At may CAT kanina. At sinukuan ko nang lubos ang pagdala ng cam dahil nga magaling ako OTL.
May quiz ung mga kadete kanina. Pagkatapos nung quiz, nagpa-drills uli. At OTL, ubos na ata boses kasisigaw. Pero ayos lang. Masaya naman kahit pa pano e.
Un.
Eto nga pala, kinukulayan ko na si Akari na ngayon ay Llys na ang pangalan kasi pinalitan ko ngayon ngayon lang dahil magaling ako.
So iniba ko ung style ng pagkukulay ko. For the heck of it. Hindi joke. Kasi ung select tool nagloloko e. tuloy. Kelangan manu-mano pagkulay ko OTL. Ang hirap pa man din. Tae. Kung ngayon pa lang nahihirapan na ko sa skin niya, panu pa kaya sa buhok niyang nakakamatay?? Bahala na. Come what may. Pero... Kung tutuusin, parang mas maganda ung kinakalabasan nitong bagong coloring style ko na to kesa dati. Ewan ko lang. Parang mas feel ko, LOL.
Pero pamatay talaga e. OTL.