRCUMCISION." Wattapak!?
St. Joseph na sunod. Medyo nagtagal jan kasi nilakad namin papunta dahil wala na pagpaparking-an. Tsaka bago umalis jan, sabi namin gusto namin makita ung Bamboo Organ. So ako, dahil sa exit ako dumaan, nakita ko ung likod ng Bamboo Organ. Sabi ni ate, sa TAMANG entrance daw kami dumaan para makapasok. E parang pila sa isang ride sa EK ung pila sa entrance e. So di na nakita nung mga bata.
Last stop namin ung MOA Church. O kung anu mang pangalan nung church na un. Habang nagdadasal, nasalubong namin ung dating co-teacher ni ate. Di nagkakwentuhan sa labas. At nung pipicturan ko na sana ung mga santo sa prusisyon... Namatay ang magaling kong camera. OTL.

Di un, sarado MOA, so walang gala. Pero bukas ung ibang restaurant kaya dun na din kami kumain.
SHAKEY'S.
Ang sarap ng kain namin dun. Nadiskubre kong masarap ang fried chicken at gravy nila, LMAO. Sayang nga walang pics e. Bwisit kasi camera e. Un. Pagkatapos kumain, uwi na.
Syempre, sa sasakyan laugh trip dahil kay Gelo. Lagi naman e.