Sunday, April 15, 2012

Notebook

Kahapon ng gabi kasi, dahil hindi ako makatulog, nagdecide akong baklasain ung mga notebooks ko NUNG HIGH SCHOOL PA KO. Tanda ko na talaga. Wala akong magandang magawa e. Dahil nakita ko ung mga notenooks sa kama ko, sila pinagdiskitahan ko.

Er... Yan ung mga notebooks na nabaklas ko. At.... nanjan din ung pinanggamit ko sa pambabaklas. Ung susi sa locker namin ni Keng na nahanap ko na sa wakas OMG. Bakit ngayon lang siya nagpakita kung kelan graduate na kami???

Di ayun na nga, binaklas ko na. Pinaghiwalay ko ung mga notes ko dun sa mga random doodles ko sa likod at harap at gitna ng notebooks ko. At syempre, pati ung wala pang sulat na pages. Nakakaasar lang na nawawala ung Physics at TLE notebooks ko e. Oo, Physics. Kasi kung tutuusin, marami pang leaves un na walang sulat. Mas marami pa nga sa Filipino at English e. Ganun ako kasipag sa pisika. LOL. Kaasar lang. Tinipid ko talaga notes ko para ngayong bakasyon marami akong papel e.

A, nahalungkat ko nga rin pala sa kung-san-man-yun-sa-ilalim-ng-kama ung banner namin. Haha. Nakaplastic na siya ngayon. Nagdecide akong wag nang alisin jan kasi hassle pa ung pagbalik niyan sa plastic e. Tsaka hassle din ung pagtiklop.
Dapat itatapon ko na ung notes ko tsaka ung covers at binds. Sa huli, na-realize kong may sentimental value pa sila sakin kasi nga huli na. HAHA! Hindi ko kinayang itapon. Kaya ayun, pinagsiksikan ko silang lahat dun sa loob ng pinakamamahal kong obese na clearbook. Grabe. Kawawa talaga yang clearbook na yan. Di ko man lang inaalagaan XD