Kasi na-LSS ako dun sa version ni KanzentaiCell. So nagsearch pa ko ng mga magagandang cover nung kanta at nadaanan ko yan. Habang pinapakinggan yan, kinikilabutan ako. Hindi ung klase na kinikilabutan kasi takot. Ung tipo na kinikilabutan kasi nawiwirdohan, OTL.
Weird kasi e. Nung pinakikinggan ko yan, ang nai-imagine ko, nakasakay ako sa roller coaster. Tapos ung mga tunnel na pinapasukan nung roller coaster, nagpapakita ng mga gruesome scenes. Na kinatutuwa ko naman XD Parang nananakot ung kanta e. Pero imbes na nakakatakot, naging weird. At nakakatawa XD