Tuesday, May 31, 2011

SM with Barkada

Kasi nagbakasyon si Eva dito sa LPC. So syempre kelangan may gala kami. At dahil SM lang naman ang alam naming pedeng galaan... SM nga kami.
Kasama ko si Gelo dahil gusto niya lang sumama. Tapos sabay kami Mary pumunta dun. Nung nandun na kami sa rendezvous point, unang nakita namin si Jes. Siya palang rin naman nandun e.  Di tinext ko na si Abby. Tapos biglang dumating si Yaya, sunod na si Abby, at si Eva. Late siya dahil na-late ng gising. Magaling. So si Celine na lang inantay. Antagal. Kaya tawag na kami sa bahay nila. Sabi niya antay na lang daw kami sa food court. Di nag-antay nga kami dun.
Basta kung anu anung nangyari... Hindi actually, wala e. Magaling akong organizer.... O un, nagkita rin kami nila Keng at Gelo Escueta. So un, nagpapicture sa Fuji Film.
Wacky yan. Parang ampangit ng scan ko a. Na naman. OTL.
Okay.... Medyo mas matino ng onti...... Onti lang.

Mushrooms










Hindi yan life cycle ng mushrooms. Basta may tumubong mga kabute dun sa garahe ng bahay ng nanay ko e. Pag naghuhugas tuloy ako ng pinggan, imbes na dun ako nakatingin sa hinuhugasan ko, yang mga mushroom ung tinitignan ko. Bagal ko tuloy.

Monday, May 30, 2011

C/P2LT Grad Pics

Grabe tagal bago maipost to. Dito ko na rin sasabihin ung mga posisyon namin. Start tayo sa Medics.

  • Bravo Second Flight Medic / Color Guard : Jose Cruz
  • Bravo First Flight Medic / Color Guard : Nick Paul Albina
  • Alpha Second Flight Medic / Color Bearer : Edrick Stein
  • Alpha First Flight Medic / Color Bearer : Howie Palileo
  • Bravo Second Flight Leader : Julian Ulob
  • Bravo First Flight Leader : Cheska Sevilla
  • Bravo Executive Officer : Keine Divina
  • Bravo Squadron Commander : Sebastian Vista
  • Alpha Second Flight Leader : Abby Manlongat
  • Alpha First Flight Leader : Rolando Tolentino
  • Alpha Executive Officer : Alvin Amil
  • Alpha Squadron Commander : Alou Barrios
  • Color Officer : Julius Perez
  • Air Group Composite Commander : Regie Hidalgo
  • Air Group Provost Marshall : Efren de Guzman
  • Air Group Supply : Dorothy Pahutan
  • Air Group Planning Training Officer : Paolo Salvador
  • Air Group Intelligence : Jessica Garcia
  • Air Group Adjutant : Janica Balasolla
  • Air Group Deputy Commander : Gianne Abutog
  • Air Group Commander : William Villanueva

So yan na ung mga posisyon. Mula sa pinakamababa pataas ung order niyan.
A.... Hindi na naman ako nakatingin sa pic. OTL.
Pic ng lahat ng CAT officers ng DCCS kasama si Sir Gary.
Wacky pic namin.

Pic kasama Andreans. Ung kumuha ng picture, alumni ata ng SAS.

Wacky pic with Andreans.

Un lang. Di na nakuhanan nung habang nagseserve kami ng pagkain e. LOL.

Sunday, May 29, 2011

Vampire Juuji Kai

Okay.... Vampire Juuji Kai - The Record of Fallen Vampire naman ung manga series na pinakanakakaiyak para sakin. Vampire story din siya na kakaiba. Walang blood-sucking, pero tungkol siya mostly sa gyera at politics.
There is a legend that tells of how the world was almost destroyed thousands of years ago by the vampire queen after she unleashed her latent powers. Despite their efforts, the humans were unable to defeat her, and thus resorted to sealing her away until the time came that they would be powerful enough to destroy the seal and kill her. However, the humans are not the only ones after the seal. Having cast aside his kingdom and betraying his own race and the dhampirs (half-vampires), the vampire king is persistantly searching, even to this day, for where his queen has been sealed away so he may break the seal and free her before the humans do. Fearing that once the king and queen are reunited, they shall continue to destroy the world together, the humans and dhampirs hunt the king, using any method possible.
Yan ung summary. Nung una kong nabasa yang summary, di ko muna pinansin kasi nga iniisip ko, vampires na naman. E overrated na nga sila sa palagay ko. Kaso naintriga ko sa drawing. Tsaka madaming nagsasabi na maganda daw. So binasa ko nga. Sinubaybayan ko yan hanggang sa matapos. At sa huli, malamang, umiyak na naman ako. Kasi maganda ang ending.
Ang story, nagfofocus kay Akabara "Red Rose" Strauss, last vampire king ng Night Monarchy. Isa siyang genius na hindi gumagawa ng kahit anung bagay na hindi niya nakikita as necessary. Ayon sa legends nga daw, hinahanap niya ung queen niya na ginawan ng seal ng mga tao.

Si Adelheid ung queen ni Strauss. Na-seal siya kasi pinalaganap niya ung destructive na kapangyarihan niya kasi akala niya papatayin si Strauss. Pero mabait naman siya tsaka mahinhin. Di niya rin alam na mas malakas pala kapangyarihan niya kesa sa king niya.

Bridget Irving Frostheart. "Adopted daughter" ni Strauss at biological older half-sis ni Adelheid. Dhampire lang siya. Kasi nagkaron ng affair si Gottfried, tatay nila, sa isang tao ata un. So si Bridget, princess siya actually. Na tinakwil nung pinanganak si Adelheid. Nung una, kinamuhian niya ung kapatid niya, kaso dahil nga sobrang bait ni Adelheid, nagkayos sila.

Dahil nga natakot ung mga tao sa vampire king, ung leader nila, bumuo ng sumpa na tinatawag na Black Swan. May i-popossess un na dalaga tapos ang magiging trabaho niya, patayin ung vampire king and queen. Hanggang hindi namamamatay ung dalawa, hindi rin mawawala ung curse at patuloy na maghahanap ng pedeng i-possess.
Ang nakatalo lang kay Strauss at ang huling Black swan, si Kayuki Hirasaka. Siya rin ung nag-iisang Black Swan na nakaalam ng sobrang daming info tungkol sa vampire race.
Si Jin Renka, dhampire na malaki galit kay Strauss. Kasi pinatay niya ung girlfriend niya. So un, usually siyang kasama ni Bridget pati na sila Fuuhaku at Ethel.

Siya ung predecessor ni Kayuki. Siya rin ung 49th Black Swan at girlfriend ni Renka, si Yuki Komatsubara. Siya ung unang Black Swan na halos kasing lakas na ni Strauss. Bago siya mamatay, sinabi niya na, kahit magkalaban sila ng vampire king, hindi niya kayang magalit kay Strauss. So ye, siya ung dahilan kung bakit hell-bent si Renka na mapatay si Akabara.

So ung last pages... Hindi... Ung buong storya pala.... Gloomy at may dark plot na talagang nakakapagpa-isip kasi... Basta andaming twists. Yan na naman ako sa twists e... O basta un.
Excerpts:



Okay... Actually, spoilers yan e XD. Un.

Saturday, May 28, 2011

Code Geass


So kung Crisis Core ang iniyakan kong video game, Code Geass - Lelouch of the Rebellion naman ung anime series na nakapagpaiyak saking literal.
Nagustuhan ko ung protagonist na may anti-hero attitude na si Lelouch.
Yan. Si Lelouch vi Britannia AKA Lelouch Lamperouge, eleventh prince ng Holy Britannian Empire. Madami siyang quirks na nagustuhan ko talaga. Example, ung pagiging genius niya na nagagamit niya para matalo ung mga kalaban niya. Tapos kahit maniacal siya minsan, pag nakakausap niya ung kapatid niya, balik sa stable ung mentality niya. Tsaka magandang comic relief ung physical prowess niya na underwhelming talaga.
So yeah, siya ung paborito kong character sa series.
Sunod kay Lelouch, malamang talaga si C.C. e. Naintriga ko sa pangalan niya. Tsaka nung una ko siyang nakita sa anime, sabi ko talaga sa sarili ko na malamang talaga siya ung magiging number one support ni Lelouch sa misyon niya sa buhay. At kahit nung "pinatay" siya, alam ko talaga na buhay siya e XD. Nakakatawa rin ung pagiging kalmado niya sa oras na dapat natataranta na siya. TSAKA MAHILIG SIYA SA PIZZA!
Isa pang nakakatawang character, si Milly Ashford, president ng Ashford Academy kung san naman vice president si Lelouch. Okay, minor character lang naman talaga siya e. Pero pag pinapakita man siya, sobrang natatawa ko sa kanya kasi dami niyang kalokohan. Andami niyang activities para sa school, madalas games na ang premyo si... Well... Lelouch XD

Sabihin na nating puro nga comic relief characters ung Code Geass, pero dark at deep ang plot niya. Syempre may twists... At sa dulo, nakakaiyak talaga.

[ SPOILERS ]
Pagkamatay ni Lelouch. Pinlano niya yan. Kasama ni Suzaku Kururugi na nakasuot ng Zero. Para daw lahat ng "hate" ng mga tao nakatutok sa kanya, para magkaron ng kapayapaan sa mundo. So un, un ung pinlano niya, mamatay sa huli para magkaron ng katahimikan lahat. Madugo ung ending. Nakakaiyak din sobra.
Pero sa huli naman daw, ayon kay Kallen Stadtfeld, naging ayos ung lahat.

Ye, mahilig ako sa mga madugo at happy-endings-in-diguise-of-sad-endings na endings. LMAO. Di ko mapigilan sarili ko e. Sarap umiyak.

Yes, I have... Destroyed the world. And created... Anew.
- Lelouch vi Britannia's last words

Thursday, May 26, 2011

Normal Random Day

Punta kami ni mommy sa SM para bumili ng supplies. Nagkita kami ni Abby habang nakapila. Tas un.... Basta un....

Nakaalis na nga pala si Kuya Rex. Nasa Cebu na siya. So yeah... Tapos na maliligayang araw ng pizza night...

Wednesday, May 25, 2011

C/P2LT Graduation

So wala munang pics ngayon. At may dalawang dahilan.
  1. Hindi ko nadala ung cam ko kanina sa school. Dahil magaling ako. As usual.
  2. Wala pang pino-post na pic si Sir Gary XDDDDD

Nagising lang naman ako ng 6:30 dahil ginising ako ni ate. 7:30 na daw, malalate ako. Di gising naman ako. Tinignan ko ung orasan ko. 6:30 nga nakalagay. Kala ko nabago ung time... Tapos bumalik si ate, 6:30 pa nga lang daw. So yeah... E di na rin naman ako makatulog kasi nga hirap makatulog pag may sakit. So bangon na lang ako at hinintay mag-seven.
So un, ligo, bihis, kain, yada yada.... Alis akong bahay mga 8:15. E magkikita kita daw kami sa MiniStop. Pagdating kong MiniStop, nandun si Cheska at Regie. Nauna si Regie kasi magkikita-kita pa daw sila nung mga SAS friends niya. So antay-antay pa kaming konti. Dumating si Yaya, tapos si Abby, tapos sakay na kami. Dinaanan din namin si Jes. Tapos un na. Wala pang 9:30 nasa SAS na kami. Pero 10 ung call time.
Nung ten na, upo na kami tas naghintay kami.... Ng one hour lang naman. Panu si sir, nun pa lang pinrint ung mga certificates. Kulang pa.
So un na. Nag-award-an.... At sinabi na ung mga posisyon namin. Sobrang saya ko. Natupad ung wish ko!! Deputy me~
So un, ang commander si William. Ung iba, pag may pics ko na lang sasabihin kasi di ko nakabisado. Di tinawag ni sir ung mga commander at deputy. Kami daw magserve ng pagkain sa mga officers. So kami nga nagserve. Ako tagabigay ng plato, spork, at baso. At kung nautusan, taga-lagay din ng softdrinks sa baso.

Masasabi kong medy fail din tong araw na to. Tatlong beses akong nagmukhang timang sa harap ni Sir Gary. Tinawanan pa nga niya ko e OTL.
  1. Nung una, kinakausap ko si Yaya. Syempre, pag may kinukwento ko, laging may hand gestures na sobrang exaggerated. At habang nagkukwento ko with hand gestures na exaggerated, dumaan sa likod ko si sir.
  2. Habang nagseserve kami ng pagkain. Nataranta ko at sinabi kay sir na wala nang spork. Meron pala, katabi niya lang.
  3. Nag-eexplain si sir kung anung gagawin namin sa first week ng school. Tapos si Yaya, biglang sinabi na akin na lang daw ung Piattos niyang kinukulit ko sa kanya. Ang ginawa ko... Tumalikod at nagtatalon-talon habang sumisigaw ng "YEAH!!!". Tumingin sakin si sir at tumawa. Malamang nasa isip nun Eto ba talaga ung deputy?? or Parang nagkamali ata ako ng napili as deputy a. OTL.
Ye... Masasabi kong magaling ako....

Bedsheets

Kasi kahapon nilabhan ni mommy ung bedsheets tsaka pillowsheets. Nung gabi na, binalik niya na sakin. Ako na daw bahalang mag-ayos nun. Di un. Ang inayos ko lang, ung bedsheet. Kasi tinatamad pa ko. Di un na. Siguro mga 12, inantok na ko. Di aayusin ko na ung pillowsheets. Tas napansin ko wala ung punda ng unan ko sa paa. Sabi ko Shit!. Di hanap ako. Bumalik ako sa bahay ni mommy, wala daw rin. Kay nila ate, wala rin. Di tinignan ko ung ilalim ng bedsheet ni Gelo. Wala rin. So sumuko ako. Umakyat akong kama. At may nakapa ako. Sa ilalim ng bedsheet, nandun ung punda ng unan ko sa paa. Pati ung ibang punda ng ibang mga unan. OTL

Tuesday, May 24, 2011

Panganay na Anak

Minsan masaya maging panganay e. Minsan... Naguguluhan ka. Either gusto mong mag-suicide dahil sawang-sawa ka na sa buhay mo... O gusto mong patayin ang kahit sino man sa pamilya mo...

Pros ng pagiging panganay:

  • Panganay ka. Ikaw ung "boss" sa magkakapatid.
  • Kapag may inutos sayo, pedeng ipasa sa mga kapatid.
  • "Idol" ka ng mga kapatid mo.
  • Ikaw ung unang magkakaron ng sariling buhay AKA sariling kwarto.
  • Lalaki ka man o babae, basta panganay ka, ikaw ung magaling. Ye, let's not be sexist.
Cons:
  • Pag may kasalanan ka, sayung-sayo lang kasalanan mo.
  • Pag may kasalanan mga kapatid mo, may kasalanan ka rin kahit wala kang kaalam-alam sa kung anu mang nangyari.
  • IKAW UNG DAKILANG UTUSAN.
  • Laging kaaway ang parents. Usually, ung nanay mong magaling. Fine, sila magaling.
  • Usual lines ng parents "Pagbigyan mo na ung maliliit mong kapatid. Malaki ka na e."
  • Usual lines ng mga kapatid "MA! PA! SI ATE / KUYA O!! INAAWAY AKO!"
  • Nawawalan ka ng awtoridad sa mga kapatid mo dahil kinakampihan ng parents ung maliliit.
  • Bawal magalit sa kapatid na maliit kasi maliit pa. OTL
  • Naranasan mo na lahat ng parusang pedeng maranasan. Ung mga kapatid mo hindi pa.
Actually, madami pang Cons e. Yoko lang talagang alalahanin lahat dahil OTL, nabubuwisit ako. Bakit ko binlog? Dahil kelangan kong ilabas ung galit ko.

Alupihan

So nag-decide ako kani-kanina lang na kinamumuhian ko ang mga alupihan. Panu kasi... Habang naliligo ako kanina, may maliit na alupihan na kumapit lang naman sa paa ko, umakyat sa binti ko, at kinagat ako. OTL. Mula talaga nun, yoko sa mga alupihan e. So ngayon... Kinamumuhian ko na sila. Tae. Pag ako nakakita ng isa pa sa mga lahi nila, makakapatay ako. >_______>

Side note: Na walang connect sa post.... Pinilit ko si Gelo na i-transfer uli ung Crisis Core sa PSP dahil gusto kong maglaro at umiyak sa larong un. Ye. Pitiful Masochist = Me.

Monday, May 23, 2011

Crisis Core

Men cry not for themselves, but for their comrades.

Final Fantasy VII: Crisis Core (c) Square Enix. Kelangan ko talagang i-blog dahil hindi ako maka-get over sa larong yan. Masasabi kong yan ang pinakanakakaiyak na larong nalaro ko. Sobrang ganda ng plot at syempre, ung mga twists.


So ang main character ng laro, si Zack Fair. Sa simula, 16 years old siya, 2nd class SOLDIER. So may mga taong nakapalibot sa kanya at may malalaking roles sa storyline at sa buhay niya mismo.
[ From left to right, clockwise direction ]
Zack Fair - Main character ng Crisis Core. Or at least, siya ung nag-iisang player mo sa buong game. Story niya actually ung CC e.
Angeal Hewley - Mentor ni Zack, at ang magbibigay sa kanya ng iconic Buster Sword.
Cloud Strife - Siya ung actual na bida ng Final Fantasy VII. Pero sa CC, parang extra lang siya or so. Magkakakilala sila sa isang mission ni Zack. Siya rin ung magmamana ng Buster Sword galing kay Zack.
Aerith Gainsborough - Uh... Gusto kong sabihin na girlfriend siya ni Zack, kaso hindi naman talaga naging sila. Pero dapat talaga sila e ;__; Sa CC, wala rin siya ganung mahalagang role bukod sa pagiging number 1 major support ni Zack.
Sephiroth - Idol ni Zack, 1st class SOLDIER sa simula kasama ni Angeal. Sa CC ipapakita ung history kung bakit at pano naging masama si Sephy.
Genesis Rhapsodos - 1st class din, na gaya ni Sephy, naging masama. Siya ung last na kalaban ni Zack.

So sabi ko nga, nakakaiyak ung game. Bakit? Basta, nung nilaro ko to, siguro bawat scene may iniyakan ako. Eto ung mga talagang nakakapanglumo sa lahat [ SPOILERS ]:

Pagkamatay ni Angeal. Okay, so di ganung nakakaiyak ung pic na nakuha ko... Whatever.... Basta nakakaiyak yang scene na yan.... Kasi umiyak din si Zack XD
Yan. Basta umiiyak si Zack niyan. Niyakap nalang siya ni Aerith.

A, syempre, ang pinakanakakaiyak na scene sa lahat:

Last moments ni Zack, kinakausap si Cloud. Pinapamana rin ung Buster Sword.

Zack's death. So nakangiti siya. At namatay siya age 23. Kung papanoorin lang sa youtube ung pagkamatay niya, hindi siya ganung nakakaiyak. Syempre kasi hindi maiinindihan kung bakit nga nakakaiyak e namatay lang naman ung dating may-ari ng Buster Sword... Kaso laro kasi siya e. Sa buong game, siya lang ung kaisa-isang player. For 6 years lang naman, sa time nung laro. Kaya ung death niya, sobrang maiiyak ka tas masasabi mo sa sarili mo na SHIT! ZACK! Wag ka na lang mamatay! Pano si Aerith?!?!?!
Speaking of.... May promise din siya kay Aerith na babalik siya pagkatapos nung mission niya para samahan siyang magtinda ng bulaklak. So hindi niya natupad un.

Aerith. Parang na-sense niya ata ung nalalabing oras ni Zack.

A, isa pang nakakadagdag luha:

Un..... A, bago ko makalimutan. LOVELESS, ang walang kasawa-sawang poetry act ng FFVII:

Prologue
When the war of the beasts brings about the world's end
The goddess descends from the sky
Wings of light and dark spread afar
She guides us to bliss, her gift everlasting

Act I (Poem)
Infinite in mystery is the gift of the Goddess
We seek it thus, and take to the sky
Ripples form on the water's surface
The wandering soul knows no rest.

Act II (Poem)
There is no hate, only joy
For you are beloved by the goddess
Hero of the dawn, Healer of worlds
Dreams of the morrow hath the shattered soul
Pride is lost
Wings stripped away, the end is nigh

Act III (Poem)
My friend, do you fly away now?
To a world that abhors you and I?
All that awaits you is a somber morrow
No matter where the winds may blow
My friend, your desire
Is the bringer of life, the gift of the goddess
Even if the morrow is barren of promises
Nothing shall forestall my return

Act IV (Poem)
My friend, the fates are cruel
There are no dreams, no honor remains
The arrow has left the bow of the goddess
My soul, corrupted by vengeance
Hath endured torment, to find the end of the journey
In my own salvation
And your eternal slumber
Legend shall speak
Of sacrifice at world's end
The wind sails over the water's surface
Quietly, but surely

Act V (Poem)
Even if the morrow is barren of promises
Nothing shall forestall my return
To become the dew that quenches the land
To spare the sands, the seas, the skies
I offer thee this silent sacrifice
________________________
{ Prologue } (Interpreted)
When the war of the beasts brings about the world's end
The goddess descends from the sky
Wings of light and dark spread afar
She guides us to bliss, her gift everlasting
Act I (Interpreted)
The infinite mystery
The gift of the goddess is what the three men seek
We are disquieted by our actions
But their fates are scattered by war
One becomes a hero, one wanders the land
And the last is taken prisoner
But the three are still bound by a solemn oath
To seek the answer together, once again
Act II (Interpreted)
Though the prisoner escapes, he is gravely wounded
His life is saved, however
By a woman of the opposing nation
He begins a life of seclusion with her
Which seems to hold the promise of eternal bliss
But as happiness grows, so does guilt
Of not fulfilling the oath to his friends
Act III (Interpreted)
As the war sends the world hurtling towards destruction
The prisoner departs from his newfound love
And embarks on a new journey
He is guided by hope that the gift will bring bliss
And the oath he swore to his friends
Though no oath is shared between the lovers
In their hearts they know they will meet again
Act IV (Interpreted)
The prisoner meets the friend who wandered. The wanderer is dying and the world is ending. He is furious that the prisoner gave up on their quest to pursue love while he remains loveless. The wanderer knows that in order to end it one of them must die. And so he initiates a fight to the death. The prisoner is unable to kill his old friend, and allows himself to be killed.
Act V (Interpreted)
The prisoner's sacrifice was the gift of the goddess, and its realization saved the world. The prisoner never returned to his lover, rendering her LOVELESS, the namesake of the poem. She was not alone however for her lover died and saved the world, and she would have him as long as she lived in the world. And so the prisoner's sacrifice saved the world and his love.
Hey, would you say... I became a hero?
-Zack Fair

Sunday, May 22, 2011

Fairy Tail

Okay.... Wala kong magawa. Kaya binalikan ko ang Fairy Tail manga and anime. At.. Nakalimutan kong tandaan kung anung episode na ko sa anime. Sa manga naman, skip skip lang.
So eto na naman ako, mahilg mag-pair sa Shounen manga/anime. At ang nakikita kong cool na pairing ay..
Ye.. Elza [ Hindi ko tinatanggap ang official name niyang 'Erza'!!! ] Scarlet x Jellal Fernandes. Kahit sinung Jellal, si Mystogun man o si Siegrain. Un...

Saturday, May 21, 2011

Malas

Dapat sunod sa salitang "Malas" sa dictionary, picture ko...
No other definition.
Siya na nga. Panu kasi...
  • Nahawa ng sipon dahil sa isang magaling na certain someone.
  • Walang ideas, kasalanan ng mga artblocks.
  • Wala rin motivation. Same reason as above.
  • Galit ang SAI sakin. Ayaw mag-save sa ibang folders.
  • Pasmado OTL.
  • Walang magawa
  • RETIRED.
  • Bored.
  • Inaantok pero di makatulog.
  • Walang ma-stalk.
OTL. Kelangan kong makahanap ng magandang hobbies.

Friday, May 20, 2011

Tulog

Bale kahapon kasi natulog ako ng mga 11. Maaga na sakin un. Tapos nagising ako ng maaga. As in, madaling araw. Mga 2. Di ako makatulog. Di ko alam kung bakit. Kaasar nga e. Nakatulog na uli ako mga 4. At ginising ako ng 6 dahil may ginagawang "renovations" sa kwarto ko. OTL. Grabe. Di ko alam kung bakit pero para kong puyat na puyat kanina. E sanay pa man din akong 3 hours lang tulog. Di un, magdamag akong tulog. Yoko pa man din nung tulog maghapon. Kaso di ko talaga kinaya ung hilo kanina.

Ganyan din nangyari nung isang araw e. 9 naman ako natulog. So sobrang aga talaga para sakin. Tapos nagising ako ng 1, nakatulog na ko ng 4:30, at ginising ako ng 6.