Tuesday, April 3, 2012

Pasahan

Kasi nagpunta kami ni Kuya Rex sa UST para magpasa ng requirements ko. At pinagpasapasahan kami dun like ye. At heck, ayoko nang maulit yun kasi nakakabwisit. As in.

WALA NGA PALANG PICS KASI... KASI.


Ganto kasi un. Gising akong 6 AM para maaga makapunta sa USTE. Tsaka sa hapon kasi kasal nung tito ko, so may conflict talaga sa sched. Sakay kami ng bus, at well shit. First time kong magbiyahe na nakatayo ako sa bus. Sa mabilis na damnable bus. Kasi pinuno talaga ung bus at hindi ko alam kung bakit. So more than kalahati ng trip, nakatayo kami.
Nung narating na namin ung university, pumunta kaming Beato Angelico Building na nandun sa may dulo sa harap, so malapit lang. Pinuntahan namin ung assigned room para dun sa mga nag-apply sa Industrial Design. Tapos sabi, punta daw kami muna dun sa katabing room, nandun ung dean. E di punta naman kami. TAPOS PINAPUNTA KAMI NG TAN YAN KEE NA NANDUN PA SA KABILANG DULO NG UNIVERSITY. E di pinuntahan namin ung Tan Yan Ke na un. Init men. As in. Pagpunta namin dun, pumila kami. Tapos pinapunta kami sa Main Building sa may gitna ng UST. Pila na naman. Tapos balik Tan Yan Kee. Tapos balik nung Beato Angelico sa room ng dean kung san may mahaba talagang pila. Tapos nung ako na ung kakausapin nung dean. SYETE. Di na pala kelangang kausapin ung dean, so balik kami sa assigned room ng industrial design. Tapos may pina-fill up na personal data. Tapos pila uli dun sa room na un. Tapos un na. Tapos.
Gagi. What a day. Na-realize ko rin na ang uniform ng mga tao sa building ng Fine Arts ay blouse at slacks. At ayoko ng slacks. Kasi mainit sa legs. Well shit. Bukod dun, required magheels. Good luck naman sakin.

ALUMNI NA KO SA DCCS.
Ngayon lang nagregister ng todo sa utak ko. Tanda ko na T_T