Monday, November 7, 2011

Magic Knight Rayearth

-Manga-

Childhood anime ko yan. Actually, yan nga ata ung pinaka-una kong anime e.
Binasa ko ung manga niyan. Kasi sabi nila, maraming pinagkaiba ung manga version sa anime version. At oo, marami nga talaga. Ung manga, merong six volumes na at least tig-200 pages. Sinimulan kong basahin kanina lang, at natapos ko naman siya. Masakit nga lang mga mata ko ngayon, pero ayos lang, LOL

Hikaru Shidou, Umi Ryuuzaki, and Fuu Hououji are on a field trip to the Tokyo Tower with their respective schools. The girls are blinded by a flash of light and hear a voice calling for the Legendary Magic Knights to save Cephiro. They fall through the sky into another world, Cephiro. Once there, they meet Master Mage Clef. Clef explains, "[In Cephiro], one's will has the ability to change reality for better or worse. The dark fears in people's hearts become monsters, while a well-intended wish can do miracles. One person, the Pillar, whose will is stronger than anyone else's, is responsible for maintaining through her prayers the well-being of Cephiro."

Yan ung plot. At eto ung characters:

Hikaru Shidou. Siya ung Magic Knight of Fire, at siya rin ung may-ari kay Rayearth. Ano siya... Uh... In a word, naive. Sobrang inosente niya, pero dun din nagmumula ung strong will niya. Bukod dun, kahit eighth grader na siya, sobrang liit niya na madalas siyang pagkamalang elementary school kid.

Umi Ryuuzaki. Magic Knight of Water. Siya ung may-ari kay Celes. Short-tempered siya para sa taong may water attribute. Pero kahit ganun, siya ung tumatayong older sister figure ng grupo. Meron siyang extreme fondess kay Hikaru, kasi nakikita niya un as adorable little sis niya.

Fuu Hououji. Magic Knight of Air, at may-ari kay Windam. Masasabi kong femme fatale siya. Kung titignan, mukha siya ung pinakamahina sa grupo. Pero ang strength niya, nagrerely sa wits niya. Manipulative siya, pero kaya niya pa ring dalhin ung politeness niya kahit ganun.

Master Mage Clef. Or sa manga, Guru Clef. Pero dahil mas sanay ako sa anime, Master Mage ang tawag ko sa kanya. Mukha siyang 10 years old, pero 571 years old na talaga siya. Siya ung nagbigay sa mga Knights nung armor at magic nila.

Presea. Ang chief artisan / blacksmith ng Cephiro. Siya ung nag-forge nung mga Escudo Swords nung mga Knights. Sa anime, namatay siya at iniyakan ko ung pagkamatay niya na un OTL pero sa manga hindi. Present siya hanggang sa last chapter.

Ferio. Prince ng Cephiro at nakababatang kapatid ni Princess Emeraude. Sa manga, alam niya na siya ung prince. Sa anime, pinilit niya si Emeraude na i-brainwash siya para hindi sila mahirapan sa mga trabaho nila. Siya rin pala ung love interest ni Fuu.

Princess Emeraude. Princess ng Cephiro. Siya rin ung tumayong last pillar nun. Ang sabi sa plot, kinidnap siya ni Zagato for the heck of it. Pero hindi pala. Tumakas siya, at ang nasisi, si Zagato. Basta may deeper plot pa yan. Siya ung tumawag sa Magic Knights para iligtas ung mundo nila.

Zagato. High Priest ni Emeraude at right hand man ni Clef. Kaso dahil sa series of unfortunate events, kinelangan niya maging antagonist. Basta un un. Siya ung love interest ni Emeraude in short. OTL spoilers.

Lantis. Captain ng personal guard ni Emeraude. Siya rin ung nakababatang kapatid ni Zagato. At masasabi kong ang magkapatid na un ay parehong mahilig sa black at parehong emo hindi mahilig magsalita. Siguro pede kong masabi na love interest siya ni Hikaru? Or vice versa ata.

Eagle Vision. Anak ng president ng planetang Autozam. Naging magkaibigan din sila ni Lantis. At ang pakay niya, maging bagong pillar ng Cephiro. Kaso.... Basta. Sasabihin ko na lang na meron siyang weak physique.

Mokona. Syempre di ko pedeng kalimutan yang nonsensical-rabbit-like-whatever-the-hell-it-really-is-large-white-bun-with-a-red-gem-on-its-forehead creature. Siya ung mascot ng series. At sa kanya nagmula lahat ng Mokona na lumabas sa iba pang CLAMP series. Kahit parang mascot lang siya na wala talagang definite role, malaki pala ung gagampanan niya sa series.

So un. Marami pa talagang characters e. Kaso di ko na maisa-isa lahat. Gusto ko rin sanang ulitin ung anime. Kaso baka umiyak ako. LMAO.