Wednesday, April 18, 2012

Enrollment

Sinong pagod? Sinong nanggagalaiti sa galit? Sinong pinagpawisan ng todo? At sinong enrolled na sa UST? Ako men. At shet. Ayoko nang i-try uling pumila para sa uniforms dahil... Dahil well shit. Tatlong oras mahigit lang naman kaming pumila para jan sa academic uniforms na yan. Buti na lang aircon dun sa Quadri Pavillon. Kaso nakakainip ung wala kang kausap at magdamagang nakatayo.
Dapat kukuha rin ako ng ROTC, kasi un naman talaga plano ko. Kaso tinamad ako kasi nakakatamad naman talaga. Basta un.


Ung mga uniforms ko. Nasa taas ung PE. Tapos ung bwisit na academic uniform ung pangalawang pic. Tae, wala pa ngang slacks yan kasi na-out of stock. So babalik pa ko next week. Sana lang hindi na ganung kahaba ung pila dahil ayoko na talaga.
Sabi ni mommy mukha daw kaming chef dun sa academic uniform. LOL.

Sana readable, LOL. Yan ung sched ko. Nakakatamad magscan e, kinunan ko na lang ng pic. Bale, kelangan kong gumising ng 3:30 or 4 ng madaling araw para magready at umalis ng bahay ng mga 5. Kawawang nilalang naman ako. Buti nga wala kong Saturday classes e. Nakaka-OTL ung sched ko, tae.

O basta yan. Ayon sa mga naririnig kong balita, June 4 pasukan namin. Kami na maaga. Kaso parang di pa ko ready na isuko ung pagtulog ko ng 3 AM.