OMG. After 20 years - de, mga ilang weeks lang kasi last nung grad - nakasakay uli ako ng bike. Kasi si Ate Reagan, nadecide magbike. So sama naman ako. Sumama rin sila Hedrix at Dana. Dapat nga sasama rin tong Gelo na to e. Kaso heck, anung gagamitin ko pag sumama siya no?
Punta kaming San Antonio kasi... Kasi tahimik dun at wala ganung kotseng dumadaan, di tulad dito sa Tidy Tips. Paikot ikot lang kami dun. Saya pa nga ni ate kasi walang asong nakakawala e.
Nung nagsawa kami sa San Antonio, punta naman kaming Hansuyin. Si Hedrix ang laging nasa unahan. May isang street dun na dinaanan namin.... Hinabol ng aso si Hedrix. LMAO. Kaya ikot uli kami pabalik. Parang gumana na naman ung mga usual jinxes ko. Kasi habang nagbabike kami, lagi kong sinasabi na "Masarap kayang mahabol ng aso no!" So ayun. May nahabol nga samin. De, pero masaya naman talagang experience e. Nung bata kasi ako, ganun din. SA Cavite pa kami nun. Nahabol din ako ng aso, Kaya dapat lang may makaalam pang iba kung anu feeling XD
Boring talaga. Tsaka hindi ako sanay na hindi nakikita ung pagmumukha nila Ashley, Yaya, Jes, Howie, Ate Ericka, Celine, Trisha, Paul, Niki, at Koji araw-araw. Parang nakakapanibago. Nakaka-emo lang. Haha!
Side note:
May gala kaming barkada sa Tuesday. Parang reunion of some sort. LOL. Syempre, ang magaling na organizer, yours truly. So may 25% chance rate lang na matuloy un. At meron ding 75% chance rate na marami ang hindi sumama. OTL, iiyak ako pag ganun. HAHAHA.
Another note:
BORING TALAGA MEN. Kelangan kong lumabas ng bahay dahil mamamatay na ko kakalanghap ng hangin dito. Nagsasawa ung katawan ko sa amoy dito sa loob ng bahay.
Extra note dahil magaling ako:
ANTANDA KO NA SHET. Pag nagkukwentuhan kami nung mga bata, ang laging bukambibig ko, "Nung high school pa ko..." OTL. Yoko na.
Very senseless post.