Tuesday, May 22, 2012

Shotgun

Nung Sabado, nakachat ko si Keng. E bored ako sa bahay nun. Sabi ko sa kanya, "Oi tara, SM tayo bukas." E Linggo nga pala kinabukasan. Sabi niya mamili na lang daw ako ng date from Tuesday to Friday. Di ang pinili ko syempre, Tuesday.
Kinabukasan, nakachat ko naman si Yaya. Naisip ko, boring pag kami lang ni Keng, so niyaya ko rin siya. Siya naman pala, naghihintay lang na mag-organize na naman ako, so pede siya.
Kanina, nung na kaynila Keng na ko, naisip ko na baka boring din pag tatlo lang kami. At dahil ako ang pinakamagaling talagang organizer, tinext ko si Eva. Nasa LPC ka ngayon? Pede ka magSM? Nagpaalam pa siya sa mommy niya, sa huli, pinayagan din siya. Pero syempre malelate siya kasi late ko na rin siya inaya.
Sa SM, dahil ang rendezvous point naman namin ay National Bookstore, tambay na rin muna kaming tatlong nauna dun. Siguro nandun kami sa isang sulok sa taas, nagkukwentuhan lang tungkol sa nearing college life namin.
Nung dumataing na si Eva, bili kami sa Mcdo, at tatlong oras mahigit tumambay sa food court, nagkukwentuhan lang rin.

Basta un. Daming napag usapan. Nakabili na rin pala ko ng manga after 464764 years. Pero next time ko na ipopost ung pic nun. XD

Nga pala... WALANG PICS NGAYON DAHIL MAGALING AKO NA KAHIT MAY DALA KONG CAM KANINA, WALA KONG KINUNAN NG PICS FOR THE HECK OF IT.