Thursday, April 5, 2012

Reco Letters

What is late? E kasi naman. Wala na kong mapost dito sa blog kasi wala namang magandang nangyayari sa araw-araw ko sa bakasyon dahil nga boring, hindi makaalis ng bahay, at broke. So nabasa ko uli ung mga retreat letters na binigay sakin. At nagdecide akong kunan un ng pics at gawan ng small competitions.

Yan ung lahat ng reco letters na nilabas ko mula dun sa lungga nilang itago natin sa tawag na small white envelope. Pinagsisihan ko nga na nilabas ko sila e. Ang hirap kasing ibalik. Kelangan  pang isa-isahin.

Galing kay MJ. Yan ung pinakamahirap basahin sa lahat. Panu ba naman kasi, sino bang nagsabi na dapat paikot ung message? Grabe, nung una kong binasa yan, ilang beses akong nawala sa pagbabasa kasi naman kasi naman.


Ung una, kay Quenneth galing. Ung maliit, kay Jessica naman. Yang dalawang yan ung pinakamahirap buksan sa lahat. Ung kay Quenneth kasi, naka-glue ata un or paste. Basta un. Sabi ko nung una kelangan kong mabuksan un nang hindi napupunit ung papel. Ayun. Nasira rin sa huli. Ung kay Je naman... Kasi magaling ako kaya hindi ko alam kung pano buksan. Hinihila lang pala un. Natanga talaga nung una kong hinawakan yan. Umabot ako ng 15 minutes bago ko naguksan. LMAO.

Pinakamahabang message sa reco letter. Galing naman kay Keng. Syempre. Kasi mahal niya ko XD Pero inenjoy kong basahin yan. Actually, habang binabasa ko, naiisip ko na parang sulat ko lang yan para sa sarili ko kasi pareho kami ng sulat e.



Special mention lang. Hulaan na lang kung kanino galing. Grabe. Napakagandang message sa simula. Nakakatouch talaga. Yan ang pang reco letter kasi. Yan ang nag-iisang reco letter na nung binasa ko, muntik na kong ma-choke sa iniinom kong tubig nun. At dahil dun, kelangan rin niyang mapasama dito sa blog post.