Friday, December 2, 2011

Field Trip [ 1 ]

Part 1 lang ngayon dahil baka may manakawan mahiraman ako ng pics bukas na pede kong i-post dito XD
So field trip nga namin kanina. At... Masasabi kong ako ung nagkalat ng depression sa mga taong nakaupo sa bandang likod ng bus. Kasi naman, nung umaga, nalaman ko na nagback out si Keng. Syempre masaklap. Last field trip na, di ko pa kasama si Keng. E di hindi kumplete ung barkada. Aw talaga.

Umalis kami ng saktong 6 for once. At, tinupad naman ni Yaya ung promise niya na hindi siya malalate. Ang late naman ngayon, si Trisha.

Una naming pinuntahan, Kulturang Pilipino. Na akala talaga ng lahat, tuloy kaming Boom na Boom. Kung nangyari man un, malamang may burol na kanina pa.


Yan ung unang station. Ngayon, nagkaron ng game na bawal KJ. Pipili ung mga host ng sasayaw sa harap habang vinivideo-han. At dahil kami ni Howie, nakita nilang nakatayo.... Ye... Kinuha kami tas pinasuot ng costume. OTL. Walang vid. Wala naman kasing kumuha e. Na pinagpapasalamat ko talaga kasi ang lame ko "sumayaw" LOL.
Yan na ung mga seniors nung pinanonood ung vid namin na sumasayaw XD
Pagkatapos sa station 1, pinalibot na kami dun sa Kulturang Pilipino.



Mga pics dun sa third station na pinuntahan namin.



At yan. Station three pa rin. Nawili kami kay Dr. Jose Rizal tsaka dun sa mga spot na magandang magpa-pic XD
Last station dun, nood kami ng short film about aging parents. Tapos alis na kami. Punta kaming Blue Wave. Di na ko kumuha ng pic kasi bitter ako. Sarado na nga ung Kimono Ken, sarado pa RaiRai Ken. Tss. Starbucks lang bukas.
Diretso MoA kami pagkatapos para pumunta dun sa Science Discovery... NA OTL, NAPUNTAHAN KO NA NUN KASAMA SILA KUYA. TSS.



Dahil magaling ang mga tao dun, pinaghintay kami sa pila ng planetarium for 30 minutes. Grabe. E at least may stolen ako ni Quenneth >D

Tapos pinaggala na kami sa loob ng SciDisco.
Paglabas dun, pinagala kami sa MoA hanggang 12:20. Kasama ko maggala si Trisha at Koji. At dahil ako talaga ang pinakamagaling na tao sa mundo, na-late lang naman kami sa assembly for 20 minutes kakahanap sa Power Books na sarado na pala XD
Convo namin ni Yaya sa text:
Yaya: Nasan na kayo?!
Ako: Hello Kitty.
Ye. Magaling akong mag-talk shit XD

Pagkaalis sa MoA, punta na kaming Banko Sentral. Di na rin ako kumuha ng pic kasi bawal naman rin.
Diretso na kami sa Myth of the Human Body. At dahil nga magaling ako, iniwan ko ung camera ko sa bus. So no pics. Magnanakaw na lang ako sa may pics bukas XD

After nung Myth, balik kaming MoA dahil sa kung-sino-mang-nakakaalam-kung-bakit na dahilan. At pinaggala kami for one hour. ONE HOUR. SA MOA. Well Shit. Magaling talaga. Kasama ko naman nun, syempre Trisha Koji pa rin. Tapos, para siguraduhing di kami malalate uli, si Yaya at Alvin at Paul.
Nag-Power Books Hunting uli kami. Pero napadpad kami sa Fully Booked. At nagtagal naman kami dun. Nung kelangan na kaming bumalik, dahil magaling rin si Yaya at nagmamayabang na di kami mawawala pag kasama siya, nawala kami at umabot sa kabilang dulo ng MoA. OTL.
So kahit papano nakarating naman kami sa meeting place on time. Kami pa nga most punctual e.
DAHIL SAKIN. NYARHARHARHARHAR.
 Nung uwian na, medyo boring kasi di sumama ung mga pinaka-maiingay na boys. Pero ayos na rin. Kasi puro kami talk-shitting sa bus XD Courtesy of Yaya, Ako, at si Trisha. Ang biktima namin. Si Paul >D

Okay, aaminin ko, masaya rin naman ung field trip ngayon. Di ko nga lang feel ng todo, unang-una, wala nga si Keng. Pangalawa, para talagang di pa rin worth it ung field trip. Pangatlo, di ganung masaya sa uwian, wala kasing maingay. Pang-apat, BITIN NG SOBRA SOBRA UNG TRIP. TSS.


Pero natupad naman wish ko na sana magkakasama lahat ng fourth year sa iisang bus XD

Side note: Meron rin pala kong napakalaking kasalan kay Trisha. Di ko kinain ung maki na ginawa niya. Kasi amoy utot. Tuloy, napanis sa huli. Ye. Sabi ko kasi, onigiri, hindi maki. >_>

May part two talaga bukas. PROMISE. XDDD