Saturday, December 10, 2011

Birthday

Ko. Ngayon. Ye.

Kahapon, sobrang sinurpresa ko nung mga CO. Pagpasok ko, diretso ko sa locker room. Pagbukas ko ng locker, wala ung mga gamit ko. E di nag-panic ako. Kala ko nakalimutan ko ilagay mga gamit ko sa locker. Tapos napatingin ako sa pinto ng locker, may mga messages. Nilagay na raw ng mga CO ung gamit ko sa classroom. So syempre, dahil nakita kong wala pang nagfoform, diretso na ko ng classroom. At... Huli sila sa akto XD Naglagay sila ng messages sa upuan ko.
Tapos nun, dahil nga daw maaga kong dumating, may mga hindi nailagay dun sa upuan ko. So maraming pahabol na sulat.
Yan lahat yun. Nanjan din ung galing kay nila Ate Ericka at Howie XD Ung pinakamalaki, nasa gitna, with kiss marks XD

Kanina naman, pagpasok ko, kinantahan nila ko XD Tapos nagregalo sakin ng brownies ung mga CO. Si Trisha, mga onigiri, un na ung lunch ko XD May mga nagbigay rin ng Snacku.
Tapos nun... After CAT, diretso rito sa bahay sila Trisha, Koji, Niki, Yaya, Keng, Peds, Ate Ericka, Howie, Jes, Celine, at Paul. At nag "party" rito. Pinakita ko rin kay nila Lin at Jes ung BJD... At maganda nga raw talaga XD Sabi na e XDDD
Ye. Ye, nagdaldalan to the max kami kanina. Nilabas rin lahat ng laptop, free for all. In short, party hard. XD
Yan kami kanina, kumakain nung mga handa sa bahay. Nag-order rin si Ate Reagan at Kuya Rex ng tatlong kahon ng pizza so may fiesta kanina rito.
Napagkaguluhan rin pala namin ung Dictionary of Dreams ko kanina. XD
Ung niluto ni ate na "pinakamasarap na pritong itlog". PRITONG ITLOG, OTL. Pero never kong natikman yan kasi inubos ko ung mga onigiri na gawa ni Trisha XD
Brownies galing sa mga CO. Sarap grabe.

Snacku~

Mga letters uli nung mga CO + letter ni Ate Ericka at Howie. Complete Version na yan.

So... Masaya ko ngayong araw na to. XD