Pros ng pagiging panganay:
- Panganay ka. Ikaw ung "boss" sa magkakapatid.
- Kapag may inutos sayo, pedeng ipasa sa mga kapatid.
- "Idol" ka ng mga kapatid mo.
- Ikaw ung unang magkakaron ng sariling buhay AKA sariling kwarto.
- Lalaki ka man o babae, basta panganay ka, ikaw ung magaling. Ye, let's not be sexist.
Cons:
- Pag may kasalanan ka, sayung-sayo lang kasalanan mo.
- Pag may kasalanan mga kapatid mo, may kasalanan ka rin kahit wala kang kaalam-alam sa kung anu mang nangyari.
- IKAW UNG DAKILANG UTUSAN.
- Laging kaaway ang parents. Usually, ung nanay mong magaling. Fine, sila magaling.
- Usual lines ng parents "Pagbigyan mo na ung maliliit mong kapatid. Malaki ka na e."
- Usual lines ng mga kapatid "MA! PA! SI ATE / KUYA O!! INAAWAY AKO!"
- Nawawalan ka ng awtoridad sa mga kapatid mo dahil kinakampihan ng parents ung maliliit.
- Bawal magalit sa kapatid na maliit kasi maliit pa. OTL
- Naranasan mo na lahat ng parusang pedeng maranasan. Ung mga kapatid mo hindi pa.
Actually, madami pang Cons e. Yoko lang talagang alalahanin lahat dahil OTL, nabubuwisit ako. Bakit ko binlog? Dahil kelangan kong ilabas ung galit ko.