Sunday, June 5, 2011

Mangaka / Manhwaga

Okay, so may mga mangaka at manhwaga kong kinamamanghaan. Siguro dapat sinama ko na sila run sa "Inspirations" na post kaso... meh...

Arina Tanemura. Need I say more? So malamang talaga alam na e. Ewan ko ba kung bakit, basta mula ng makita ko ung drawing niya, namangha na talaga ko. Hindi ko talaga alam kung bakit e. Basta un. Ang galing niya rin sa screen tones. Basta matiyaga. Siguro siya talaga ung number 1 idol ko. Hanggang ngayon, kahit yoko na ng ultra-shoujo-ish style.

CLAMP Quartet. Kung si arinacchi #1, sila ung pinaka-una kong nagustuhan. Actually, dahil lang un kay Mokona e, nung una. Tapos namangha ako ng sobra-sobra sa haba ng braso at binti nung mga characters nila. Ye, mahilig ako sa mahahabang limbs. So un, pati ung pagdrawing nila ng kamay. Siguro ang ayoko ko lang sa kanila ung sobrang habang series na parang wala nang katapusan.

Cho Jung-Man. Dahil nakakamangha ng sobra ung anatomy niya. Grabe. Tsaka un poses. Un, wala talaga ko masabi ngayon XD

Kara Lim. Folds folds folds. Sa unang tingin, mahirap gumawa ng folds sa damit. Tsaka nakakatamad. Sa unang tingin. Dahil bumili ako ng manhwa niya, na-inspire ako magdrawing ng folds. At nalaman ko na di pala mahirap magdrawing ng folds. Idol ko siya kasi galing niya gumawa ng folds XDDD

Park Seo-Hee. Dahil slender ung mga tao. At gaya ng sabi ko, mahilig ako sa mahahabang limbs. Tsaka ang ganda ng fashion sense niya. Un un.

Ren Saizaki. Ang galing niya magdrawing ng lalaki. Ayan o, si Mahiro. Ang cool e. Tsaka... Ung fashion sense din nung boys~ Ewan, basta. Idol ko to sa anatomy, folds, face profiles, paggamit ng screen tones.... MATA. SHIIIIIT. Ang galing niya gumawa ng mata!!!!

Kyo Shirodaira. Okay, di porke mangaka ibig sabihin kelangan siya ung nagddrawing. Idol ko si Shirodaira-sensei kasi ang galing niyang gumawa ng mga plot lines. Ung mga dark plots. Tragic lalo. Un.

Jun Mochizuki. Nawili ako dun sa paggawa niya ng Victorian-era attires. Andami niyang designs tsaka ang galing niyang gumawa ng ROSES! OTL. Isa pang dahilan..... Nakakamangha ung itsura nung mga characters niya na may corrupted expressions. Ang cool.