Nagustuhan ko ung protagonist na may anti-hero attitude na si Lelouch.
Yan. Si Lelouch vi Britannia AKA Lelouch Lamperouge, eleventh prince ng Holy Britannian Empire. Madami siyang quirks na nagustuhan ko talaga. Example, ung pagiging genius niya na nagagamit niya para matalo ung mga kalaban niya. Tapos kahit maniacal siya minsan, pag nakakausap niya ung kapatid niya, balik sa stable ung mentality niya. Tsaka magandang comic relief ung physical prowess niya na underwhelming talaga.
So yeah, siya ung paborito kong character sa series.
Sunod kay Lelouch, malamang talaga si C.C. e. Naintriga ko sa pangalan niya. Tsaka nung una ko siyang nakita sa anime, sabi ko talaga sa sarili ko na malamang talaga siya ung magiging number one support ni Lelouch sa misyon niya sa buhay. At kahit nung "pinatay" siya, alam ko talaga na buhay siya e XD. Nakakatawa rin ung pagiging kalmado niya sa oras na dapat natataranta na siya. TSAKA MAHILIG SIYA SA PIZZA!
Isa pang nakakatawang character, si Milly Ashford, president ng Ashford Academy kung san naman vice president si Lelouch. Okay, minor character lang naman talaga siya e. Pero pag pinapakita man siya, sobrang natatawa ko sa kanya kasi dami niyang kalokohan. Andami niyang activities para sa school, madalas games na ang premyo si... Well... Lelouch XD
Sabihin na nating puro nga comic relief characters ung Code Geass, pero dark at deep ang plot niya. Syempre may twists... At sa dulo, nakakaiyak talaga.
[ SPOILERS ]
Pagkamatay ni Lelouch. Pinlano niya yan. Kasama ni Suzaku Kururugi na nakasuot ng Zero. Para daw lahat ng "hate" ng mga tao nakatutok sa kanya, para magkaron ng kapayapaan sa mundo. So un, un ung pinlano niya, mamatay sa huli para magkaron ng katahimikan lahat. Madugo ung ending. Nakakaiyak din sobra.
Pero sa huli naman daw, ayon kay Kallen Stadtfeld, naging ayos ung lahat.
Ye, mahilig ako sa mga madugo at happy-endings-in-diguise-of-sad-endings na endings. LMAO. Di ko mapigilan sarili ko e. Sarap umiyak.
Yes, I have... Destroyed the world. And created... Anew.
- Lelouch vi Britannia's last words