Wednesday, July 6, 2011

Top Anime List

Ok, magpopost ako ng top anime list ko for the heck of it. Siguro mag-iiba to, pero ngayon, eto ung list:

#1
Code Geass - Lelouch of the Rebellion. May article na ko tungkol jan, so wala na kong iba pang masasabi.
#2
Durarara!!. Kasi sobrang namangha at nawili ako dun sa weird and twisted story plot niya. Ok meron siyang plot twists, pero mas angat ung twisted story. LOL.

#3
Ano Hi Mita Hana no Namae wo Bokutachi wa Mada Shiranai. Ah, ang anime na may napakahabang title na nakapagpaiyak sakin kahit na predictable ang plot. At umabot siya sa top three.

#4
Tokyo Majin Gakuen Kenpuchou. Zombie-themed nga. Pero di siya katulad ng Resident Evil, Dawn of the Dead, Highschool of the Dead, or ung iba pang stereotypical zombie-themed na palabas. Kakaiba siya kaya nagustuhan. Plus maganda rin ung mga opening at ending songs~

#5
Fairy Tail. Yoko sanang aminin, pero fine. Isa tong magandang anime na mas maganda at mas may point ang plot kesa sa Naruto.

#6
Nurarihyon no Mago. Aw come on. Sinong hindi gusto ang yokai? Di ko matiis e. Maganda ung art, maganda ung story kahit mainstream shounen, at may YOKAI. Woot!

#7
Katanagatari. Aaminin ko, kaya ko siya nagustuhan kasi... Ang cute ng art style XD Unique din kaya kwela. Haha XD

#8
Death Note. Okay. Alam ko namang hindi si L ung bida e. Pero wala e, pag paboritong character talaga, syempre may bias XD

#9
Jigoku Shoujo. Dahil cute ang mga babeng anime characters na may doll features, tulad ng pale white skin, long ebony black hair + full bangs, at syempre red eyes. At mas lalong nagiging epic kapag ung character na un ay nasa isang dark-themed story.

#10
Ghost Hunt. Pinanood ko lang yan nung una dahil wala akong ibang mapanood. Pero nagustuhan ko ung enigmatic deuteragonist na si Naru. Kaya un.

Okay... At dahil wala naman akong sinabing hanggang top ten lang.... :

#11
Witch Blade. Malalang ecchi-ness. Pero maganda talaga ung story plot + ningand ending songs kaya sinubaybayan ko to.

#12
Suzumiya Haruhi no Yuutsu. Haruhiism. Yan. Di ko talaga ide-deny. OTL.

#13
Le Chevalier D'Eon. Bakit ko nagustuhan? Kasi ang ganda ni Lia. LMAO. At bagay sila ni Max XD Tsaka sinong aayaw sa European dresses?

#14
Panty and Stocking with Garterbelt. Haha. Okay, di ako perv. Ang cute lang kasi ng drawing e. Tsaka nakakatawa ung story and characters.

#15
Pandora Hearts. Naintriga ko kasi based on Alice in Wonderland siya. Na may kasamang twists at mysteries na nakaka interes.

So... Hanggang fifteen lang muna ngayon. Siguro, next time... Hanggang twenty na? LMAO.