Yan kaming mga tao kami, namamangha nung una sa batang nagrarappel. Kasi nga atat na kami nung time na yan, kaso sabi ni sir, patapusin daw muna namin ung mga bata. E di naghintay naman kami. De, actually, di ko sure yang scene na yan e. Yan nga ung either naghihintay kami, or pinapanood naming bumaba si Sir Gary. Pero alinman dun sa dalawa, namangha pa rin kami XD
Dapat sabay kami ni Dothy bumaba e, kaso nauna kong umakyat at nauna kong lagyan ng lubid. So nauna na rin akong bumaba, kasi atat ako, LMAO. Nung una, nung nilalagyan pa lang ako ng gear, nayayanig ako. Nung nasa taas na ko, dun lang nawala ung kaba. At nung bumababa na ko, natatawa na lang ako kasi iniisip ko mukha kong timang.
Yan si sir, kasama ung anak niya. Dapat din sabay sila, sa huli, hindi siguro kinaya nung bata kaya umayaw. Epic nga ung pagbaba niya e, habang bumababa siya, ung mga nagtetraining, pinapunta nung mga trainers sa quadrangle nila tapos pinapapalakpakan siya.
Yan din ung iba pang mga maswerteng officers ng DCCS na nakababa kasi mga nakasapatos. Walang particular order yan kasi nakalimutan ko na kung sinu-sino ba nauna. Basta sila Howie, Paolo, Wil, Reji, Abby, at Dothy yan.
"Nakakabading ung pagbaba!" <~ Line nung dalawang lalaking nabading nga daw.
Dami rin naming pumunta kanina e, kasi nga alam naming magrarappelling. Ung unang batch na pumunta, mga 8 something ng umaga, ako, Howie, Yaya, Nick Paul, at Jose. Ung sumunod, mga 11 ata, sina Abby, Dothy, Wil, at Paolo. Sumunod si Keine, huling dumating si Reji. So batalyon kami ng officers ng DCCS kanina XD
Nasabi ko bang masaya magrappelling? XD