Saturday, June 4, 2011

Weird Dream

Usually, pag nagkakaron ako ng panaginip, either anime/CG Animation or..... Sobrang weird lang talaga na kung anu man un.
Kasi may "field trip" daw ung barkada ko. Punta kami sa.. Di ko talaga mamukhaan kung san e, pero mukha siyang CCP. Parang... O.O So un, naglilibot-libot kami. Ang mga kasama ko, si Jes, Ash, Yannah, Ed, at Trisha.
May inakyatan kami e. Tapos nilibot namin or so, medyo naghiwahiwalay kami, may 3 grupo. Kasama ko si Jes, magka-group si Yannah at Ed, tapos si Sha at Ash.
Nawala bigla sila Yannah. Di hanap naman kami ni Jes. Sumigaw bigla si Ash papunta samin, Si Yannah may nahanap na di niya mapaniwalaan! Okay.. So ang weird nung sinigaw niya. Napa Huh?! ako. So sinundan namin si Ash. Napadpad kami dun sa top floor ata. Nakita namin nakabantay si Ed tsaka Sha sa pinto. Sabi nila si Yannah daw nasa loob, di makalabas. Sabi ko E bat di niyo tulungan?? Sabi nila di daw makakalabas ung papasok. So di ko na natanong kung bakit. Basta kinaladkad ko nalang sa loob sila Jes at Ash, at biglang sumarado ung pinto.
Nasa loob si Yannah, tapos may poster na nakadikit sa pader. May kelangan i-solve dun e. So sinolve namin, at may nakita kaming camera... Basta, kung anu-anung nangyari sa loob, tapos nakalabas na kami.
Di uwian na daw... Nung nasa labas na kami, may grupo ng matatanda na sabi maglaro daw kami ng habulan, so kami... Di ko alam kung bakit, basta pumayag kami, so nagtakbuhan na kami. Tapos biglang sabi nung isang matanda, bawal daw tumakbo, at hindi ko talaga alam kung bakit bigla nalang huminto ung mga kasama ko, so lahat sila nataya. E ako naman, naglalakad ng mabilis, so di ako mahabol.
Lumabas ako dun sa "CCP" na un. At sumakay ng bus at nagising dahil sa sinag ng araw. OTL.

Ung kwento ko walang horror e, pero sure ako habang nananaginip ako, may mga kababalaghan na nangyayari dun e. Weird talaga.