Sunday, December 11, 2011

USTET

NO PICS.
Kasi ako, as usual, ung magaling na taong kinalimutan ung camera.

Nagising lang naman ako ng 2:30 AM. Kasi sa sobrang excited ko, hindi ako makatulog ng maayos. Sinundo kaming dalawa ni Ivy ni Howie. Mga 7, nandun na kami. Tapos nung nandun na kami, dahil hindi namin alam kung san ung bulding ko, nagtatanung-tanong kami. At medyo niligaw kami nung mga taong pinagtanungan namin. Buti na lang mabait si Kuya Guard.
Grabe lamig dun sa classroom kung san ako napadpad. Tapos mula 8, tiniis ko ung lamig na un. Nung 11:35 na, eto ung scene:
Proctor: Okay, pede na kayong lumabas, tapos na exams.
Ako: *Lamig na lamig na lamig na lamig na, di na talaga kaya ung lamig* ( Ye!!!! Tapos na rin!!! )
P: Pero wag muna lumabas ung mga tatawagin ko..... Abutog.. -so on so forth-
A: ( Well Shit. )
At pagkatapos nun, kaming mga pinaiwan sa classroom, pinatuloy sa next test. Un na ung talent test. Grabe. E dalawang courses ng arts ang kinuha ko. Malas talaga. Buti na lang talaga mabilis ako magdrawing kung di.. Habang nagddrawing naman, sobrang nanginginig ako sa lamig XD Tapos ung mga palad ko, na usually pink, or maputla, literal na naging dilaw. DILAW. Tss...


So nung nagdecide na kaming umuwi, sakay kami ng jeep, tapos FX... At nakatulog kami sa biyahe. At napadpad na kami sa SM Southmall.
Anung ginawa namin ni Howie dun? Naghanap ng notebook na lineless for the heck of it. Nung nagligalig kami, punta kaming department store. At may nakita akong napakamurang notebook. So binili ko XD
Yan ung notebook Ye, Miami Ink at ung flowery bedsheet ni Gelo XD