Thursday, December 22, 2011

Birthday Celebration ni Jes

No Pics for the heck of it.

Eto... As usual, ako ung magaling na nag-organize. Ako ung magaling na nag-organize isang araw bago ung celebration. Ako rin ung magaling na nag-organize na nagsabing 12 sharp dapat nasa tapat na ng Mang Inasal sa SM. At syempre, dahil ako ung magaling na nag-organize ng time... Ako ung pangalawa sa pinaka late dumating.
12:30 na ko napadpad sa SM. At syempre, may kelangan akong sisihin. Ung trike. Tagal kasi e. Kaasar. Trollollol. A, isa pang patunay na magaling ako. Hindi ko nasabihan si Keng. Bakit? Kasi akala ko bawal siyang lumabas ngayong week. Kaya un. Hindi nakasama. At tinext ko siya ng maraming beses para lang magsori.

Kasama namin sila Mary, Howie, Ate Ericka, Yaya, Yannah, syempre si Jes. Si Eva dapat nandun din e. Kaso di daw pinayagan.
Nung nasa ATC na kami, dahil nga magaling akong organizer, hindi namin alam kung anung una naming gagawin dun. Kakain ba o mamamasyal... Wala, di talaga namin alam. So sa huli, nagdecide kaming kumain muna. Nilibre kami ni Jes sa Tokyo Tokyo, so naka tempura na naman ako, as usual. Siguro nagtagal kami dun sa food court ng isang oras mahigit kakadaldal lang.
Nung nagdecide na nga kaming tumayo, naglibot uli kami kasi nga di namin alam kung anu ba dapat namin gawin dun. Tapos napadpad na rin kami sa PowerBooks. Siguro isang oras din kami dun. Pano kasi, katitingin ko ng libro. LOL.

Di un, nagsawa kami sa ATC, kaya balik kaming SM. Magaling di ba? Sa SM naman, tambay rin sa National Bookstore. Tapos uwi.
Masasabi kong nakakaasar maghintay ng jeep pauwi a.