Friday, July 8, 2011

Durarara!!

So di ba nga gumawa ako ng top anime list ko. At naisipan kong gawan ng article ung Durarara!! kasi wala akong magawa OTL.

Plot Sypnosis:
Mikado Ryūgamine is a young man who longs for the exciting life of the big city. At the invitation of his childhood friend Kida Masaomi, he transfers to a school in Ikebukuro, Tokyo.
Masaomi warns him about people he doesn't want to cross in the city: a violent man dressed like a bartender, an information merchant, and a mysterious gang called "Dollars." And to top it off, Mikado witnesses an urban legend on his first day in the city: the "Black Rider," the supposedly headless rider of a black motorcycle.
The narrative follows all of the characters equally, showing how their lives intersect, creating a greater plotline from what each character knows about a common incident.
Characters:

Mikado Ryuugamine - Siya ung protagonist ng storya. At masasabi kong isa sa mga ayaw kong character sa series. Ewan ko ba. Nakikita ko siya as boring. At kahit napakita na ung revelations tungkol sa kanya... Boring pa rin ng todo ang tingin ko sa kanya. Basta. Nabasa ko na rin ung light novels, dami nang twists. Pero talagang boring ang tingin ko sa kanya OTL.

Kida Masaomi - Ang ever-so hyperactive childhood bestfriend ni Mikado. Siguro siya ung 2nd favorite character ko kasi... Ewan. Nakakatawa siya. At hindi siya boring. Kahit nung naging seryoso na siya, di ko pa rin naramdaman ang boredom sa kanya.


Anri Sonohara - Isa pang boring na character. At least sa opinyon ko. Rehas sila ni Mikado na may twisted sercet. Pero kahit ganun. Boring pa rin sila. LMAO. Ilang beses ko na sinabi ung "boring" sa post na to XD Anyway, siya ung may-ari ng Saika blade.


Celty Sturluson - Ang living proof na di kelangan ng mga babae ang isang ulo para patunayang maganda sila. Siya ung tinatawag na "Headless Rider". At.. Pangatlo sa paborito kong characters. Matured siya kumilos kahit may times na may pagka-clumsy siya. Pero ayos lang. ANG CUTE KASI NG HELMET NIYA.


Izaya Orihara - At siya na nga ang paborito ko. Isa siyang information broker na may twisted sense of humor. Siya siguro ung tumatayong main antagonist / anti-hero ng series. Pero kahit ganun, nakakatawa at nakakatuwa siya. Sa lahat ng scenes na pinapakita siya, wala akong hindi tinawanan ni isa. Kasi andami niyang pakulong gulo. Siya rin ung pinaka-kinatatakutang tao sa Ikebukuro dahil nga isa siyang magaling ng informant. At lagi siyang nakakatakas sa gulo. XD

Shizuo Heiwajima - Arch enemy ni Izaya dahil siya lang naman ung laging napagbibintangan ng mga pulis o kung sino pa man sa mga krimen ni Izaya. Siya naman ung pinakamalakas sa Ikebukuro. Literal. Short-tempered siya sobra tsaka wala ng limits ung physical strength niya.


Shinra Kishitani - Neutral friend nila Izaya at Shizuo, dahil magkakaklase sila nung highschool nila. Isa rin siyang scientist na medyo -sobrang- obsessed kay Celty at in love sa kanya. Isa rin siya sa mga nakakatawang characters sa series. So, okay ako sa kanya.


Simon Brezhnev - Special mention dahil gusto ko. Siya ung masipag at matiyagang sushi seller ng Ikebukuro. Kahit isa siyang gentle giant, sobrang lakas niya na kaya niyang pantayan ung lakas ni Shizuo.