Pinagbawalan kaming i-fold pataas ung mga jogging pants namin kasi daw pangit tignan, mukha daw kaming mga magbubukid. LUH. Sila lang naman may tingin ng ganun. Tsaka anu bang pakialam ko kung mukha kong taga-bukid. E kaya ko naman tinataas ung pants ko kasi mainit. Grabe. Di ko maintindihan ung logic nila. Sumobra na ung pagiging nonsensical nila. Anung sense ng pagbawal ng pagfold ng pants kung ang dahilan lang ay kasi mukha kaming farmers, WTF.
Ako ay isang farmer. WIIII~! Tae a. Lam ko haggard ako sa pic, pero imposibleng mukha akong magbubukid dahil lang tinaas ko ung pants ko. Naka-uniform ako e LOL.
Tsaka ang mga magbubukid, kaya naka-tokong, kasi lulusong sila sa putik. Hindi un dahil sa kanilang "fashion" or "style". Mga madre talaga.
DISCRIMINATION YAN!!!
"Pangit tignan, para kayong mga taga-bukid."
A, okay po. In short pangit ang mga taga-bukid.
"At kung natatandaan niyo, ang last lesson natin ay tungkol sa pagdidiscriminate sa mga poor. Bakit dinidiscriminate ang mga poor?"
Um... Kasi po pangit sila?
Kaasar lang e. Wag nilang sasabihing bawal kasi pangit a. Anu naman kung pangit? Paki niyo? Kayo may suot? Palibhasa hindi kayo nagsusuot ng pants.
Tsaka ang mabait na madre, hindi nagsasabi ng "SARAP PUGUTAN NG ULO!" Kasi ang mga madre, hindi dapat brutal. Pwera na lang kung magkaron ng zombie apocalypse sa mundo. TROLLOLLOLLOLLOLLOL.
"Hindi lahat ng gusto niyo pedeng masunod. Minsan kelangan pag-isipan ng maigi ung mga gusto niyo bago kayo gumawa ng desisyon."
E kung sa mga sarili niyo po yan sinasabi no?