Friday, June 24, 2011

Baha OTL

Kasi sinama ko ni Ate Reagan sa patay as proxy ng nanay ko. Ung binisita namin, pinsan ni mama, tsaka kami na lang daw kasi ung di pa pumupunta dun. So un na nga, sa Pamplona kami. Di narating na namin ung subdivision, Tae. Baha. As in. Hanggang kalahating binti ung tubig. Kaya basang-basa talaga ung pantalon ko. OTL.
Tapos nung nandun na nga kami sa bahay nung patay, wala kaming kilala kahit sino. Pero puro mga pinsan at kamag-anak namin ung mga nandun. Ye, magaling kami, walang kilalang distant relatives.
Siguro nagtagal kami dun ng isa o dalawang oras tapos alis na kami.
Diretso na kami kay mama. Baha din sa Golden Haven grabe. E si ate ayaw lumusong sa tubig, so sa damuhan na lang kami. E maputik naman. So wala rin, madumi din paa namin.
Di un na, pagkatapos ng GH, uwi na kami. Baha. Traffic din. Masayang gabi talaga OTL.