HI HOWIE. ALAM KONG MAHAL NA MAHAL MO KO. ALAM KONG ANG DAMI MONG NATUTUNAN SAKIN NGAYONG ARAW NA TO. ANG GALING KO KASI. YOU'RE WELCOME. XD
Walang pics kasi ang pogi ko.
Kasi kelangan kong pumunta sa UST kanina. At as usual, ang aking chaperone, si Howie. So daan nga kaming UST, yada yada. Ayun, naglakbay at naghirap kami sa Maynila. HAHAHAHAHA! Kasi ako lang naman ang pinakamagaling na nilalang sa mundo.
De, ganto kasi, sabi ni Howie, tambay na lang daw kami sa UST, or libutin namin un. E nalibot na namin. So nagyaya ako sa SM Manila or so. At... Di un na. Sakay kaming jeep na may plakang nakalagay na "SM C-Hall". Siguro, nagtraffic traffic na lahat lahat. At na-realize ko na ring nilagpasan na namin ung SM after ilang street lights at underpass na dinaanan namin. Pero para lang talaga sa sake na ma-experience naming mawala, pinaabot ko pa ng pagkatagal-tagal bago ko sinabi kay Howie na nawawala nga kami. HAHAHAHAHA! Umabot nga kami ng lagpas UP Manila e. LMAO. Tsaka nung una pa lang, nakita ko na na tinanggal na ni manong driver ng jeep ung plaka ng SM XD
Ako na magaling.
Di pa nagtatapos dun.
Nung nasa may Adamson's Uni na kami, sakay na uli kaming jeep pabalik ng España. Sabi ko kay Howie, mag-eSM pa rin kami. So dapat bumaba kami bago dumaan dun sa Mahiwagang Magandang Tulay. Eto, pinaglalaban ko talagang hindi ko na kasalanan. Kasi naman... Hindi pinara ni Howie ung jeep. Ayun. E di lumagpas na kami nung tulay, tas dun lang kami bumaba. So anung ibig sabihin nun? Syempre kelangan naming tawirin ung tulay by foot. So tinawid nga namin. Tapos, inalala ko kung san ba dapat kami pumunta para makarating ng SM. Naalala ko, dadaan kami ng underpass. At dahil magaling lang naman ako, ung pinaka-unang underpass na nakita ko ung pinuntahan namin. San kami dinala nun? Sa kabilang dulo, malayo sa SM. Sa huli, nagtanong na din si Howie dun sa mga nagpepedicab. Pinasakay kami, sakay naman kami. Bale, sa aming napakasayang adventure, nakagastos kami ng 41 php each.
Sa huli, narating naman naming ung SM ng buhay. A, nasabi ko bang halos 2 oras nga pala ung adventure namin na un? Isang oras at kalahati nun, naglalakad kami. Tsaka sa SM, dahil sa kung anung milagro, nasalubong namin sila Abby at ung mommy niya. Ang galing nga e.
Mga "loving lines" saking ni Howie:
- "E kung itulak kaya kita sa highway?"
- "Itutulak kita jan sa tulay e, tignan natin kung mabubuhay ka pa."
- "Wala! Wala kong kilalang magaling! Namatay na un!"
- "Oo, no? Dapat ung mga poging kagaya mo, tinutulak para masagasaan ng jeep e."
- "Ano natutunan ko ngayong araw na to? WAG PAGKATIWALAAN SI GIANNE ABUTOG SA DIRECTIONS."
- "Ang sarap mong ihulog sa tulay!"
- "Grabe, pinalakad mo ko ng ganto kalayo! Exercise? EXERCISE??"
Pero masaya a XD Sayang nga di nakasama si Ate Ericka e.