Ang bida ng series ng FFVII, si Cloud.
Cloud Strife. Sa CC, bata pa siya, mga 14 years old ata? Tapos dun, medyo upbeat pa ung ugali niya. Pagdating ng ending ng CC, nung namatay na si Zack at pinamana na sa kanya ung Buster Sword, hinimatay siya habang naglalakbay papuntang Sector 7 ata o sa Midgard na mismo. At dun na ung start ng FFVII game. Ang ugali niya dun, sobrang nagbago, naging tahimik siya tsaka secretive. In short, nagi siyang blond emo. LOL. Sa Advent Children, kahit na-solve na ung mystery niya, nadala niya pa rin ung pagiging tahimik niya. At naglayas pa siya~ *0* Pero kahit pa pano, sa huli, napatawad niya na ung sarili niya sa tulong nila Aerith, Zack, Tifa, at nung iba pa nilang mga kaibigan.. At kahit ni Sephy. So may natutunan namang siayng lesson dun; "I know, I'm not alone... Not anymore.".
Kasama niya
Tifa Lockhart. Ang ever-supportive friend ni Cloud. Madalas siyang nag-aalala para kay Cloud, lalo nung hindi na umuwi ng bahay ung isang un. Pero kahit ganun, naniwala pa rin naman siya sa kanya. Ready rin siyang pagalitan si Cloud pag
Marlene Wallace. Okay, actually, di naman siya anak talaga ni Barrett e. Parang kinupkop lang siya kasi namatay ung biological parents niya. Sa may ending din ng VII Game, pina-alaga muna kay nila Cloud at Tifa si Marlene kasi busy si Barrett. So mga 7 or five years old na ata siya ngayon? Ata. Di ko sure. Basta un. Masasabi kong napaka-matured niya para sa edad niya. Siya ung gumising kay Cloud nung namomroblema ung isang un.
Denzel. A, eto kinupkop talaga nila Tifa at Cloud. Sa events ng ACC, pinakita na napadpad si Denzel sa church ni Aerith. Nakita niya dun ung motorsiklo ni Cloud, at dahil sa pangangalikot, nakita niya rin ung cellphone ni Cloud dun. So tumawag siya sa di kilalang line. Walang sagot. Nakita niya sa phone directory ung 7th Heaven Bar, so tumawag siya, pero nag-call off din siya, siguro sa takot. Si Tifa naman, dahil akala nga si Cloud un, tumawag sa phone. Tapos hinimatay si Denzel. At nakita na siya ni Cloud, kaya kinupkop na siya. Sa ACC, ang role niya pareho ng kay Marlene, medyo mas reckless nga lang tong isang to. 9 years old na nga pala siya.
Ung mga major support ni Cloud, syempre sila Aerith at Zack.
Yan, sila Aerith Gainsborough at Zack Fair. Naikwento ko na naman yang dalawang yan e, sa article ko dun sa CC. Si Zack, namatay sa CC at pinamana ung Buster Sword kay Cloud, namatay siya kasi pinagbabaril siya. Si Aerith naman, sa VII Game pa namatay. Pinatay siya ni Sephy sa harap ni Cloud. So un. Sila ung catalyst ng paglalayas ni Cloud, kasi nga di niya kayang patawarin ung sarili niya kasi wala siyang nagawa para jan sa dalawa, kaya ang iniisip niya, gusto niyang mapatawad nitong dalawa. Pero wala naman silang galit sa kanya. OTL.
Vincent Valentine. Si Mr. Silent-type-who-talks-a-lot. So para siyang bampira, pero hindi naman.
Yuffie Kisaragi. Ang princess ng Wutai, nagpakita rin siya sa CC.
Barrett Wallace. "Daddy" ni Marlene.
Cid Highwind. Ung bahala sa transpo nila.
Red XIII at Cait Sith. Sila ung mga mascot ng series. Bukod siguro sa mga chocobo.
At eto ung mga antagonists:
From left to right: Yazoo, Kadaj, at Loz. Si Kadaj ung remnant ni Sephy. Speaking of....
Sephiroth. Siya naman talaga ung main antagonist ng buong FFVII series e. Sobrang maniacal niya. Nakwento ko na rin siya sa CC e.
So un. Ang una ko kasing napanood, ung Advent Children lang. Nung 2005 pa un. Nung 2009, nagkaron ng remake, un na nga ung Advent Children Complete. Maraming scenes dun na wala sa AC lang. Kunwari, ung sobrang madugong labanan nila Cloud at Sephy, ung pagpapakita ni Zack kay Cloud sa laban nilang un, ung scene kung san unang nakita ni Cloud si Denzel. Basta un, daming nadagdag.
At bakit naman ngayon ko lang napanood to? Kasi tamad akong maghanap sa net at ngayon ko lang na-realize na gusto ko talagang panoorin to. Okay. Ngayon, ang misyon ko, mai-download ung game ng FFVII at malaro dito sa computer. Sana meron. LOLs.
"To those who loved this world... And knew friendly company therein: This reunion is for you."
-Opening Narration ACC